xvii.
"How are you feeling?"
Unti-unti akong umupo sa malambot na kama, halatang wala ako sa bahay dahil sa linis ng nasa paligid ko. Para akong nananaginip bilang isang prinsesa sa isang mansyon.
Nasa tabi ko si Jay with his white tshirt tucked in inside his ivory colored pants. Ang buhok din niya ay maayos na nakakalinis tignan, his forehead was exposed too. Gwapo.
"Don't stare at me like that." he chuckled.
Pinalipit niya ang towel saka inabot sa akin, "Mainit ka paba?" he asked. "Do you want to eat something? Kinausap ko na nga pala sa phone ang papa mo, I said na dito ka muna magpapalipas ng gabi kasi malakas ng ulan sa labas, pumayag naman siya." aniya.
No wonder why pumayag si Tatay sakaniya, he really likes Jay more than Jake. Nilagay ko sa noo ang towel saka nahiga ulit, nilalamig ako kaya nagkumot ako.
"Malamig?" Jay asked, I nodded. Nakita kong tumayo siya at hininaan ang aircon ng kwarto. "May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita." aniya.
Umiling ako, "Wala, kahit ano nalang siguro kung hindi nakakahiya." sambit ko.
"Nope, don't be shy. Feel at home, nasa rest house ka, binili ko 'to last month para lang may tambayan kaming pito." aniya. "Wala sina Tita dito, don't worry."
Tumango ako, I feel at ease knowing na walang magpapaalis sa akin dito ngayong nanghihina ako. Inabot ko ang thermometer, nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa thirty-eight ang temperatura ko.
Napansin ko rin na iba na ang damit ko, nakapang sleepwear ako ng mayayaman. Nasaan ang uniform ko?
Bumaba ako sa kusina kung saan nagluluto si Jay. Wala masyadong tao dito sa bahay na 'to kaya umupo ako sa may counter at pinanood siyang magluto.
"Bakit ka bumaba? Feeling lonely?" He asked.
"Sinong nagpalit ng uniform ko?" I asked. "Last time I know naka pang school uniform ako ngayon-"
"I changed your clothes." aniya.
Nanlaki ang mga mata ko, he said it in a straight face! Susuntukin ko na sana siya nang tumawa ito!
"You looked hilarious, of course I can't do that!" tawa pa niya. "I asked our head maid to do it since umaapoy kana sa lagnat." aniya pa.
"I'm going to cook Adobo, do you eat adobo ba?" tanong niya. Tumango ako, "Alright, adobo."
He looks attractive habang nagluluto siya, naitanong ko tuloy kung nasan ang mga maid or bodyguards kung meron man but he answered na pinalipat muna sila sa mansyon dahil mas kailangan daw sila doon lalo na naroon ang tita niya.
Kinukwento ni Jay na idea daw ni Ethan ang camping na pinasa nila sa student council, gusto daw kasi ni Ethan na makasama si Yvette. Natatawa siyang nagkukwento sa pahirapang panliligaw ni Ethan dito.
"Ako ba, papahiraman mo ako kung sakaling manligaw ako sa'yo?" biglaan niyang tanong.
Hindi ako makasagot, nakatingin lang ako sakaniya. Masyado niya akong binibigla sa mga pangyayari.
"Maybe yes. Sino ba namang babae ang easy to get, hindi ba?" he chuckled.
"What about Konon?" I asked. Baka nakakalimutan kasi niyang may Konon pa siyang gusto.
"Konon is Ni-ki's sister, Karen." tawa ni Jay. "Naglokohan kami ni Konon for some meet ups even nagkikita naman kami kapag tatambay ang tropa sa bahay nila kaya kami nagkakilala."
Umirap ako, "Kilala niyo naman pala isa't isa eh. Bakit mo ako sinama doon sa so called meet up niyo?"
"Mahiyain si Konon, di siya pumapayag kapag walang kasamang ibang babae." aniya.
"Eh nong sa tinder-"
"I already knew Konon's tinder. Binabalak ko lang asarin si Ni-ki that time kaya tawang tawa si Jake kasi ayaw ni Ni-ki na i-date ni Konon ang isa sa amin...wait, why you seems curious? Have you been jealous that day-"
"Hindi. Neknek mo, bakit ako magseselos kung hindi naman kita gusto in the first place?"
Tumawa si Jay. "Awts, hinay hinay. Masyado kang straight forward." aniya at umarteng nasasaktan pa.
Tahimik kaming kumain, lagi niya akong binibigyan ng kanin at ulam sa pinggan tuwing nauubusan ako ng kinakain. Ginagawa niya akong bata!
Another silence, tanging mga kutsara at tinidor lang ang maririnig mo pati na rin ang lakas ng pagbuhos ng ulan. Binilhan pala niya ako ng mga gamot,
"Bayaran ko kapag nagkapera-"
"Pinapabayad ko ba?" taas kilay niyang tanong. "Hangga't hindi ko sinasabing bayaran mo, huwag mong babayaran."
Ininom kona ang gamot na binigay niya saka nahiga sa kama. Nanghihina parin ako at nahihilo kaya nakatulog din agad.
Jay is in the other room, he said he respects my privacy kaya hindi na siya papasok ulit without my permission. Pero kung kailangan ko daw siya ay katok lang ako sa pintuan niya.
Wala akong magawa kundi ang mag cellphone, naghahanap ng magagandang pictures sa pinterest saka sine-save ang mga ito.
Kumatok si Jay at nang pabukas ko ang pinto ay may dala na siyang mga miryenda. Umiling ako sakaniya kaya binuksan niya ang tv na may maraming movies.
"I thought you'll like these kaya dinala ko na. Huwag kang mabored!" ngiti niya. "I'll just work."
Hindi ko parin gets paano ako naipagpaalam ni Jay sa mga parents ko lalo na kay Tatay. Ako nga hind ko kabisado phone number nila eh, ganon na ba sila ka close?
Napatingin ako sa kwarto, girlish masyado ito saka malinis tignan, kung titignan mo din ako mukhang ka level ko lang si Jay dahil sa suot ko. But I can't change the fact na mahirap pa rin ako, ngayon lang ako magmumukhang ganito kagara kaya humarap na ako sa salamin saka pinagmasdang maigi ang sarili. Maganda, pero hindi ako ito.
Everything is just temporary, I know if Jay really likes me, maglalaho rin iyon as the time goes by. Walang dapat gustuhin sa akin, sino ba ako? I am just nobody.
Ang mga taong tulad ko sa Enhyfun ay parang basura, nonsense things, pero dahil kina Jay, mukha akong na recycle. Mahirap labanan amg sitwasyon na magpapatuloy pa ba ako sa pakikipag kaibigan sakanila kahit ganito lang ako? O titigilan ko na dahil alam kong hind iyon tama?
I'm stuck with the things na hindi ko alam na mangyayari. I never planned to be part of this seven, their friendship. Para akong isang lamok na dumapo nalang at nagmumukhang kumakapit sakanila. Ganto siguro ako tignan nina Shaira kaya hindi nila ako tinitigilan.
Jay, if your feelings are true. You need to wait for me to grow, but I know you're not the man for me, and you're not that man I wanna be end up with.
BINABASA MO ANG
Possessive You (Enhypen Series #2)
FanfictionJay Solarez Park, or Jongseong Park is a half Korean, half Filipino. He's the youngest son of the famous travel agency CEO, and the grandson of the CEO in an Entertainment Company in Seoul. Despite of being rich, Jay stayed humble and selfless. Alwa...