I slowly opened my eyes at halos masilaw ako sa liwanag na nakikita ko. Napapikit ulit ako para i-adjust sa liwanag ang mga mata ko.
"Tita Ninang? Mommy! Gumagalaw po ang mga mata ni Tita!"
Is that Dwayne? I opened my eyes and I looked at my side. Nakita ko agad si Dwayne na umiiyak habang nakatitig sa akin. Wait, bakit umiiyak 'to?
"B-baby, why are you crying? May nang away ba sa'yo?" Bulong ko at umiling ito.
"Rhea, jusko! Salamat at gising ka na." It was Leinah this time.
"Anong nangyari?" Naguguluhan na tanong ko. "Nasa hospital ba ako?"
"Sinugod ka ni Luther dito. Hindi mo pa ba naalala?"
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa bahay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang lahat lalo na ang muntikan na pagbaril ni Luther kay Loise! I roamed my eyes around and searched for him pero wala ito. Nasaan siya?! Baka kung anong gawin niya.
"Si Luther. Nasaan si Luther?!" Nag aalala na tanong ko.
Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ron si Luther na may bitbit na bag pack. Napaupo ako ng wala sa oras sa kama at napahawak naman ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot.
"Huwag ka munang umuupo upo bigla. Kakagising mo lang." Bawal ni Leinah pero hindi ko siya pinakinggan.
"Tita, huwag matigas ang ulo please. May sugat pa po 'yung head mo."
I looked at Dwayne and he is still crying. Pinunasan ko naman ang mga luha nito at hindi ko maiwasang mapangiti. He looks so worried.
"Stop crying baby." Sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Are you okay now?"
Nabaling ang tingin ko kay Luther na nasa kabilang banda at binaba ang bag sa may sofa. Napatingin ako sa mga kamay niyang may benda saka siya lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
"Hindi ko alam. Oo? Siguro? Tanong mo sa Nurse." Sagot ko. "Where is Loise?"
"Are you still fucking worried about him" Iritado na tanong niya. "Fuck. He almost raped you."
"Hindi ako worried. I'm just asking."
"Nakatakas si Loise mare." Singit ni Leinah. "Nakaalis nang dalhin ka ni Luther dito sa hospital. Pero huwag kang magalala at pinapahanap na namin siya."
"You shouldn't have stopped me. See? Imbis na patay na sana nakatakas pa."
"Dwayne anak, labas nuna tayo. Hayaan muna natin mag-talk sila Uncle at Tita ha? This is an adult topic and you must not listen."
"Okay, Mommy."
Lumabas si Leinah at Dwayne at naiwan naman ako rito kay Luther na masama ang timpla. Alam kong inis at galit siya na nakatakas si Loise, but killing is not the answer. That's too brutal! Hindi rin kakayanin ng konsensya ko na may namatay na tao dahil sa akin. It is life that we are talking about. Besides, Loise is not a different person. I've been with him for a long time at may pinagsamahan din naman kami. I just don't understand what made him push to do that to me.
"Hayaan mo na. Nangyari naman na ang nangyari." Sabi ko at halos lamunin niya na ako sa sama ng itsura niya ngayon.
"Hayaan?! Are you out of your mind?!"
"Luther, hindi naman na siguro babalik 'yon. He was drunk and I know there was a reason why he did that to me."
"Did he hit your head too much for you to say that? Paano kung hindi ako dumating? What would happen then? Baka ikaw na mismo ang namatay!"