21

416 27 1
                                    

xxi.

"Days really passed so quickly no?" tanong ni Jay habang nihahatid nya ako papunta sa may gate ng Enhyfun.

Mula dito ay natatanaw ko na si Yeonjun na naghihintay sa akin habang nakatingin sa cellphone niya, tumingin ako kay Jay.

"Dito nalang ako, wala ka namang responsibility na ihatid pa ako. Saka nandoon lang naman ni Yeonjun, hinihintay ako." sambit ko.

Bumuntong hininga siya saka tumingin sa malayo, "Wala ba talaga akong pag-asa sayo? Hanggang friends lang ba talaga? Why don't give me a chance? Papatunayan ko sarili ko."

Hindi ako makasagot. Oo o hindi lang naman, Karen Emille! Gusto ko siya, as a friend. Pero he also deserve to be loved back...pero hindi sa akin.

"H-Hindi ako worth it for you, I'm not the perfect match for you-"

"Sino nagsabi? Ano ngayon kung hindi tayo matched? Kailangan ba lagi nalang matched? Kailangan ba talaga yun para mag click?"

Hindi nanaman ako makasagot, he looks confused right now. Naramdaman niya rin siguro yung pressure, tension, and awkwardness sa pagitan namin.

"S-Sorry, nadala lang." tinignan ko siyang yumuko, saka ngumiti. "Sige una kana, hinihintay ka na ng sundo mo." anita at tumingin sa likuran ko kung saan kumakaway na sa akin si Yeonjun.

Naglakad na siya palayo, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa may kanto at nawala nang tuluyan sa paningin ko.

Binabagabag ako ng mga salita niya, seryoso ba talaga siyang gusto niya ako? Kung oo, bakit? Paano? Eh kakakilala lang namin? Kung hindi pa ako magdadala ng kamalasan sa buhay niya, hindi kami magiging ganito ka close.

"Kamille, are you listening?" tanong ni Yeonjun.

Lutang ang utak ko kaya hindi ko napansing nagkukwento na pala si Yeonjun habang nasa byahe kami.

"Hindi ka naman nakikinig eh!" maingay niyang sabi. "Kanina pa ako pumuputak dito tapos wala naman pala akong kausap?" pagtatampo niya.

Ngumiti ako, "Ang gwapo mo sa uniform mo." puri ko.

Mabilis namang nawala ang pagtatampo niya at napalitan ito ng kilig kaya natawa ako. Yeonjun is older than me, pero kung maka asta siya ng ganito ay mukhang magkasing edad lang sila ni Terry.

Sumakay kami sa elevator ng hotel at pinindot niya ang 35th floor, ganon kataas ba ang pupuntahan namin?

Halos umabot din kami ng ilang minuto bago makababa, pagdating doon ay agad kong inalis ang sapatos ko, at nagmano pagpasok nang makita si Tita sa may sala nila.

It looks like a condo, dahil halatang mga mamahalin ang mga nandito. Naghain na si Tita at si Terry ng makakain kaya tumulong na ako,

"Nako kami na ang bahala, Kamille. Maupo kana doon." sabi ni Tita.

"Karen, may bagong upload ang Twice!" sambit ni Terry at agad na binuksan ang tv.

Pinanood namin ni Terry ang bagong upload na video ng mga ito, at nang makalapit si Yeonjun sa amin ay tinanong niya ako.

"Once ka din?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo naman!"

Narinig kong pumalakpak si Terry, samantalang napairap naman si Yeonjun sakaniya saka na naglakad pabalik sa kusina.

"Sino bias mo?" tanong ni Terry.

Napaisip ako, may bias ba ako? "Si Dahyun siguro, mas attracted ako kay Dahyun eh."

"Oo! Ang cute cute ni Dubu!" masigla niyang sabi. "Pero one true nine for life!"

