ii.
Legit nga! Dumating ang isang Ninja Van sa school at ibinaba ang maraming kahon sa harapan ng building, isa isang binuhat ang mga iyon at ipinasok papuntang Science Lab.
Nanlalaki ang mga mata kong makita ang mga stickers na galing pang abroad, namamangha ako sa tuwing daraan ang mga kahon kaya natutuwa ako.
"So, you like it?" dinig kong tanong ng nasa likuran ko.
Umirap ako sakaniya saka siya iniwan doon, wala na akong atraso sakaniya hindi ba? Bakit niya pa ako nilalapitan? Hindi naman niya pinabayad di'ba? So what's the point on talking to him?
Naglakad ako pabalik sa room, nakatingin ang iba sa akin at ang iba ay walang pakialam. Naupo ako sa upuan saka na tumingin sa ilabas ng bintana. Umihip ang malamig na hangin sa mukha ko at nakita ang matindig na tayo ni Jay sa ilabas na may kausap na mga trabahador.
Ngumuso ako ng bahagya bago umayos ng upo, when someone speak behind me.
"So si Jay Solarez ang tinitignan mo magmula kanina?" she asked.
"Akala naman niya magugustuhan siya ni Jay." irap sa akin ng isa ko pang kaklase.
Tumawa si Lia, "True! Akala niya sino siya porque pinagtanggol siya ni Jay kahapon kay Shaira!", giit naman ni Dindin.
Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang silang magsalita at kawawain ako. Sino ba ako para lumaban? Scholar lang ako dito sa Enhyfun at sila'y mayayaman. Baka bigla nalang nila akong palayasin sa school na 'to, saan ako mag aaral?
Lumabas ako para magpahangin, breaktime na rin naman kaya wala man akong gagawin. Napagpasyahan ko nalang maupo sa isang bench at mag advance reading patungkol sa lessons namin sa Accounting. Future CPA, padayon!
As I read the book, maraming mga nagtitilian sa may harapan. It was Jay and his friends na dumaraan at pinagkakaguluhan ng lahat, I'm not sure why I'm still staring at them hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
I sighed as I tie my long jet black hair, makapal na rin ito kaya bahagya akong nahirapan. When someone lend a hand to me kaya naitali ko ito ng maayos,
"Ano ba 'yan, this is not accident or coincidence." aniya.
Nagtaas ako ng kilay, "What do you mean?" I asked.
He licked his lower lip saka tumabi sa bench, bahagya akong umusog upang hindi kami magkalapit.
"Noong una, hinayaan kita na bagsakan mo ako." panimula niya. "Pangalawa, I paid and replaced those science materials worth thousands na nabasag mo. And third, I helped you tie your hair." sambit nito.
Namilog ang mga mata ko sakanya saka siya inirapan, "So what do you exactly mean?"
"You owe me three times." diretso niyang sabi.
Napaawang ang bibig ko sakaniya, "Excuse me?! You said na wala iyon! And now utang na loob ko pa sayo?", hindi makapaniwala kong tanong.
He laughed, "You just need to...you know, dumikit sakin." aniya.
Natawa din ako, "At bakit ako didikit sayo? Sino ka ba? Bigatin kabang tao? There are a lot of people na gusto kong dikitan pero hindi ka kasali don!" sigaw ko.
Tumayo na ako at kinuha ang libro ko, nang talikuran ko na siya siyang pagsabi nito ng, "Scholar ka dito hindi ba?" he asked, hindi ako makasagot. "Actually, tita ko ang nag scholar sa'yo. Baka gusto mong dumikit na sakin para naman tumagal at makatapos ka sa Enhyfun?" aniya.
Nilingon ko siya at sarkastikong ngumiti, "Sayo na pera niyo."
"If we bumped next time, and you cause me trouble... kakausapin ko tita ko about your scholarship."
BINABASA MO ANG
Possessive You (Enhypen Series #2)
FanfictionJay Solarez Park, or Jongseong Park is a half Korean, half Filipino. He's the youngest son of the famous travel agency CEO, and the grandson of the CEO in an Entertainment Company in Seoul. Despite of being rich, Jay stayed humble and selfless. Alwa...