After eating dinner ay naligo muna ako sa kwarto ko. Kuya Cyrus occupied the other room. Nagbihis muna ako saglit atsaka ako dumiretso ng kusina. Marami pang pagkain ang natira sa niluto ni Kuya at halos 'di nagalaw. Plano ko na mag balot at dalhan ng pagkain sila Luther at Dwayne. Sayang naman kasi kung 'di nila matitikman 'to.
"Kuya Cy! Labas lang ako saglit. Maghahatid lang ako ng ulam!" Sigaw ko rito sa baba nang mailagay ko na ang mga ulam sa tupperware at paper bag.
"Uwi kagad ha!" He shouted back.
Lumabas na ako ng bahay habang bitbit ang paper bag. I chose to walk dahil pwede naman itong lakarin. Kahit wala kang kotse ay kering keri dahil hindi naman ito gaanong kalayo sa bahay ko. Nasa iisang area lang naman kami at kanto lang ang pinagkaiba. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at 7:30 palang naman ng gabi. Sana hindi muna sila kumain.
Binilisan ko ang paglalakad at nang makarating ako ay pumasok na lamang ako. Hindi naman naka locked ang gate so malaya akong nakapasok. Wala namang magnanakaw dito kaya safe naman. Isa pa, feeling ko matatakot ang magnanakaw kay Luther. Sa sungit niyang 'yon?
Saktong pagdating ko sa loob ay dinig ko ang mga kubyertos sa kusina. Dumiretso ako ron ay naabutan ko silang kumakain. Agad na napatingin sa akin si Luther pero mabilis din naman akong inirapan. Sungit naman!
"Hi Dwayne! I bought you viands! Filipino foods."
"Wow! Thank you, Tita Ninang! Buti nalang po umabot ka."
Umupo ako sa tabi niya habang nasa harapan ko ang fuckboy na napakasama ng tingin sa akin. Kulang nalang mamamatay na ako sa titig niya. Inilabas ko na lamang ang mga ulam na dala ko at hinapag sakanila.
"Which one do you want?"
"Menudo, Tita!" Excited na sabi niya. "Wow, mukhang masarap po."
"Masarap talaga 'yan." Nakangiti na sabi ko.
Pinaglagyan ko siya sa plato niya at napangiti na lamang ako nang makitang maganang kumain 'to. He likes Filipino dishes. He prefers it kaysa American food. Kapag magkasama kami sa bahay ay nagpapaluto pa siya sa akin ng pansit.
"Ther oh, gusto mo?"
"Ayoko." Galit na sagot niya.
"Ay galit?" Bulong ko kay Dwayne.
Pasimple naman itong nag okay sign sa ilalim para 'di makita ni Luther.
"Bakit?" Mahinang tanong ko at nagkibit balikat naman ito bilang sagot.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Luther nang padabog na itong kumakain pero hindi niya ako sinagot.
"Huy. May problema ka ba?" Tanong ko but still wala pa rin. Wala pa rin siyang imik. Inarte yern?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka ako tumabi sakaniya. He looked at me with annoyance but I chose to smile. I smiled at him sweetly pero agad ding nawala dahil mukhang wala namang effect. Iritado pa rin siya.
"Tikman mo naman 'yung dala ko." I said but he still didn't talk.
I looked at Dwayne and I rolled my eyes to show him that I am annoyed with this guy beside me. Tumawa naman ito saka na lamang siya kumain. Kung ayaw niya, edi huwag. Akala niya ba pipilitin ko siyang kumain? Akala niya ba susuyuin ko siya e hindi ko naman alam ang dahilan ng ugali niyang magaspang?!
"Kain ka na nito please. Tikman mo lang." Malambing na sabi ko pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Gusto mo ba subuan pa kita? Ipanghihimay pa kita ng isda atsaka hipon. Wait!"
Kumuha ako ng mga isda at hipon at inilagay sa isang plato. I started peeling of the skin and I put it on his plate. Nakatitig lamang siya ron at mukhang wala siyang balak na kumain. Ano bang problema nito?!