Halos mag i-isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Leinah. She's probably making Dwayne sleep. Wala tuloy akong choice kung 'di ikwento lahat kay Luther ang nararamdaman ko.
"Pinagpalit niya ako sa ex niya!" Sigaw ko saka ako umiyak sa harapan niya. "Ang gago niya! Ang gago gago niya, Luther!"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasabi ito. I am aware na pa ulit ulit na lamang ako dahil nalalasing na ako. Ang tataas na ng tagay ko sa sarili ko.
Dumating naman kalaunan si Leinah at umupo sa tabi ko. Nakangiti siya sa akin at bigla akong naluha lalo dahil sa ngiti niya. Masaya ba siyang makitang umiiyak ako?
"Ba't ka nakangiti? Masaya ka ba ha?! Masaya ka bang miserable ako ngayon?!"
"When you heal, tatawanan mo nalang 'yan." She said saka siya uminom.
"Kailan? Kailan ako maghi-heal?"
"It takes time, Rae. Pwedeng next month okay ka na, pwedeng sa mga tatlong buwan, isang taon, dalawang taon. Maaring mabilis lamang pero maaring matagalan ka rin."
Mas lalong dumoble ang sakit sa puso ko dahil doon. Paano kung matagalan ako? Paano kung hindi ako agad mag heal? Ang tagal ng taon na nakasama ko si Loise. Ilang taon din kaming nagkaroon ng relasyon. At palagay ko, matatagalan din ang paghilom ko.
"It will take time I guess." I said while crying.
"It's okay. Basta maging okay ka lang." Nakangiti na sabi ni Leinah.
Ipinagpatuloy namin ang pag iinom at panay ang advice sa akin ni Leinah. Sinasabihan niya ako ng mga bagay na talagang gusto niyang tumatak sa akin. Para kapag bumalik daw siya at tangkain na makipag balikan sa akin ay hindi ako papayag. Gusto niya na maging matatag ako at huwag maging marupok.
"Tularan mo 'ko. Hindi ako naging marupok." Taas noong sabi niya.
"Weh?"
"Oo nga. Nasaan ba ako ngayon? Mag isa ko lang. Dalawa lang namin ng anak ko."
"Sige sige. Bigyan mo pa ako ng mga tips to follow. Susundin ko lahat nang 'yan."
Ipinagpatuloy namin ang paginom at randam ko na ang pagkahilo ko. Kwento ako ng kwento sakanila tungkol kay Loise. Mula sa nagkakilala kami hanggang sa nauwi kami sa hiwalayan. Alam ko pa ulit ulit na lamang ako pero nakikinig naman sa akin si Lei at hinahayaan niya lamang ako. Panay ang tango niya sa akin at panay din ang bigay niya advices.
"Matulog na tayo. Ayoko na!"
Nagulat ako sa pagsigaw na 'yon ni Luther. Napatingin ako sakaniya and his face is so red. Lasing na ba siya? Tahimik lamang siya kanina at pa minsan minsan lang ang singit kapag may gusto siyang itanong or 'pag hinihingian siya ng comment ni Leinah. Hinila ko ang kamay niya at pinabalik sa upuan nito. Hindi pwedeng umalis siya. Hindi pa ako tapos sa pagdadaldal ko.
"Dito ka muna. Kinikwento ko pa 'yung nangyari e."
"Memorize ko na 'yung kwento mo. Kanina ka pa paulit ulit. Ulit ulit ka ring umiiyak." Iritado na sabi niyasa akin.
Nagagalit ba siya? E anong magagawa ko kung naiiyak ako? Paano ko pipigilan? Hindi naman sipon ang luha para singutin at ibalik sa loob!
"E sa masakit e!" Sigaw ko at napahagulgol na lamang ako ulit habang iniisip na magisa nalang ako sa buhay. Wala na akong makakasama sa road to forever.
"Alam niyo, maghiwa hiwalay na tayo. Maaga pa akong gigising mamaya at ipapasyal ko pa si Dwayne. Kakain kami sa restaurant. Ala una na!" Bawal sa amin ni Leinah.