20

453 31 14
                                    

xx.

Sa umaga, mabilis lang lumipas ang oras. Ilang sa mga subject ko ay puro vacant lang dahil wala daw ang aming prof. Sina Shaina ay napapansin kong panay irap lang sa akin pero hindi na ako inaasar, I wonder kung ano nga ba ang nagawa ko sa mga babaeng to?

Yeonjun texted me na susunduin daw niya ako sa may gate since hindi siya pwedeng papasukin dahil taga Toduro siya. Sa hotel daw nila ako tutuloy upang mag dinner, iniinvite daw kasi ako ni Tita.

"Any plans for this day?" Jay asked nang nasa may soccer field kami dahil pinapanood mag practice si Jake.

Tumango ako, "Yes, iniinvite ako ni Yeonjun sa hote nila para mag dinner."

"Hotel?" taas kilay niyang tanong. "Sa dinami-rami ng lugar, bakit sa hotel pa?" tanong niya.

Umirap ako, "Sa hotel kasi sila for now, since binenta nila yung bahay nila sa tabi namin, wala silang bahay ngayon dito sa Pinas saka tatapusin lang nina Yeonjun ang studies nya dito then yung business ni Tita tapos babalik na sila sa Korea." paliwanag ko.

Mukhang gets niya naman dahil tumango tango na ito. I noticed his phone case, isa rin iyong polaroid na tulad noong akin. Napangiti ako ng bahagya ay itinuon sa libro ang atensyon ko.

Ilang minuto lang ay tinawag na si Jay para sa basketball team, nagpaalam siya sa akin saka na sumama kina Ethan. Naiwan akong nagbabasa ng libro, may tumabi sa akin kaya lang ng makita ako ay medyo nandiri pa't umalis.

"Marumi sa upuang ito, huwag kayong uupo." aniya pa sa mga kaibigan niya.

"Paano niyan? Mukhang may ibang gusto si Ethan?"

"Monica, ano na? Ikaw pa naman pambato ko, akala ko ikaw na magiging jowa ni Ethan eh."

"Basta, hindi ko mapapatawad yang magiging jowa ni Ethan. Dapat ako lang!" aniya.

Napailing ako, delulu masyado.

Sinara ko ang libro saka na tumayo't akmang aalis na. Nguni't may nanghila ng buhok ko.

"A-Aray!" daing ko.

"Pagtapos mong marinig usapan namin, aalis ka nalang bigla?" tanong niya habang hinihigpitan ulit ang pagkakasabunot sa akin.

"Pakialam ko ba sa pinag uusapan nyo!" sagot ko.

Akmang sasampalin na niya ako nang dumating si William, "Hoy! Sige subukan mong sampalin yang si Karen at nang itong mini fan na to ang ihambulod ko jan sa pagmumukha mo! Alis!" aniya.

Mabilis namang umalis ang Monica na iyon at ang mga kaibigan niya iniabot sa akin ni William ang isang suklay at naupo sa tabi ko.

"Wala kang sports ngayon?" Tanong ko.

"Obvious ba? Syempre wala." aniya.

Inalok niya sa akin ang isang gatorade nguni't tumanggi ako. Ininom niya nalang iyon saka nanood din sa mga nag s-soccer.

"Bakit ka pala nandito? Eh nasa gymnasium sina Kuya Jay?" aniya.

Wala pa naman akong sinasabi ay hinila na niya agad ako papuntang gymnasium kung saan maraming mga nagsisigawan sa laro ng mga players. Nakita ko si Jay na hinihingal na habang na kay Benjamin ang bola. Maliit lang ang lamang ng kalaban nila kaya sa pagkakataon na 'to nakina Jay ang chance para lumalamang.

"Jay hyung!" sigaw ni William dahilan para mapatingin si Jay sa banda namin.

Malayo man pero nakita ko siyang nag smirk, tinawag niya si Benjamin upang ipasa sakaniya ang bola at ishinoot niya iyon ng tres.

