Chapter 3

506 39 14
                                    

Pumasok ako ng trabaho. Laking pasasalamat ko dahil umokay na ang pakiramdam ko dahil siguro maaga akong nakapag pahinga kagabi. I am a branch manager sa isang supermarket store dito sa Nevada. Ako ang humahawak ng mga tao at nag ma-manage sakanila. Ako ang nagti-train sakanila, ako ang nag a-assign ng mga dapat nilang gawin, ang nagchi-check ng mga trabaho nila, at marami pang iba.

Nakakatuwa nga lang isipin na ang family ni Leinah ay nagmamayari ng mga grocery stores. Aware naman ako na mayaman sila pero mas pinili niyang mamuhay mag isa rito sa Nevada. Iniwan niya rin ang Auntie niya sa New York na gagawin sana siyang tagapagmana ng mga hospitals. Iba rin ang level ng ate niyo e. Pak na pak!

Nang uwian na ay sumakay na lamang ako ng taxi pauwi. I was actually lazy to drive kaninang umaga kaya wala akong dalang kotse. Wala ako sa mood para humawak ng steering wheel at pumreno preno with matching busina.  Um-okay lang ang pakiramdam ko pero hindi ang kasipagan ko.

Nagbayad ako sa taxi at napakunot ang noo ko nang makitang may nakaparada na kotse roon. Bumaba na lamang ako at natatandaan ko ito. Kotse ni Leinah 'to ah?

Lumapit ako sa kotse saka ko kinatok ang bintana. Umawang naman ito agad at bumulaga sa akin si Dwayne na nakangiti habang kasama si Luther.

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Sinusundo ka po."

"Ha? Bakit? Anong meron?"

"Mag isa mo lang po at broken ka Tita Ninang. Come with us so that you'll be happy." He said while smiling. Halos maluha naman ako sa sinabi niyang 'yon. Kinurot ko nang mahina ang pisngi niya at dali dali akong pumasok ng bahay.

"Wait lang ah!" Sigaw ko.

Hindi maalis sa labi ko ang ngiti habang kumukha ako ng mga damit. Ilang pirasong damit ba ang dadalhin ko? In the end ay dinamihan ko na at pinasok sa isang malaking bag. Mukha akong maglalayas. Tumatakbo akong lumabas ng gate atsaka ito nilock.

"I'm back!"

I opened the door of the front seat and went inside. Nasa likuran na si Dwayne at patalon talon ito sa loob ng sasakyan. Luther just started driving without saying anything to me. Ngayon ko lang narealize na hindi niya pa ako pinapansin.

"Isang hi naman diyan." Pagbati ko sakaniya.

"You look better now. You're okay?"

"Yep. I took a rest last night. Maaga akong natulog."

"Mahina ka siguro sa puyatan?"

"I am not!"

"We'll see that."

Nang makarating kami sa bahay ay medyo madilim na. Inaya ko si Dwayne na maghilamos na. Pagkatapos ko siyang linisan ay ako naman ang naglinis ng katawan. I just wore an oversize shirt with my cycling. Sa panlabas mukha lamang akong naka underwear but I am wearing something inside.

Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si Luther na nag aayos ng pagkain. Mukhang nagpadeliver siya. Sinulyapan niya muna ako ng tingin at pansin ko ang pagtitig niya sa mga hita ko. Mabilis din naman siyang nag iwas ng tingin at tinawag si Dwayne para kumain. I sat beside him atsaka niya ako inabutan ng plato.

"Eat a lot this time."

"Opo boss." Nakangiti na sabi ko. "Galante mo naman. Dami mong pera no?"

"Medyo lang."

Inabutan niya ako ng manok at inilagay sa plato ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil pati ako ay inaasikaso niya kahit na pinapakain niya si Dwayne. Ano ba naman 'to! Pa-fall. Kainis.

"Kapag ba nagpabili ako sa'yo ng bahay bibilhan mo rin ako?" Tanong ko saka niya ako binalingan ng tingin pagkatapos niyang subuan si Dwayne.

Naikwento kasi sa akin ni Leinah na mayaman din daw talaga ang pamilya nila Luther. Hindi naman 'yon nakakapagtaka dahil kita mo, in just a snap nakabili siya ng bahay dito nang walang kahirap hirap. Feeling ko talaga galante 'tong taong 'to. Masayang kaibiganin kasi bibilhan ka ng mga gusto mo.

Walk Her Down The AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon