36

400 31 1
                                    

xxxvi.

"Hello? Good morning!"

Masiglang bungad ni Jay sa telepono. Nakapikit pa ako kaya naman napaungol ako ng kaunti dahil gusto ko pang matulog! Napuyat ako dahil kay Yeonjun kagabi, hindi siya matigil sa pagkukwento kahit na inaantok na ako! Idagdag mopang sinama niya pa sina Ben at Kai na mga bagong kaibigan niya pati si Steve at Terry. Kaunti nalang ay uupakan ko siya!

"Still sleepy? Hmm?" tanong niya.

"Oo kaya please, let me sleep." sambit ko saka ibinaba ang tawag.

Natulog na ulit ako pero nagising agad ang diwa ko! Ito ang araw na lilipat na sa lungsod ang pito! Napagkasunduan kasi na kasama ako sa maghahatid.

Yvette, Ethan, Jake, Benjamin, William, Ni-ki, and Johnny is already here. Pilit kong tinitignan kung nandito na ba si Jay pero hindi ko siya makita. Umangkla si Rei sa may braso ko,

"Ihahatid kita pauwi." nakangiti niyang sabi.

Ngumiti nalang din ako sakaniya saka hinanap ang pinsan nito. "Looking for someone?" she asked.

Umiling ako, "Sino naman ang hahanapin ko?" I asked her.

"Ako."

Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa likuran ko kaya napangiti akonng bahagya at umirap sa hangin. Unti-unti akong lumingon sakaniya saka nagtaas ng kilay.

"A-Ang kapal mo naman." irap ko.

Rei laughed saka tumabi kay Benjamin, she smiled at him na ikinabusangot ni Benjie. I wonder kung bakit ang cute nila tignan, may chemistry kasi sila.

Jay faked his cough para mapalingon ako sakaniya, he smiled at me. "I'll watch you out." aniya.

Ano daw?

Nang nakaalis na sila ay siya namang hagikgik ni Rei sa tabi ko, napatingin ako sakaniya at parang may binabalak ito. Umiling iling agad ako sakaniya nguni't hinatak niya ako papasok sa isang kotse.

"We're gonna go shopping!" hyper niyang sabi.

Bigla akong kinabahan, paano kung manikip ang dibdib niya anong gagawin ko? Bawal yata siyang mapagod hindi ba? Teka! Nagpapanic ako! Wala pa naman dito si Benjamin niyan dahil mag aayos palang sila ng condo sa BGC, paano na niyan?

Parang batang patalon talon si Rei, at bawat talon niya ay kinakabahan ako. Natatawa siyang lagi sa reaksyon ko kaya naman napapairap nalang ako.

"K-Karen..." tawag niya at yumuko nalang bigla.

Agad akong lumapit sakaniya saka pinaypayan siya, sisigaw na sana ako ng tulong dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Susmiyo bakit ako pa ang sinama nito? Paano kung mamatay to edi akin ang sisi?

"T-Teka Rei, wait lang! I pause mo muna yang paninikip ng dibdib mo hindi ako makapag isip eh!" stress kong sabi.

Pinaupo ko siya saka pinaypayan, "K-Karen, I-I'll die" halos pabulong na niyang sabi kaya lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

"A-Ano bang gagawin? Iinom ka ng gamot o ano?! Bakit naman kasi napaka likot mo! Para kang batang maliit! Teka!" sabi ko saka nilabas ang cellphone.

Hindi ko alam pero agad kong dinial ang number ni Jay, agad naman niya itong sinagot.

"Hello? Namiss mo agad yata ako?" Bungad sa akin.

"Hello? Jay? Itong pinsan mo naninikip ang dibdib-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hablutin sa akin ni Rei ang phone ko, "Hello? Nasaan na kayo?...Ahhh...oo pasabi kamo kay Benj mag s-shopping lang kami ni Karen...Oo, at wala kang pake don...k bye."

Iniabot naniya sa akin saka tumayo at nag unat-unat, what is that?! Ano yon?!

"You...you faked your...?" hindi ko masabi sabi.

She smiled at me, "I can endure this. Bahagya lang naman ang pagkirot." aniya.

