Chapter 19

177 19 3
                                    

The next thing I knew, Luther went back to the Philippines without telling me. Nalaman ko na lang kay Leinah na umalis na ito nang dalawin ko sila sa bahay nila. Noong umuwi kasi ako ay hindi niya naman ako sinundan. Pumasok din ako non kinabukasan at dahil sa sobrang busy ay after three days pa ako bago nakabalik. At ang bungad sa akin ni Dwayne ay umalis na raw ito.

"Naiinis ako! Naiinis talaga ako!" Reklamo ko habang naglalaro kami ng video game ni Dwayne.

"Tita Ninang pang ilang sabi niyo na po 'yan." Sita sa akin ng bata.

"Hayaan mo lang ako Dwayne. Sa ganitong paraan ko lang mailalabas ang frustration ko."

"Sige na nga po."

Nababadtrip ako sa tuwing papasok sa isipan na umuwi siya nang wala man lang pasabi. Alam kong hindi naman siya required na magsabi sa akin, pero 'di ba kahit man lang, "Hoy uuwi na ako ng Pinas. Bahala ka na riyan sa buhay mo." na text or chat mula sakaniya ay sinendan ako. Magiging panatag pa siguro ako kaso hindi! Nawala na lang ng parang bula. Ni hindi kami sigurado ni Leinah kung babalik pa ba siya rito o hindi dahil wala naman daw siyang sinabi noong tanungin siya ni Lei! Imbyerna!

"Hello!"

Sabay kaming napalingon ni Dwayne nang may nagsalita. Ibinalik ko ang paningin ko sa TV at ipinagpatuloy ang paglalaro. It's just Ryoga. Siguro siya muna ang magbabantay kay Dwayne tutal wala si Luther. Siya ang kapalit.

"Oh? Bad mood ka, Rhea?" Tumatawa na tanong niya at inilapag niya ang maraming box ng donuts sa lamesa.

"Hindi naman." Sagot ko. "Medyo lang."

"Bakit? Napano ka?" Tanong nanaman niya saka siya umupo sa sofa. "Kainin niyo 'yang donuts ko. Binili ko pa 'yan sa mall."

"Thank you, Uncle!" Masayang sabi ni Dwaybe sakaniya.

"Miss you raw sabi ng Daddy mo." Sabi nito sa bata.

Tinignan ko si Dwayne para i-check ang reaction niya at unti-unti nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napalitan ng lungkot ang mukha niya at nag-focus sa TV. Huminga ako nang malalim at napailing. Hindi ko maiwasang malungkot dahil obvious na obvious na apektado siya sa sitwasyon ng mga magulang niya. Ang gugulo!

"Kain ka na ng donut." Aya ko sakaniya. "Kain tayo."

"Sige po." Bulong niya.

Binuksan ko ang isang box at kumuha ng donut at binigay sakaniya. Sumubo rin ako ng isa at kumain.

"Bakit pala umuwi si Luther, Rhea?" Tanong ni Ryoga at napatingin ako sakaniya.

Napangiwi ako nang makitang dalawang donut ang kinakain niya sa magkabilaang kamay. Takaw naman nito! Pero okay lang. Gwapo naman siya e. May girlfriend na kaya 'to?

"Hindi ko alam. Hindi kami close para sabihan ako ng dahilan kung bakit siya umuwi." Inis na sagot ko.

"Luh?" Tumatawa na sabi niya. "Hindi ba't close kayo non?"

"Edi sana sinabihan na ako 'di ba? Ni hindi ko nga alam na umuwi!"

Bitter na kung bitter pero naiinis talaga ako. Gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko siyang saktan. Nakakaimbyerna! Feeling ko araw araw na akong badtrip kapag maiisip ko siya.

"Nakakatawa ka."

"Ikaw nakakainis ka. Buti na lang gwapo ka." Sagot ko sakaniya. "May girlfriend ka?"

"Ako? Wala. Single ako." Tumatawa na sagot niya habang kumukuha ng dalawang panibagong donut dahil naubos niya na ang dalawa.

"Weh? Mamatay?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walk Her Down The AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon