Kahit inumaga na kami sa paghihintay kay Leinah ay hindi ko magawang antukin. Bilang kaibigan niya, kinakabahan ako sa mangyayari. Tinawagan siya ni Luther kagabi at dumating naman ito agad kaninang umaga. Nasa sala sila kasama ang parents niya, ang kuya niya pati si Luther na mula kanina ay panay ang comfort sakaniya. Samantalang ako ay kasama ko naman si Dwayne na nakaupo rito sa kama sa kwarto. He met his grandparents and his Uncle and I could say that he was so happy. Siguro dahil sa pagkasabik na rin?
"Dwayne, bababa lang ako ha? Bibili lang ako ng food natin."
"Sige po."
"Huwag kang lalabas ha?"
"Opo."
Feeling ko wala na rin naman sa wisyo para makapagluto pa si Leinah ng pagkain para sa pamilya niya. Lahat sila ay naghihintay ngayon kay Raine dahil pinatawag ito sakaniya. Sinabi na rin niya na may anak sila. Binisto niya na mismo ang sikreto niya dahil 'yon ang utos ng mga magulang niya.
Nang bumaba ako ay nilingon ako ni Luther. Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan ang braso ko.
"Where are you going?" He asked so I showed him my wallet.
"I'll buy us food outside. Hindi pa kayo kumakain. Nakakahiya naman kina Tito."
"I'll go with you."
"Huwag na. Samahan mo nalang sila."
Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa isang fast food restaurant. Umorder ako ng breakfast food atsaka ko ipinatake out. Nang makabayad ako at matapos bumili ay naglakad ako pauwi. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nangyayari. Paano kaya kung nangyari sa akin 'yon? Paano kung mabuntis din ako ng ex ko na niloko ako? Siguro kahit magwala pa sa harapan ko sila Mommy at Daddy, isama mo pa si Kuya Cy ay hindi ako papayag na magkita sila ng anak ko.
Pero napakaselfish naman non. Karapatan din naman ni Dwayne at nang tatay niya na magkakilala at magsama. Labas naman si Dwayne sa iringan nila ng parents niya e. Ay ewan! Naguguluhan ako! Mas maiging huwag nalang magpabuntis sa ex o kanino man para walang problema.
Nang makarating ako sa bahay ay ibinigay ko ang pagkain sakanila. Nagdala naman ako sa taas para ibigay kay Dwayne. Kumain kaming dalawa at nang matapos kami ay saktong may pumasok na lalaki sa bahay. Halos mapanganga ako at nakaluwa na yata ang mga mata ko dahil pota! Sobrang gwapo! Ito ba si Raine?! Ito ba ang ex jowabels ng kumare ko at tatay ni Dwayne?! Grabe! Tao pa ba 'to?! Jusko! Kamukhang kamukha siya ng inaanak ko! Parang ipinagbiyak na bunga at hindi mo maidedeny na magtatay nga sila.
Sinulyapan ko si Dwayne na nakaupo pa rin sa kama at naglalaro. Busy'ng busy siya at wala siyang ka malay malay na nasa baba lang ang tatay niyang napakagwapo at yummy. Kaya pala nabaliw si Leinah dito at hindi makamove on. Kahit yata lokohin ako nang paulit ulit nito okay lang e, pero syempre charot lang! I know my worth, duh?
Dinig ko rito sa pwesto ko ang pag uusap nila. Nakikinig lamang ako at paminsan minsan ay sumisingit si Luther sa usapan. I admire him by standing beside Leinah. Sa pag uusap na 'to ay siya lang mag isa at parang wala siyang kakampi. He only has Luther.
Dumating na sa point na ipinakilala na ni Leinah si Dwayne sa tatay niya. Hindi ko maiwasang maluha habang pinapanood sila. Dwayne is so happy. I've never seen him happy as much as like this, ngayon lang. I know he's been longing for his father na ultimo si Luther ay ginawa niya ring tatay kahit alam naman niya sa sarili niya hindi ito ang tunay niyang ama.
Leinah stood up and went to the kitchen. Siguro ay hindi niya kayang panoorin ang pagkikita ng dalawa. Dwayne is her ultimate secret. Ako lang dati ang may alam tungkol sa sikreto na 'yon, pero ngayon ultimo ang mga taong pinagtataguan niya ay alam na ang lahat. Sinundan ko siya sa kusina and I saw her drinking water.