07

555 34 2
                                    

vii.

Scarlette suddenly jumped to me nang makita ata akong tulala sa kalawakan, wishing upon the stars ba ang theme ko tonight?

Nagka ayos na rin si Tatay at si Nanay, sinabihan niya na rin kami lalo na ako na huwag magpapapayag na may lalaking pumasok sa bahay ng hindi niya alam. He's very strict, right?

Ginagawa ko na ang mga assignments ko dahil bukas ay ang pasok ko na sa part-time job. Actually ay bawal ang may part time job sa mga estudyante ng Enhyfun, kung tutuusin ay puro mayayaman din ang mga nag aaral doon at hindi na nila kailangan pang magtrabaho habang estudyante palang sila. Pero ako? Kailangan ko.

Sumasakit ang ulo ko sa pagbabalance ng mga ito, piso na nga lang ib-balance mo pa? Bakit hindi mo nalang pahiramin ng piso?

Madaling araw na ng matapos ako, tulog na rin sina Nanay at Tatay kaya pinatay ko na ang ilaw upang makatulog na. Nanalangin muna ako na sana maganda ang maging kapalaran ko bukas kung magigising pa.

Sa isang pagpikit ng mata ay maraming nagsisipila sa bakery shop sa tapat ng bahay namin. Nakakasaya sa kalooban na marami ang bumibili ngayon.

Napawi ang ngit ko nang makita sina Shaira na dumaraan sa harapan ng bakery. Napatalikod ako at nagtago sa kusina nang pumasok ang mga ito at umupo sa isang table habang nagkukwentuhan.

"Yeah, she's like annoying! I almost regret being in our section, sana palang nagpalipat na ako sa section nina Jay kung alam ko lang na hindi ako babalikan ni Geonu."

"Ayan, asa ka pa. By the way girls, have you heard that Ethan and Yvette are dating?"

"Like? What?! Seriously?"

"You mean Ethan de Dios? The shining and all rounder Ace?"

"Yep! He's dating Yvette Garcia from BSED."

"I bet no one will against their relationship if ever na magkatuluyan sila"

"Yes for sure dahil isa sa sikat na babae si Yvette."

"Ah! I'm so jealous!"

"Jay, Jake, Benjamin, William, and Ni-Ki are still there! Do not lose hope sis!"

"Wait, Jay has a cousin named Johnny righy? And he's from Toduro."

"Really?!"

Sa sobrang ingay nila ay naririnig ko ang usapan ng mga ito, so Yvette and Ethan are dating? They'll make a good couple.

"Kamille! Ikaw na ang mag served sa table 20!" sigaw ni Tito Allan.

I gestured him no at masakit ang pakiramdam ko, ayaw kong mag serve doon dahil baka pagtawanan lang ako ng mga babaeng 'to, but they keep on pressing the ring button. Napapikit ako ng mariin.

I disguised myself bago kinuha ang order nila, naglagay ako ng makapal na salamin, at makapal ding polbo para hindi nila ako makilala, nagpalit din ako ng boses at nakakasakit iyon ng lalamunan pero kailangan kong tiisin ito.

"I want a one set of American bread with a spanish ham and a cappucino." sambit ni Shaira, agad ko naman iyong inilista habang tinatakpan ang mukha ko sa papel.

"I want some cheese and ham break with a garlic, and a soda please."

"I want cheese and ham also with spanish bread, and a americano."

Tumango ako at agad na umalis, mabuti nalang at hindi nila ako napansin. Medyo tumagal ang paghahanda ko sa mga pagkain nila dahil rare lang itong orderin sa amin lalo na ang order ni Shaira. Pinunasan ko ang mukha ko nang pagpawisan ako saka na agad na idiniliver ang order nila.

"Heto na po, and ito na rin po iyong resibo po ninyo." sambit ko.

They are all quiet, kaya napatingin ako sakanila, they are all shocked, nakaawang ng bahagya ang kanilang mga labi. I wonder what made them shocked...

Mabilis akong tumakbo papasok sa kusina upang tignan ang sarili ko sa salamin, nawala nag polbo! It means, nakilala nila ako.

Nag panic ako nang magsimula na silang magtawanan, for sure ay ako ang pinagtatawanan nila. Hindi ako makalabas, nahihiya ako at bahagyang natatakot. But there's a reason ngayon kung bakit ako napalabas sa kusina,

"Where's your waitress here? The one like tall, uh fair skin? And you know, manang outfit siya." maarteng sabi ni Shaira.

Nagsalubong ang kilay ni Tito Allan, "Miss oras na po at magsasara na kami, we need you to pay for your foods and drinks."

"Sorry manong, but we won't be paying unless ilabas niyo sa amin ang dugyot na waitress nyo. I'm kinda glad and surprise na hindi niya naibuhos sa akin ang inumin ko. Infairness, nag improve na siya sa pagiging clumsy niya."

"Miss, nakikiusap ako." pagod, naiinis, at malapit nang magalit ang tono ng pananalita ni Tito Allan.

"I told you we won't-"

"Shaira." singit ko.

Napatingin sila sa akin, lumapad ang ngiti nito saka ako pinalapit. Her friends are filming me, gusto ko nalang maglaho sa lupa pero nakakahiya kay Tito Allan kung sakali mang hindi siya bayaran lalo na't mahal ang binili ng tatlong ito.

"How much is the fee?" Shaira asked. Binigay ni tito Allan ang resibo, "Oh? Three thousand lang pala eh. Ito oh!" Hinampas niya sa akin ang apat na libong papel, "Baka kulang pa sa waitress niyo eh, give the change to this poor lady."

Pinanood ko lang silang umalis at pagkatapos ay ipinulot ang pera at ibinigay kay Tito Allan, nakatingin parin siya sa tatlong babaeng lumabas sa bakery niya.

"Lagi ka bang kinakawawa ng mga babaeng 'yun?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot, pumunta ako sa kusina upang hubarin ang apron ko saka nagsuot ng sapatos.

"Kung kinakawawa ka sa eskwelahan mo ngayon, bakit hindi ka pa lumipat Kamille? Baka gusto mong mamatay muna bago mo maisipang lumipat ng school? Alam mo naman sa una palang mayayaman na ang mga nag aaral doon eh!"

"Tito naman, pinagtatawanan lang nila ako dahil sa mga kapalpakang nagagawa ko sa school eh. Kasalanan ko din naman po."

"Kasalanan mo nga pero wala ka sa school ngayon, Kamille. Nagawa ka nga nilang insultuhin sa harapan ko!"

Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang pag aayos ng sapatos. Iniabot niya sa akin ang apat na libong ibinayad ni Shaira,

"Sa'yo na 'to. Hanap ka ng bagong school, kung kailangang ako na ang magbayad ng tuition mo buwan buwan gagawin ko." aniya.

I almost cried sa sinabi nito, he never had a daughter. Dalawang lalake ang anak niya at namatay na si Tita pagka panganak sa bunso nila. I kinda being spoiled both of my parents and tito Allan, kaya napaka protective nila sa akin. But I can't accept this,

"Okay lang ako tito, sa'yo yan, kita mo yan. Promise ko sa'yo g-graduate ako sa Enhyfun Academy." ngiti ko sakaniya upang hindi na siya mag alala pa.

He just sighed saka tumango bago umakyat sa itaas, nagpaalam na rin ako bago siya umalis na uuwi na at tumakbo papasok ng bahay. Nanay is cooking my favorite ulam, kaya bahagya akong excited na kumain pati na rin si Scarlette.

Nang matapos na kaming kumain ay nahiga na ako upang makapagpahinga, pero may bumabagabag parin sa loob ko patungkol kina Shaira. Pero dahil sa pagod ay isinantabi ko muna iyon at nakatulog na.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon