I went back to work at nag-umpisa na rin ako sa isang part time job ko. Nakabalik na rin si Leinah rito sa Nevada at naikwento niya na ang nangyari sa pagitan nila ni Raine. Naiintindihan ko naman ang dahilan niya at kung saan siya nanggagaling kaya ayun, support support na lang muna ako sakaniya.
I also met a guy whose name is Ryoga. Kaibigan raw siya ng tatay ni Dwayne. He's handsome and hot. I won't deny that, at ito ang mag-aalaaga muna sakaniya. Hindi kasi ako pwedeng pag-iwanan dahil sa trabaho ko pero may ilang available time pa naman ako, 'di nga lang tulad ng noon.
Tulad na lamang ngayon. Sobrang busy ko na hindi na ako magkanda ugaga. Idagdag mo pa na kanina pa nag-aalburuto ang cellphone ko kakatawag ng isang gwapong nilalang! Sinilent ko na lang nga muna para 'di ko marinig at 'di ako ma out of focus.
"Go and have your break." Sabi ng ka workmate ko sa bago kong trabaho.
Actually ang work ko rito ay taga assist ng mga pensioners. 'Yung mga retired American soldiers, doctors, teacher and etc. Kapag may mga queries sila tungkol sa pensions nila ay sa akin ang bagsak. Kaya wala talaga akong time na mag cellphone cellphone lalo na't matatanda ang kaharap ko. Ang susungit pa man din ng iba. Kaya kailangan ko talaga nang mahabang pasensya.
Dumiretso ako ng cafeteria at umorder ng pagkain. I sat on the chair at nag umpisang lumamon. Habang kumakain ay nilabas ko ang cellphone ko at nakita ang sandamakmak na calls and texts ni Luther sa akin.
"Shocks. Ang dami naman nito." Bulong ko habang kumakagat ng sandwich.
Nagpunta ako sa messenger para makipag video call sakaniya. Sumagot naman ito agad nang nakasimangot. Galit yern?
"Sorry now lang ak-"
"Why weren't you answering my calls? Damn, Rhea kanina pa ako tumatawag." Inis na sabi nito. Galit nga!
"Syempre nagwo-work ako. Hindi ko naman mahawakan ang cellphone ko." Pagpapaliwanag ko.
"Are you on your break?"
"Oo. Heto nga kumakain ako."
Pinakita ko sakaniya ang spaghetti at sandwich na inorder ko. Dapat nga kiligin siya dahil imbes na sarili ko ang unahin ko ay nagawa ko pa siyang tawagan. Bongga niya ha.
"Kumain ka na?" Tanong ko nang 'di na siya nagsalita.
"Yeah." Tipid na sagot niya.
Tignan mo 'to, patawag tawag tapos gan'yan naman kausap! Ang hirap ding intindihin ng taong 'to. Ang hirap spellengin.
"Anong kinain mo?"
"Rice and curry."
"Ah. Masarap?"
"Oo."
Gusto ko na siyang irapan pero hindi ko magawa dahil baka magalit. Kainis.
"Oh siya sige na. Kakain na muna ako."
Tutal 'di rin naman siya nagsasagot nang mahahaba mas mabuting kumain na lamang ako at magpahinga.
"What? I'm still talking to you."
Oh, 'di ba? Kung hindi ba naman magulo. Ang gulo gulo mo, Luther!
"What time will you go home?"
"Hmm, mga 8 pm? Pero dadaan muna ako kina Leinah. Doon ako pinapag-dinner."
"Nice then."
Buong break time ko ay nag uusap lamang kami. Ganoon palagi ang nangyayari araw araw. Imbes na ipahinga ko ang free time ko ay inuubos ko sakaniya ang oras ko dahil 'yon ang gusto niya. Hindi naman ako makahindi dahil baka magsungit. Tulad na lamang ngayon. It's already past 12 midnight, but we're still talking. Hindi naman sa ayaw ko, pero inaantok na ako.