"Tres Pasok! Number 20, Jay Solarez!" sabi ng announcer, ang ibang mga estudyante dito ay nagsisigawan na.

Pinatabi ni William ang mga nasa harap upang makaupo kami roon, pinatabi niya ako sakaniya saka niya pinag cheer sina Jay at Benjamin.

Sa kalagitnaan ng quarter kung saan natatambakan na ng kaunti sina Jay, pinasok naman si Ethan. Lalong nag ingay ang crowd, lalo na si William.

"Engot engot mo! Ni hindi ka maka shoot ng tres?" irap nito kay Benjamin nang mag water break sila.

"Try mo nga kung makaka shoot ka?" hamon sakaniya ni Benjie.

"Kanina ka pa ba nanonood?" lapit sa akin ni Jay saka nagpunas ng pawis.

"Siguro hindi?" sagot ko. "Nakita mo na ako kanina hindi ba?"

Umiling siya, "Nope, I didn't. " aniya.

"Yes, you did!" angal ko. "Noong tinawag ka ni William tapos nag shoot ka pa nga ng tres-"

"Oh you saw me doing three points?" aniya pa na parang nagulat. "You saw me at my best huh." ngisi niya.

Sumingit sa usapan si William, "We saw you at your worst, Jay hyung! Yung tipong taga banta ka lang ng mga kalaban niyo at di mo man mahawakan ang bola!"

Tumawa ako, "Ayaw ka pasahan ng bola? Kawawa ka naman." pang aasar ko.

Bahagya siyang umirap saka uminom na ng tubig bago sumabak sa quarter 2 ng laban.

Ngayon ay madalas na niyang hawakan ang bola, nagpapasikat na 'to? O gumaganti lang sa pang aasar namin ni William? Natatawa ako.

Hawak niya ang bola and before he shoots the ball ay tumingin siya sa akin saka ako kinindatan, nagtilian ang lahat nang pumasok ulit ang tres nito.

"Go Jay Solarez! Rawr! Rawr!" cheer ng mga fan niya.

"Benjamin! Ahoo! Ahoo!"

"Go Ethan Ethan! HA! HA!"

Napuno ng sigawan ang gymnasium, huminto ang laro nang mag time out na, and as usual, gumanda ang laro ni Jay at puro pasok ang tres niya maya natambakan ng kaunti ang mga kalaban.

Nangingiti syang lumapit sa akin, "Ayos ba?" tanong niya.

Nag thumbs up ako sakaniya, "Mas okay kaysa kaninang mga naunang quarter." kumento ko.

Tumango tango siya saka ngumisi, "Tutal ako naman MVP sa game, can you do something na makakapag pangiti sakin?" he said.

Nagsalubong ang kilay ko, "Huh? Bakit ko naman gagawin yon? Inaprubahan ko na nga ang laro mo uutusan mo pa ako?"

Sumimangot siya sa akin, "Gusto lang kita marinig may GO JAY SOLAREZ RAWR RAWR  eh. Is it too much to ask?"

Hindi ako nagkaroon ng chance na makasagot nang hinila ako ni William dahil pupunta naman kami sa laro nina Ni-ki at Jake na nag iinit.

Maybe next time, Jay.

Tulad kanina, pinaalis nanaman ni Willam ang mga nakaupo sa harapan. Kitang kita ko ang pamumula ni Jake dahil sa pagod amg basang basang damit ni Ni-ki, agad namang nilabas ni Wiliam ang isang extra tshirt at ibinigay iyon kay Ni-ki nang mag break time sila.

Si Benjamin na bagong bihis kasama nina Ethan at Jay, ay may iniabot ding tshirt para kay Jake.

Umupo sa tabi ko si Jay na nakasimangot pa rin. Hinubad ni Jake ang suot niyanh tshirt sa kaya tinakpan ni Jay ang mga mata ko.

"Rated SPG, strictly prohibited." aniya.

"Those eyes should stay clean until you got married, kung hindi man sa akin, but atleast I tried protecting them."

And he slowly removed his hand over my eyes and watched the games as it began by the whistle.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon