Chapter 8

468 25 4
                                    

I think I was six years old that time. Kuya Cyrus has friends those time. May mga tropa siyang lalaki na tinuturing niyang malapit na kaibigan. Kaso masyadong magulo. Palagi silang napapaaway sa hindi ko malaman na dahilan. Minsan si Kuya uuwi nalang na may sugat sa mukha o 'di naman ay galos sa katawan. Sa tuwing tinatanong ko siya noon kung saan niya galing 'yon ay hindi niya naman sinasabi. He never answered.

Hanggang sa makilala ko isang araw 'yung mga kaibigan niya. Mukha naman silang matino pero kabaligtaran pala 'yon ng inaasahan ko. Nang dahil pala sakanila kaya siya laging umuuwing may sugat. Sinamasa siya ng mga ito sa mga gulo, away at ang pinaka kinainisan ko noon ay sumasabak sila sa training. They were teens and they were undergoing a training which I didn't know kung para saan.

What makes me angrier that time ay hinahayaan lang siya nila Mommy at Daddy. Hinahayaan nila si Kuya na sumabak don para sa training na hindi naman angkop para sa edad niya. Then one day, the worst day came to my life. I witnessed how he got beaten by some guys. Siya kasama ang kaibigan niya na hindi ko na maalala ang mga mukha pati pangalan.

Kuya's image with his bloody face is still fresh in my mind though. I saw how adult men beated a teenager. Kung paano 'yung ginawa ni Luther sa mga lalaki kanina, ay ganoon din ang nangyari kay Kuya. Takot na takot ako noon at ilang gabi rin akong umiiyak habang nagpapagaling siya. 'Yung mga kaibigan niya na palagi niyang kasama noon, ay never nang nagpunta sa bahay simula ng ma trauma ako. Alam ko namang ginawa niya lang 'yon hindi para iwasan sila o layuan. Para iiwas ako sakanila at hindi na makita pa ang ganoong pangyayari.

Naputol ang pag iisip ko nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito saka ako umupo sa kama. Pumasok si Luther at hindi ko pa rin magawang tumingin sakaniya. 'Yung takot na naramdaman ko kanina, ay nandirito pa rin sa akin.

"Rae." He called my name saka ito umupo sa tabi ko. "I know you're not okay."

"O-okay lang ako. Ano ka ba?" Sinubukan kong tumawa para makita niyang okay lang ako pero mas nagmukha lang akong tanga.

"Did I get you scare?" He asked but I didn't answer. He waited for me to answer but he failed. Mas pinili kong hindi siya sagutin.

"I am not a bad person, Rae. If you're thinking that I am after what you saw, I'm telling you that I am not."

"H-hindi ko naman iniisip 'yon, Ther. S-siguro nabigla lang ako."

He tried to hold my hand pero automatic na gumalaw ang kamay ko at iniwasan siya. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa reaksyon kong 'yon. Fuck! What's wrong with me?!

"I guess you're scared at me. I'm sorry."

Tumayo siya mula sa kama saka ko naramdaman ang titig niya sa akin pero nakayuko lamang ako. I heard him taking a deep breathe hanggang sa sunod ko na lamang narinig ay ang yabag ng mga paa niya palabas at pagsara ng pinto.

Humiga na lamang ako sa kama at pilit na kinukumbinsi ang sarili kong hindi masamang tao si Luther. Na nagawa niya lang 'yon para ipagtanggol ako. Na baka nabigla lamang siya at nadala ng galit kaya nauwi sa panggugulpi. Dahil kung masamang tao siya, hindi naman siya magiging bestfriend ni Leinah 'di ba? Leinah knows him well. Matagal na silang magkakilala kaya imposibleng hindi niya ito kilala ng lubos. But I am thinking if Leinah is aware that Luther could hurt someone like this?

Hindi ko namalayan na sa sobrang pag iisip ko ay nakatulugan ko na pala. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at kumuha ng bagong damit para maligo. Pagyuko ko ay napansin ko na may dugo na nakadikit sa dress ko. Inalis ko agad ang tingin ko ron. Marahil ay natalsikan ako kanina.

Naligo na lamang ako at pinatuyo ang buhok ko pagkatapos. Hinarap ko ang salamin at parang nakikita ko pa rin hanggang ngayon kung anong nangyari kanina. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit kailangang maramdaman ko 'to? Minumulto pa rin ba ako nang nangyari kay Kuya noong mga bata pa kami?!

Walk Her Down The AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon