The three of us enjoyed the food so much. Wala akong natirang pagkain which is good dahil ayaw kong ipasa 'yon kay Luther lalo na't medyo iwas pa ako sakaniya. Actually pinipilit kong unawaain ang klase ng buhay na meron siya pero hindi ko naman pwedeng biglain ang sarili ko ron. Si Leinah oo, tanggap na tanggap niya dahil noon pa man ay magkakilala na sila. Ilang taon na. Samantalang ako, kakakilala ko palang sakaniya plus ngayon lang ako nakatagpo ng taong ganito. I've never met someone who belongs to that kind of world. Ano na nga ba ang tawa don? Underworld? Mafia world? Ewan.
"Gusto mo ng ice cream, Tita?" Alok ni Dwayne habang naglalakad kami palabas ng restaurant. We're going home. Si Luther na rin ang nagbayad dahil asa ka namang pagbabayarin ako niyan.
"No baby. Tita is full na."
We went inside the car at pumwesto na kami. Luther started driving and he is so quiet. Hindi na siya nagsalita simula kanina. Magsasalita lamang siya tuwing kinakausap siya ni Dwayne.
"Ikaw Daddy gusto mo po ba?"
"I'm okay."
Luther started driving. Nakatuon lamang ako sa daan habang tinitignan kung iuuwi niya ba ako sa amin o isasama sakanila. Lumiko siya sa kanto namin at nakahinga ako nang maluwag. Okay, iuuwi niya ako. Hindi niya ako isasama. Huminto ang kotse sa tapat ng bahay ko at inalis ko ang pagkaka-seatbelt ko.
"Thank you for tonight guys. Ingat kayo pauwi." Paalam ko sakanila.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Dwayne.
"Bakit?"
"Hihintayin ka po namin. Kukuha ka lang po ng damit 'di ba?"
"Ay weh? Bakit hindi ko alam?"
I looked at Luther na diretso lamang ang tingin sa daan. Naramdaman niya siguro ang titig ko kaya binalingan niya ako ng tingin.
"Get your clothes and hurry up." Inip at masungit na sabi niya.
Bumaba na lamang ako at pumasok ng bahay. Hindi ko maiwasang mapabulong dahil mukhang pinlano niya ito. Malakas ang kutob ko na sinabihan niya si Dwayne e. O baka assuming lamang ako at nagfi-feeling maganda nanaman? Binilisan ko na lamang ang pagkuha ng mga damit ko at tumatakbo akong lumabas ng bahay. Nakakahiya naman kasi sakanila ano po? Lalo na kay boss Luther. I locked the gate and hurried went inside of the car.
Umuwi kaming tatlo sa bahay nila at agad akong naligo. Dwayne took a shower too sa room nila at baka sabay na sila ni Luther na naligo dahil parehong basa ang buhok nila paglabas ng kwarto.
"Anong gagawin niyo?"
"Maglalaro po."
Bumaba kaming tatlo at dumiretso si Dwayne sa living room. Sinet up nito agad ang ps5 niya at mabilis ko siyang binawal nang may naisip ako. Mas maganda yata kung mag-videoke na lamang kami? Tutal wala naman akong pasok bukas, mas maiging magkantahan na lamang kami.
"Dwayne, concert nalang tayo. Huwag ka nang maglaro."
"Po?"
"Kanta tayo."
Inagaw ko ang remote sakaniya at inalis ko ang pagkakaset up na ginawa niya. Isinaksak ko ang mic at cinonnect ang tv sa speaker para mas malakas ang ingay na gagawin namin.
"Kumakanta ka po ba, Daddy?" Dinig kong tanong niya kay Luther.
"No."
"Bakit po?"
"Pangit ang boses ko."
Totoo kaya 'yon? Malalim ang boses niya at feeling ko nagsisinungaling siya. Ungol niya nga ang sarap sa tenga, boses niya pa kayang kumakanta? Bigla ko tuloy namiss ang pag ungol niya at pagtawag nang pangalan ko. Napakabastos ko talaga paminsan! Nakakainis.