Nagkwentuhan, nagtawanan, at nagka vibes kami lalo ni Terry patungkol sa Twice. Sabi niya trainee daw siya sa isang sikat na Agency at malapit na siyang mag debut pero umuwi muna sila dito kaya na postpone ang pag debut niya. Nanghihinayang tuloy ako.

Kumain kami at doon nagkuwento pa si Terry, nagtatawanan kami habang kumakain saka nalang siya binawal ng nanay niya dahil dapat kumain na muna.

"Ano bang course ang kinuha mo?" tanong niya sa akin.

"BS Accountancy po." sagot ko.

"Ohh? Same naman pala kayo nitong si Yeonjun, pero ewan ba bakit hindi niya pagbutihan para naman may katu-katulong ako sa business namin." aniya.

Tinulak ko naman si Yeonjun, "Bakit hindi mo ayusin nang matulungan mo si Tita!"

"Bakit hindi mo ayusin para malibre mo kami?"

"Ayusin mo nga bobo ka yata eh!" irap ko sakaniya.

Binaba niya ang kutsara niya, "Ako bobo?" pagalit niyang sabi kaya hinarap ko siya.

"Oo!" sigaw ko at pinanlakihan ko siya ng mata.

"One plus one?! Four!"

Umirap nalang ulit ako habang humahalakhak sina Tita at si Terry. Lalong lumalim ang gabi at nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato kahit ayaw nila dahil daw bisita ako.

"Sipag dito pero pagdating sa inyo di ka man naghuhugas ng pinggan." pang aasar ni Yeonjun.

"Wow kuya para namang hindi ka rin hipokrito. Alam mo ba yang si Kuya? Hindi man naglilinis yan! Kung hindi mo uupakan hindi kikilos." singit ni Terry.

"Aba ikaw na bata ka!" tinalsikan niya ng tubig si Terry kaya nagtago ito sa may sofa.

Nagpaalam na ako at nagpasalamat kay Tita para sa dinner na niluto niya, habang nasa elevator kami ay nagsalita si Yeonjun.

"Masaya si Mama ngayon, nakita ka niya ulit." sambit niya. "Since I was a kid, gusto niya na babae ang sumunod sa akin but unfortunately lalaki ulit." he chuckled.

Tumunog ang elevator at naglakad na kami papuntang parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Kaya masaya siya na makita ka, atleast man lan ma feel niya na may anak siyang babae."

"Masyadong soft nga si Tita sa akin eh, masyadong warm siya mag welcome." ngiti ko.

Pagka park sa may tapat namin ay hinatid ako papasok ng bahay, nagpasalamat siya kina Nanay para sa pagpapahiram sakin noong dinner at agad na din itong unuwi.

"Karen!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si ano to ah? Si...

Ano nga ba ulit ang pangalan niya?

"Johnny!" ayun!

"Hala oo nga! Ikaw si Johnny yung kapatid ni Jay hindi ba?" tanong ko.

Umiling ito kaya nagtakha ako, mali ba? "Pinsan ako ni Jay hyung."

"Hyung?"

Ngumuso siya saka bumuntong huminga, "Hyung means older brother, or in short Kuya."

"Eh? Pwede namang Kuya nalang itawag mo bakit hyung pa?"

"Eh kasi nga po, galing kaming Korea. And we need those words to show respect sa mga nakakatanda namin."

"Korea?" bakit wala akong alam dito?

Kumunot ang noo niya, "Hindi ba nasasabi sa'yo?" tanong niya kaya umiling ako. "Okay ganito yan-"

"Johnny!" tawag ni Jay kaya napatingin kaming parehas.

"Ay oo nga pala! Mamaya nalang no? Mag e-enroll pa kasi ako." sabi niya.

"Teka, hindi ba sa Toduro ka nag aaral?" tanong ko ulit.

Ngumiti sya sa akin, "Yes. But from now on sa Enhyfun na ako mag- aaral. See you everyday!" aniya at lumapit na sa may nasa entrance na si Jay.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon