We ate our dinner together in the dining room. Masarap naman ang mga luto ni Lucia kahit panay ang bash sakaniya ni Luther. Hindi ko maintindihan kung magkapatid ba talaga ang dalawang 'to o hindi. Panay ang bangayan kahit nasa hapag e. Sila lamang ang nagiingay at hindi kami makasingit pati ang mga bata. Hindi ko alam na kaya palang magsalita ni Luther nang ganito kahaba. 'Yon nga lang ay sa awayan lang. Parang ewan e.
"Luke and Lorence, go to your room na ha? Sleep na at aalis pa tayo tomorrow." Bilin ni Lucia sa mga anak niya.
"Saan po tayo pupunta Mommy?"
"Itu-tour natin sila Uncle. Baka sabihan tayong 'di hospitable kapag 'di natin nilibot ang panget mong tiyuhin."
"Ganda mo ah."
"Thanks."
Tinulungan ko sa pagliligpit at paghuhugas si Lucia. Siya ang nagsasabon samantalang ako naman ang nagbabanlaw.
"Umiinom ka ba?" Tanong niya at napatingin ako sakaniya.
"Oo naman. Inom ba tayo?" Excited na tanong ko.
"Gan'yan ang gusto ko. G tayo sa inuman, Rastaman!" Masayang sagot niya na nagpangiwi sa akin.
"Rhea."
"Matatandaan ko rin ang pangalan mo. Antayin mo lang. Bigyan mo lang ako ng time."
After naming maghugas ay tinulungan ko ulit siyang magluto ng mga pulutan. Sisig at tokwa't baboy ang niluto naming dalawa. Nag fried din ako ng french fries sa air fryer pandagdag samantalang nagbukas siya ng ready to eat na corns. Kumuha kami ng mga alak sa ref nila at dinala sa garden. Hinapag din namin ang mga pulutan na pinrepare namin saka niya tinawag ang dalawa sa loob. Nakapwesto naman na ako at binubuksan ang mga alak na kinuha namin. I feel so excited dahil ang tagal na nung last kong inom!
"Really, Rae?" Dinig kong salita ni Luther sa likuran ko saka siya umupo sa tabi ko.
"Inom na inom na ako. Buti nagtanong 'tong si Lucia."
"Pakasalan mo na 'to, Luther. Basta tanggera, okay na okay na ako. Boto na ako sakaniya."
"Shut up." Masungit na sagot niya.
Wow naman kung maka-shut up! Akala mo naman lugi pa siya sa akin. Rhea na 'to hoy. Soplakin ko siya ng pagmamahal diyan e.
Inabutan ko sila ng tag i-isang baso na may lamang alak. Nasa akin ang bote at ako ang tumatagay sakanila. Mukha tuloy akong matakaw sa alak dito.
"Hoy Luther, matapang 'to ah. Dahan dahanin mo at baka ngumawa ngawa ka nanamng gago ka."
"Ang dami mong satsat. Just drink, witch."
"Babaan mo lang 'yung kay Luther." Bulong sa akin ni Lucia at nag thumbs up ako sakaniya. Alam ko namang may pagkaweak ang lalaking 'to e. Obvious naman noong nag inuman kami nila Leinah. Ligwak sagad amp.
Nag-inuman kaming tatlo habang nagkukwentuhan. Kinikwento nila sa akin ang family background nila na siyang ikinagulat ko.
"Hindi talaga kayo magkapatid?!" Sigaw ko. "Bakit magkamukha kayo?!"
"Kapatid ko si Luke, kapatid niya rin si Luke. They have the same Mom and Luke and I have the same father with Luke. Gets mo, te?"
"Oo gets ko naman." Matalino yata ako.
"Kahit ayaw ko kay Luther, tinrato ko ng kapatid. Wala naman na akong choice e." Tumatawa na sabi niya.
"Ang kapal. Sarap mong tsinelasin."
"E nasaan na 'yung Luke? 'Yung Kuya niyo?" Tanong ko at pansin ko agad ang pagiiba ng mga mukha nila. Bigla silang natahimik at napatulala. Hala! May nasabi ba akong hindi maganda? Ukinana.