Chapter 22

16 4 0
                                    


Please be reminded that chapter 22, 23, and 24 contain trigger warnings. These chapters are Laurelle's POV (Point Of View). Read at your own risks!

Thanks for my few silent readers who are still here with me and still reading Lucas and Laurelle's story. You guys are amazing. A million thanks for your support. 

We still have few remaining chapters left. Chapter 23, 24, 25, and epilogue.

Enjoy reading!

-Yunisyuyo

---

Trigger Warning:
Sexual Violence, Abuse, Self-Harm, Suicide.

Excited na akong maka-uwi sa bahay dahil gusto ko nang ma-ipakita kila mama at papa ang certificate na natanggap ko dahil nanalo ako sa isang poster making contest, hindi lang certificate ang natanggap ko, may two thousand din akong cash prize at isang gold medal.

Yehey! Makakabili na ako ng madaming art materials!

Nang makapasok na sa gate ay agad kong tinawag ang aking mga magulang.

"Mama, papa, tingnan niyo oh. Nanalo ako, may two thousand ako!" I excitedly said. Itinaas ko pa ang certificate, medal, at white envelope na naglalaman ng pera.

Pero agad na lang nawala ang ngiti ko nang naglakad patungo sa aking direksyon ang galit na galit kong tatay. And without a word, he choked me.

But I didn't do anything wrong...

Nabitawan ko ang pera at certificate na hawak ko. Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay ng tatay ko sa leeg ko... pero ano ba naman ang lakas ng isang labing isang gulang na babae kumpara sa lakas ng tatay niya?

I am slowly accepting my faith... that I'll die then and there.

Habol ko ang hininga ng bitawan ng tatay ko ang leeg ko. Iyak ako ng iyak habang ina-alala kung anong nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.

It was the very first time that my father treat me this way. Nang akala ko ay doon lang matatapos ang pagdurusa ko, nagkakamali ako.

Itinulak niya ako ng malakas sa pader, napapikit ako sa sakit ng tumama ang ulo ko sa pader. I saw my mom sitting on the floor, I want to ask for her help pero hindi siya makatayo dahil sa bubog ng vase na tumusok sa kaniyang binti. Dahan dahang dumilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

The last thing I heard before closing my eyes were my mom's cries. She was calling my name.

Araw-araw naglalasing ang aking tatay at araw-araw niya rin kaming sinasaktan.

"Saan mo tinago ang pera mo? ha?" sigaw niya sa 'kin isang umaga. Nagising akong may sampal agad na natanggap.

Ako lang at si papa ang na-iwan sa bahay, wala ang aking nanay.

Sinampal ulit ako ng aking tatay ng hindi ako makasagot. "Aba! ang bastos mo na ngayon! hindi ka sasagot? ha?!" he shouted.

Tanging iyak lang ang nagawa ko at tinuro kung saan ko nilagay ang pera ko.

Baka kasalanan ko kung ba't galit na galit si papa. Masama na ba akong anak? why is my own father hurting me?

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. We were very happy last month, how did it turned out like this?

Everyday is horror for me and my mom. Our lives completely changed.

A loving father turned to a scary monster. He's hurting me and my mom almost everyday. I didn't see this coming.

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon