15

502 35 18
                                    

xv.

Sumunod na araw ay nakita ko nanaman si Yeonjun sakaniyang Toduro uniform. I sighed as people looking at him outside the Enhyfun Academy gate.

"Bakit ka nandito?" Salubong ko sakaniya.

He winked at me saka ngumiti, "Sinusundo ka. Ano ka ba naman, parang di mo maalala na sabay tayong umuuwi kapag tapos ng school hours ah?"

"Sabay uuwi? Eh sa may hotel ka tumutuloy, malayo 'yon sa amin." I said.

"May malayo ba kapag naka kotse?" mayabang niyang sabi.

Tumawa ako saka umirap sakaniya. Nagtawanan kaming dalawa ni Yeonjun, hahakbang na sana ako palapit sakaniya nang may nagsalita sa likuran ko.

"Awit lods." sambit ni Ethan habang nakatingin kay Jay na nakatingin sa akin.

Straight face siyang nakatitig bago pumikit pikit saglit at iniwasan ako ng tingin, nagkibit balikat si Jake bago kami nilampasan. Nagtatakha akong tumingin kay Yeonjun pero sinusundan nito ng tingin sina Jay na kadaraan lang.

"May problema ba?" I asked.

Nanliit ang mga mata ni Yeonjun, umiling ito ng bahagya saka lumingon sa akin. "Sino mga 'yun?" he asked.

"Mga schoolmates ko. Matanda ng isang taon sa akin." sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay, "Edi matanda ako ng isang taon sa mga iyon? Since I am two years older than you." aniya.

I just nodded saka na inaya siyang umuwi. Marami muna siyang biniling tinapay, even mint choco ice cream yung isang galon pa! I insisted pero makulit siya. Hati daw kami sabi pagdating sa bahay, doon muna daw siya tatambay since wala naman daw masyadong kausap dahil nagta-trabaho si Tita at nag aaral naman ng maigi si Terry.

"Bakit kase hindi mo rin pagbutihan sa pag aaral mo!" sambit ko sakaniya habang kumakain ng ice cream.

"Nag aaral naman ako ng mabuti ah? Mukha bang hindi? Saka graduating na rin ako, kung hindi lang dahil sa pag adjust ko sa Korea, graduate na ako eh." aniya.

Umirap ulit ako, "Bakit ba kase lumipat kayo ng Korea kung babalik ka lang din naman ng Pinas."

Nagkibit balikat siya at nakipag unahang makaubos  ng ice cream binato ko siya ng kutsara nang hindi niya ako tinirhan, tawa pa siya ng tawa kaya lalo akong nainis.

Hinawakan ko ang buhok niyang kulay asul, "Bakit ka naman nagpakulay ng asul? Mukha ka tuloy vetracine na pampainom sa mga manok." sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Uso ang magpakulay sa Korea, sumabay lang ako." aniya.

"Uso ba iyang ganyang hairstyle sa Korea? Mukhang vetracine."

"Napakalayo naman kung ikukumpara mo sa vetracine." tawa niya.

Ngumuso ako, "Ibalik mo sa black, mas gwapo ka tignan."

"Ah so gwapo ako?" lumawak ang ngiti niya. "Grabe mint choco lang pala katapat mo." tumawa siya. "Ulitin mo nga na gwapo ako." he teased.

Sinabunutan ko siya, "Mukha kang daga, Yeonjun!"

Ilang araw na akong hindi pinapatawag ni Jay kaya nagtatakha ako, tapos na ba ang isang buwan na usapan naming magiging personal alalay niya ako? O naawa lang siya sa akin after what his tita did to me noong nagpunta ako sa bahay nila?

I tried to locate him pero hindi ko siya makita, tumambay nalang ako sa library at nakita ko si Jake na nagbabasa ng isang physics book.

"Jake." bulong ko.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon