41

366 23 0
                                    

xli.

Tumabi si Jay sa akin, nandito nanaman ako sa condo nila dahil pinagpaalam niya ako ng isang linggo para mag stay. He rested his head on my shoulder saka niya pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay.

"Kumain kana?" tanong ko.

He nodded. Tahimik niya ngayon hindi tulad tuwing nilalapitan niya ako ay bigla siyang dadaldal. There is something wrong.

"What is it?" lingon ko sakaniya. "Anong problema? Meron ba?"

He sighed before he nodded, "I-I'm nervous. My family will come home next month." aniya.

"Well maganda iyon, for sure miss kana nila-"

"I mean, the whole family including my titas ans titos."

I also pouted when I heard those words. Pinagusapan namin ang maaaring maganap na family dinner nila at ipapakilala daw ako sa parents niya. Kinakabahan din ako pero sabi niya ay mababait naman ang mga parents niya and for sure ay magugustuhan nila ako.

I received some texts from Yvette, inaaya niya akong mag shopping. Since wala naman akong part time work today ay sinamahan kona siya. Marami din siyang binigay sa akin and even treats me lunch, sobrang sakit ng paa ko sa palakad lakad naming dalawa sa mall. I just remembered na engage na pala sila ni Ethan, so happy for them!

"Wait, what?!"

Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko si Jay sa labas ng kwarto na sumigaw. Madaling araw palang pero gising na ito, sinuot ko ang roba ko at lumabas ng kwarto. Nasa labas na rin si Johnny at Jake kasama nina William at Ni-ki. Lahat kami ay nakatingin kay Jay na masama ang timpla ng mukha.

"H-How...wait, do they have evidence?!" sigaw nanaman niya. "Why you'd let them drag Ethan-...alright, we're coming."

Pinatay na nya ang tawag sa telepono at humarap sa amin, kinabahan ako ng matindi dahil mukhang galit na galit si Jay.

"Ethan has been arrested." maikli nguni't impactful.

Nagulat kaming lahat. We don't know paano kami magsasalita o gagalaw. Gusto ko man magtanong ay mukhang bawal.

Tinulungan nila si Ethan ng ilang linggo. Kinabahan ako dahil mas lalong nalalapit ang buwan ng pag uwi ng parents ni Jay.

Hindi na ako hinayaan ni Jay na makialam pa sa kaso ni Ethan. Hindi niya rin ako pinayagan na tumulong, all I just is to watch out for Yvette.

"Mom called." ani Jay saka humiga sa lap ko.

Hinawi ko ang kamay ko sa buhok niya, "Anong sabi?"

"Hindi daw sila tuloy next week. They still have business to do." he smiled.

Nakahinga ako ng maluwag doon sa sinabi niya. Inabot ng ilang buwan ang pag iimbestiga sa kaso ni Ethan, grabe naman. Kahit ako na ilang buwan lang nakasama ni Ethan ay masasabi kong hindi niya magagawang manggahasa ng tao, lalo na kung si Yvette mismo ay hindi niya mahawakan.

Sumama ako sa final hearing ni Ethan. Nasa harapan siya at hinding hindi na ang Ethan na nakita ko noong huli kaming magkita sa mall. Both attorneys presented their evidences and witnesses. Kaya sa huli,

"By the decision of the jury according to the hearings that we attended about the case regarding the violence of the Republic Act 8353 or the Anti-Rape Law... I am now proclaiming the innocence of the accused, Mr. Ethan De Dios because of the powerful evidence that he was just falsely accused amd framed up by Monica Laurien and Daniel Lee. Case dismiss."

Halos magsaya ang lahat. Mabilis na yinakap ni Yvette si Ethan, she doesn't care on how Ethan looks right now. She really loves him, hindi niya rin ito iniwanan sa buong journey nito while nasa kulungan.

Jay intertwined his hand to mine kaya napatingin ako sakaniya, he smiled at me saka naglakad palapit kay Ethan. Nag man hug sila saka agad na nagpaalam. Nagtanong tuloy ako,

"Why? Bakit paramg nagmamadali ka?" I asked.

"Nothing, gusto lang kitang masolo." aniya. "I've been so much stressed about his case, lalo na sa pinsan niyang siraulo."

I agree. Sinong matinong pinsan ang kakampihan ang babaeng may sira din? Lakas ng loob mang demanda porke alam niyang malakas ang kaso ng rape at hindi iyon kadaling maiwalang bisa.

"Which restaurant do you want?" tanong niya.

Agad akong umiling, he always bringing me to a expensive restaurant! Ayokong kapag nalaman ng parents nya ito ay isipin nilang pineperahan ko si Jay.

"P-Pwede bang sa bahay nalang? Miss kona kasi sina Nanay eh." sambit ko.

Tumango siya, "Well yeah, it's been a months since huli kang umuwi. Alright, we will go home." aniya. "I'll just call Johnny, isabay na natin pauwi."

Yinakap ako ng mahigpit ni Nanay at Tatay nang maihatid ako ni Jay, babalik nalang daw sya maya-maya.

"Anak gumanda ka ah!" puna ni Tatay.

Ngumiti ako, "Ano po ba kayo Nay, Tay. Ako lang 'to." tawa ko kaya natawa din sila.

Nagpunta kami ng palengke para mamili ng mga gagamitin sa pagluluto ni Nanay. Nag request kasi ako na Carbonara ang kainin dahil namimiss ko na ito.

Nang makauwi ay nadatnan ko ang nagtatawanang si Jay at Tatay. Nagmano si Jay kay Nanay saka kami tinulungan sa mga pinamili,

"Ano pong lulutuin ninyo?"

"Carbonara anak, request nitong only child." tawa ni Nanay.

Tumawa rin si Jay, "Ako na po ang magluluto." presinta niya.

Hindi na umapela pa si Nanay at hinayaang si Jay na ang magluto. Naligo muna ako at nagbihis saka tinulungan silang mag ayos ng hardin para doon na kami kumain. Marami na ring nabago sa bahay, ito na siguro ang napundar ko sa pagt-trabaho ko bilang isang kahera sa Maynila habang bakasyon.

Napapa palakpak si Nanay nang matikman ang luto ni Jay. He can be a good chef if he really did pursue his dreams to be a cook, pero dahil may business sila na Sinar ay need niyang kumuha ng Business course din.

This day is a well spent, and I hope na sa mga susunod na araw ay ganito din kapayapa ang mga mangyayari. My family really gave Jay a warm welcome, and I hope Jay's family will give me a warm welcome too to their family despite of my social status which is out of their league. I hope so they will, I really hope so.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon