Hinatid namin sa aiport ang parents ni Luther. Buti nalang may malapit na bilihan ng mga souvenirs at delicacies at nakabili pa ako at naipabaon sakanila. Nakakahiya naman kasi kung wala akong ambag, 'di ba? May pa free bag pa naman.
Pumasok ulit ako ng trabaho at nagpaalam na magfa-file ako ng leave. Next week nga lang ang inallow sa akin which I told Luther at pumayag naman siya. Syempre wala naman siyang choice no. At isa pa, siya dapat ang mag adjust sa aming dalawa dahil gold ako.
"Uuwi kami ng Pilipinas." Sabi ni Leinah habang kumakain kami ng dinner.
Nandirito ako ngayon sakanila at nakikikain. Syempre ininvite ako e. Who am I to say no? Pero gosh! Uuwi siya? Buti?
"Kasama mo sila?" Turo ko sa mag tatay na kasama naming kumakain din.
"Oo."
"Tita Ninang, excited na po ako. Bilhan ko po kayo ng mga pasalubong." Excited na sabi ni Dwayne.
"Sure, baby. First time mo 'to no? Maganda ron. Mag e-enjoy ka ron for sure."
"Opo, Tita! I'll make sure that I will."
"When will you go back to the Philippines?" Tanong ni Luther habang kumakain din.
"Three days from now. Naayos ko na ang leave ko. Hinihintay ko nalang ang offficial release."
"Okay."
"Give me your details pala, Ther. Ibu-book na rin kita ng ticket mo pauwi."
"Why?"
"Alanganamang maiwan kang mag isa rito? Sumabay ka na sa amin."
Hindi na lamang ako sumagot at pinakinggan na lamang sila. Hindi naman sasama 'yang si Luther dahil una sa lahat ay nandirito ako, pak! Charot lang. I mean pupuntahan namin ang kapatid niya 'di ba?
"Maiiwan ako."
"Mag isa mo?"
"Rhea is here. Susunod na lang ako. Magtatagal ba kayo?"
"I'm not sure yet."
After dinner ay nagpaalam na akong umuwi. Hinatid ako ni Luther sa bahay dahil 'di naman siya rito nag i-stay sa akin at ayaw ni Leinah na maiwan silang tatlo ni Dwayne at Raine nang sila lang. Parang ewan din ang kaibigan kong 'yon. Lakas tama.
"Dito na lang kaya ako matulog?" Suggest niya habang binubuksan ko ang gate. Miss niya na siguro ang alindog ko?
"Gaga. Baka magalit si Leinah."
Tinulak ko ang gate para bumukas ito at pumasok ako. Papasok na rin sana siya pero mabilis kong isinara ang gate para hindi siya makapasok. Masama akong tao. Hindi siya welcome.
"Come on, Rae. They are family. They should learn to be alone together, right?"
"Oo nga e. Ewan ko ba sa bff mo. Naiilang siguro no?" Pag sang ayon ko rin naman.
"Maybe. Open this gate now."
"Ayoko nga."
Pilit niyang tinutulak ang gate at pilit ko namang hinaharangan ito. Tawang tawa ako dahil para siyang magnanakaw na pilit pumapasok sa bahay ko.
"Damn it, Rhea. Open this."
"Ayoko! Ay punyeta ka!" Sigaw ko at muntik pa akong matumba! Tinulak ba naman ang gate ng buong pwersa! Jusko! Sasaktan pa yata ako ng walang hiya!
"Sinapak mo na sana ako no?"
"Sorry. Kulit mo kasi e." Sabi nito habang nila-locked niya ang gate.
Sinisi pa ako. Mabilis akong lumapit sakaniya saka ko siya binatukan.