Nang magising ako ay wala na si Luther sa tabi ko. Naabutan ko siyang naglalaro sa desktop habang may kausap sa headphone. Aga namang maglaro nito?
"Gago mo naman, Getget. Ang bano mo pa ring kalaro." Reklamo niya.
Getget? Sino 'yon? Babae?! Dapat na ba akong magselos?!
"Tanga. Doon ka kasi sa kabila. Pabuhat ka nanaman e."
Tumayo ako mula sa kama saka ko siya nilapitan. I stood next to him at inakbayan siya. I smiled at him at nagulat naman ako nang nginitian niya ako pabalik.
"Wow! Ngumiti ka ah. Bagong buhay?" Tanong ko at mabilis siyang sumimangot ulit. Okay. Hindi ko na papansinin ang bawat pag ngiti niya.
"Wala kang pakialam."
My eyes widened when he said that. Ako ba ang kausap niya? Mabilis ko siyang hinampas dahil don and he mouthed what? Wala akong pakialam?!
"E ano naman kung may kasama akong babae?"
"Akala ko ako 'yung kausap mo." Sabi ko sakaniya nang marealize na hindi pala ako. Napaka assuming ko.
"Hindi. Getget, matanda na tayo. Pakasalanan mo nalang si Daisuke nang magtigil ka."
Daisuke? Sino naman 'yon? So may boyfriend si Getget? Hindi siya babae ni Luther? Wala pala siya sa listahan nang mga dapat kong kainisan.
"Papakilala ko sa'yo sige. Sa'yo ko lang ipapakilala. Rhea. Rhea ang pangalan niya."
Namula naman ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ipapakilala niya ako? For sure kaibigan niya 'yan, 'di ba? Or kamag anak? Ewan! Hindi ko naman alam.
"I met her here in Nevada. She's a friend of Leinah. Don't tell anyone that I met Leinah here. Huwag mo ring sasabihin kay Daisuke."
Umupo nalang ako sa tabi niya at pinanood siyang maglaro. Though hindi naman ang paglalaro niya ang gusto kong panoorin. Gusto kong makinig sa mga sinasabi niya sa taong kausap niya.
"Leinah got pregnant, right? I am staying with them and with the kid. Si Kuya Raine ang tatay. Shut your mouth, Get. Makakatikim ka talaga sa akin. Baka kapag sinabi mo 'yan kay Kuya Brandon e sabihin niya kay Kuya Raine."
I smiled when I noticed that he talks a lot kung sino man 'tong kausap niya. Nakakatuwa na madaldal naman din pala siya. Pero siguro sa ibang tao lang. Pili lang at hindi sa lahat. Gusto ko tuloy na maging gan'yan 'din siya sa akin. 'Yung maraming salita ang lumalabas sa bibig niya kapag ako na ang kausap niya.
"Ah, about her?" He looked at me first.
"Kaibigan nga ni Leinah. She's helping her taking care of the kid." He paused for a while probably ay nagsasalita ang kausap niya. "Syempre type ko. Papatulan ko ba kung hindi? Rae, can you go outside? We're talking about you."
"Ayoko nga. Gusto kong makinig e."
"She's kind, baliw, madaldal, and makulit. Why don't you come here kapag 'di ka na busy? Para makilala mo. Ang dami mong tanong e. Oh, talk to her."
Inalis niya ang headphone niya at sinuot niya ito sa akin. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Jusko! Ano 'to? Kakausapin ko 'yung tao?!
"Hello po?" Magalang na sabi ko saka ko hinila ang braso ni Luther dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Just talk to her, Rae. Kaibigan ko 'yan."
"Hi! I am Bridgette but you can call me Getget. Nice to meet you." Masigla na sabi ng boses sa kabila. Boses palang alam kong pak na pak din ito. For sure magandang babae 'to!