Umuwi kami kinabukasan after our lunch. Natulog lamang ako buong byahe dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Pagod na ako sa beach, pinagod pa ako nang walang hiyang Luther. Hindi talaga ako tinantanan! Kaya ang ending ay tulog din ako hanggang sa bahay nila Lucia. I didn't go out and I just slept in our room. Nagising na lamang ako nang dalhan ako ng pagkain ni Luther ng dinner sa room. He woke me up.
"You slept a lot." Sabi nito habang sinusubuan ako. Pabebe ako ngayon. Feeling baby niya.
"Gago ka pagod na pagod ako. Naubos yata energy ko."
"Akala ko ba nag-eenervon ka?" Ay wow! Joke yern?
"Nagka-energy gap lang. Mamaya lalaklakin ko 'yung isang banig ng enervon."
Nag-ring naman agad ang cellphone ko at mabilis kong tinignan kung sino ito. Take note, new phone!
"Si Kuya." I told him and I answered the call. "Yes? Miss mo na 'ko?" Nakangiti na sagot ko. Ilang araw din niya akong hindi kinausap. Busy siguro? Busy-busyhan.
"Yeah. How are you?"
"Goods naman. Nagbabakasyon ako now. Dito ako sa Cali."
Ngumanganga ako nang sinubuan nanaman ako ni Luther. He even wiped my mouth nang malagyan ng sauce ang bibig ko. Ang sweet! Sana always 'di ba?
"With who? Ang kapal ng mukha mong magbakasyon diyan tapos 'di mo man lang ako mapuntahan dito." Nagtatampo na sabi niya.
"Niyaya lang ako ng friend ko."
"Friend? Sinong friend? Si Leinah?"
"Hindi si Leinah. Basta! Daming tanong naman nito."
"Epal. I just called because I miss your voice. I'll see you soon ha? I love you."
"I love you too, Kuya. Ingat always. See you soon! Mwa mwa!"
"Alright. Bye."
Namatay m ang tawag at tinabi ko ang phone ko. Sinubuan nanaman ako ulit ni Luther saka ako ngumuya na lamang. Ang sarap niya palang gawing tagasubo. Princess na princess ang treatment pero kapag jugjugan halos alipinin na ako.
"You have a good relationship with your brother."
"Yep, we do. Sobrang sweet and caring niya sa akin. He loves me so much din." Nakangiti na sabi ko.
"That's good."
"Do you want to meet him?" I asked.
I met both of his parents and even his sister and family. Ang unfair naman yata kung hindi ko siya ipapakilala kahit man lang sa kuya ko.
"It's fine with me."
"I am so sure na magkakasundo kayo non." Nakangiti na sabi ko and I can't even stop smiling just by thinking of it.
Kapag dinalaw ako ni Kuya, ipapakilala ko agad-agad si Luther.
Bumyahe na ulit kami pauwi ng Nevada. Syempre sa akin muna tumuloy si Luther dahil wala naman sila Leinah rito. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Wala pa siyang paramdam sa akin.
"Kamusta na kaya si Leinah?" Tanong ko kay Luther habang kumakain kami ng dinner. Nagpa-deliver na lang kami dahil tamad na kaming magluto.
"I don't know." Tipid na sagot niya habang ginagamit ang cellphone niya.
Kanina pa 'yan nakatutok sa phone niya. Bwisit! May katext ba siya?
"May kausap ka ba? Kanina ka pa cellphone nang cellphone." Inis na sabi ko.