Pumasok kami sa isang boutique, marami siyang biniling mga mamahaling damit. Halos mahiya ang sukot kong tig bente sa ukay ukay. Marami siyang sinukat at halos lahat sa mga sinukat niya ay bagay sakaniya.

Sana all, maganda.

"Dextie, can you please hold our cart? I don't want Karen to be the one who's holding that." turo niya sa cart na nasa tabi ko.

"Yes, miss ma'am." sagot naman ng malaking lalaking naka formal na damit.

Kinuha niya ang cart at sumunod kay Rei, napatingin naman ako sa isang lalaki ring naka dark blue waistcoat, grey or grey striped trousers, a white shirt sa loob, formal attire na mukhang butler talaga. Yumuko siya sa akin ng konti,

"Enjoy your shopping, ma'am." aniya.

Weird. Kung iyong isa ay si Rei ang sinusundan, ito naman ay ako ang sinusundan. Gusto kong umupo nalang rito at panoorin si Rei na maglibot sa boutique na ito at mamili ng mga damit niya. Pero hinihila niya ako minsan sa dressing room kung saan papagsukatin niya ako ng mga dresses o kung anomang pasok sa style ko daw. And she paid for all of it.

Sobrang pagod ko sa araw na iyon, anim na paperbag ang ipinadala ni Rei sa akin. Tinatanggihan ko ito pero sobrang kulit niya, nakikipag debate pa yata sa akin. Kung hindi ko lang inaalala ang puso niya ay baka kanina kopa sinauli lahat ng mga binili niya sa akin.

Nag video si Jay kinabukasan suot ang ADMU uniform niya, he told me na sa business class na siya papasok at hindi na sa culinary. Magaan lang naman daw mag catch up ng lesson doon kaya gaanon siya naglakas loob na kunin ang course na gusto niya 

"For sure maraming babae ang magkakagusto sa'yo jan." biro ko.

He chuckled, "Marami na ngang kumukuha ng number ko noong tumambay ako sa Wildflour Cafe dito rin sa Taguig." aniya.

Umirap ako, "Edi wow."

"Wag ka mag alala, ikaw parin ang iibigin ko. Nag iisa ka lang sa puso ko, aking giliw."

Corny.

Wala na bang iba pang pagkaka kornihan 'tong lalakeng 'to? Natawa nalang ako nang ngumuso siya dahil hindi ko nagustuhan ang banat niya.

"Karen." he called.

"Hmm?"

"Anong tagalog ng everyday?" tanong niya.

I sighed, "Sa sobrang dami mo nang alam na language nakalimutan mo na ang Filipino?"

"Dali na, ano nga?" tanong nito.

"Araw-araw." sagot ko.

I saw him smiled at the camera, "Tama, araw araw kitang mamimiss. Araw-araw kitang gustong kausapin, makita. At higit sa lahat, araw-araw kitang liligawan at mamahalin."

Kinabukasan. Naka buntot parin itong lalaking butler sa akin, pinag titinginan na rin ako ng mga nasa Enhyfun dahil sakaniya. Creepy, nakakatakot naman siya.

"Feeling main character, Karen?" Salubong ni Shaira sa pintuan ng room. "Tandaan mo, wala na ang prince charming mo kaya wala ng magliligtas pa sa'yo."

Ngumiti ako, "Ahh so inaamin mo na rin na si Jay talaga ang Prince Charming ko? Aww, bumait kana ba Shaira?"

Nagulat siya sa inasal ko. Lahat pala. "Kung inaakala nyong mapapatumba niyo na ulit ako, nagkakamali kayo."

"Lumaki ulo mo porke nililigawan kana ni Jay? Ang pangit mo! Sama ng ugali mo!" sigaw sa akin ng mga kaklase ko.

"Pangit ako? Masama ugali ko? Oh edi sige, kayo na maganda, kayo na mabait. Ang tanong, bakit hindi kayo nililigawan ni Jay?" I asked.

Akmang sasampalin na ako ni Shaira nang biglang pigilan siya noong butler, "Master Jay's order number 3, do not let anyonr hurt Karen Emille. Or you'll get to experience the punishment of Solarez that you'll never forget."

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon