26

374 26 6
                                    

xxvi.

It so happen na magkakasama lang kami kahapon, they even helped me sa pagbayad ng ginastos but I can assured William that I will pay for it.

Halatang iniiwasan ako ng pito, hindi ko alam kung may magawa ba ako o ano? Again, tulad ng dati ay mag isa nanaman ako.

Nakikita ko ang iba na pinagtatawanan ako, maybe they find me pathetic and feel pity to me. Sino nga ba ako? Nakasama ko lang ang pitong sikat na lalaki sa Enhyfun, lumaki ba ang ulo ko?

Dumarami nanaman ang mga nang t-trip sa akin, bakit? Ano bang meron? Bakit hindi ko maisip ang dahilan bakit nangyayari to ngayon? Sobrang ayos naman namin ng pito kahapon ah? Bakit bigla nalang akong iniwasan?

"Oops sorry, sa sobrang dumi mo kasi akala ko basurahan ka." sambit noong Monica.

Sa pagkakatanda ko, siya ang napili ng school para ilaban sa beauty contest na gaganapin dito sa school ngayong taon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, maganda nga siya sa labas pero bulok naman ang ugali niya.

"Monica!" tawag sakaniya noong Yve.

Nanginginig ako ngayon dahil sa lamig ng panahon, plus sa malamig na inumin na ibinuhos sa akin ni Monica.

Umirap si Monica sa kaibigan, "You are always into my plan!" sigaw nito.

"You are always doing evil things!"

"That woman?! I saw her! I saw her with Ethan yesterday! She's a whore!"

"Watch your mouth, Monica!" sigaw din ni Yvette.

Now, they are fighting because of me huh?

Sometimes, naiisip ko kung tama bang tinanggap ko ang scholarship sa Enhyfun at mag aral dito? Kung simula pa noong unang beses akong tumapak dito ay alam kong hindi ako nababagay sa school na ito.

People here messed with each other, always flexing their richness na wala ako. Well, oo hindi ako nandito para makipagkumpetensya ng yaman kundi ang mag aral.

Napagbuntong hininga na lang ako, nahagip ng paningin ko si Jake at Benjamin na nakatayo sa may gilid ng hagdan pa akyat sa may second floor at blankong nakatingin sa akin.

So, tuluyan bang nabuksan ang isipan nila kung gaano ako kahirap? Baka nga akala nila ay gold digger talaga ako.

Hinawi ko ang basa kong buhok saka agad na dumiretso sa banyo upang punasan ang  malagkit kong katawan. Pumasok ako sa isang cubicle saka bahagyang nag drama. Natatawa nalang ako sa sarili ko dahil ganito ang dinaranas ko. Deserve ko nga ba to?

Paglabas ko ay may isang paper bag ang nasa may sink, napatingin ako sa paligid to check if may nagmamay ari ba noon. But I was supriser when I saw my name on a piece of paper na naka attach sa paper bag.

"To Karen Emille..." basa ko.

Binuksan ko ang paper bag at doon ko nakita ang isang set ng uniform. Bagong bago, mukhang galing pa ito sa mismong store ng school. Kung para sa akin ito, susuotin ko muna pansamantala dahil sobrang lagkit ko na.

Nagpalit ako saglit saka lumabas, doon ko nakita si Yvette at bahagya siyang ngumiti sa akin. Napapansin ko sa babaeng ito na iwas din siya sa akin, ganito ba talaga tuwing mahirap ka? Lagi kang iniiwasan? Malamang sa mga sandaling nakikita niya ako ay hindi niya ako namumukhaan dahil sa saglit niyang pagtingin sa akin.

I sighed as I take the paper bag with me paglabas ng banyo, pumasok na ako sa next subject ko. Panay bato sa akin ng mga crumpled papers mula sa likuran, naiinis na ako kaya maangas akong napakagat sa labi ko. Ilang sandali pa ay hindi ito tumigil, hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa masita ito ng prof namin.

"Anak ka ng unggoy, Mr. Castro!" sigaw niya. "Palagay mo sinong maglilinis ng mga kalat mong iyan?"

"Si Karen Emille, ma'am!" sigaw niya.

"Ang kaaaapal ng mukha mo, Mr. Castro. Akala mo kina-cool mo iyon?" aniya. "Tandaan ninyo ito, college na kayo! Susmiyo por dos maryosep, isip bata pa ba ako? Akala niyo astig ang bullying? Bullying is not for college students like you, is not for high school nor elementary students, bullying is not for everyone! Kulang ba kayo sa pansin para mambully? Hindi di ba? As if naman na may sira kayo sa ulo? Come on guys, grow up! You're all in college now, better be matured!" Sermon nito sa amin.

Natahimik ang buong school, at nanahimik na rin ang nasa likuran ko. Bumalik sa pagdi-discuss si Ma'am hanggang sa matapos ang class hours. Akala ko ay naliwanagan na ng tuluyan ang mga classmates ko, but I think it became worse.

"Akala mo sinong bida kaninang pinagtanggol ng prof!"

"Hoy naaawa lang sila sayo kaya ka nila pinagtatanggol no! Kapal ng mukha neto."

"Guys, guys no!" si Shaira. "Just like what ma'am said, bullying is not for college students. What if we do some college style?"

Hinatak nila ako papunta sa may field saka tinulak. Maraming nanood sa amin mula sa library. Sakto pa namang ilang metro ang layo mula sa faculty.

Dumatin si Ranie na may dalang basebat, doon ako nagsimulang kabahan. Ang maingay na pagnguya ni Shaira at ang pag palo ng basebat nito sa kaniyang palad.

"Welcome to the frat." aniya saka itinaas ang basebat na akmang ipapalo sa akin.

Maraming nagtawanan, they all think now that I am pitiful. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo, nakita ko ulit si William at Ni-ki na galing sa library at nakatingin lang sa akin. I wanna know why they are like this. But I also want to be independent, na hindi umaasa sa tulong nilang pito.

Maybe this is my life as a college student here in Enhyfun, but you can't change the fact na nagtitiis na ako ng ilang buwan dahil dito. Gusto nina Nanay na mag aral akong mabuti at makapag graduate dito sa Enhyfun, but it's not that easy.

Naiwan akong nanginginig sa lamig dito sa labas ng Enhyfun, halos manigas ako sa lamig dahil ginabi ako sa mga pinaggagawa nina Shaira. When I tried to fight back, tumilapon lang ako dahil sa mga sampal nila sa akin. It's funny because I'm weak, how can I go home with my face all swollen? Dumurugo pa yata ang pang ibabang labi ko.

Then suddenly someone stops infront of me, nanunubig ang mga mata kong tumingala sakaniya. It was Jay, i'm sure of it. Umupo siya sa tabi ko at binigay ang isang makapal na jacket to keep me warm. He hugged me as I cried silently dahil sa pagod, sakit, at takot.

"Sshh, cry it out." aniya saka hinagod ang buhok ko.

This day was hella tiring, and i'm exhausted. I'm nearly giving up because I'm tired. My petals are slowly falling down, making my flowers near to death.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon