xxxiii.
Tulad ng sinabi ni Rosé, si Jay ang naghatid sa akin pauwi. Madaling araw na rin kaya inaantok ako, habang nasa byahe ay hindi ko napansin at nakatulog ako.
Mahihinang tapik sa pisngi ko ang gumising sa akin, and I saw Jay's face smiling a bit to me.
"Wake up, we're here." aniya.
Napaayos naman ako ng upo, nasa bahay naba kami? Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang bakery ni Tito Allan, lumabas si Jay at pinagbuksan ako ng pinto. He's still smiling at me, ano naman kayang ginawa nito habang natutulog ako?
Nakita ko ang blazer ni Jay na nakabalot sa katawan ko, binigay niya ba iyon sa akin dahil nanginginig ako sa lamig kanina?
Lumabas na kami pero bago ako makapag lakad ay isinuot niya sa akin ang bucket hat niya saka na isinara ang pintuan ng kotse.
"Mahirap na baka magkasakit ka." aniya.
Inihatid na niya ako sa loob ng bahay, natutulog na sina Nanay kaya dahan dahan naming binuksan ang pinto. Haharap na sana ako sakaniya nang maramdaman ko ang mainit nanhininga nito sa may likod ng tainga ko. Nangilabot ko dahil doon,
"A-Ano..." bulong ko. "K-Kaya ko nang pumasok mag-isa." ani ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at isinara ang pinto, pero pinigilan ito ni Jay kaya napatingin na ako dito. His eyes are also sleepy, bigla tuloy akong naging worried. Kaya niya bang magmaneho sa lagay na iyan?
"Good night." he smiled at me.
Siya na ang unti-unting nagsara ng pintuan. Ilang segundo lang nang pagsara nito ay binuksan ko uli,
"Jay!" I called. "C-Can you drive?" I asked.
He chuckled, "Yes, I can." sagot niya. "Are you worried that I might sleep while driving?" di ako sumagot. "Don't worry about me, you should sleep na. Oras na din, and ayokong napupuyat ka, it's bad for your health." aniya at kumaway.
Pinanood ko siyang pinaandar ang kotse at umalis na. Nagbihis na ako saka nahiga, isang oras na rin ang nakalipas pero hindi pa ako inantok. Nakauwi na ba si Jay? Sana walang masamang nangyari sakaniya.
Teka, bakit ba iniisip ko siya? May kasalanan pa siya sa akin!
Humarap ako sa left side ng kama ko para makatulog na, but when I closed my eyes ay tumunog ang cellphone ko. Dagli kong kinuha ito at nakita kong si Jay ang nagtext.
Jay Manloloko:
Hey, jgh. I know that you're already sleeping, sleep well and don't think too much. Goodnight, Karen.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at dagling nagtipa ng reply sakaniya,
Me:
Ok, gnight.
Binitawan ko ang cellphone ko pero agad naman itong tumunog ulit kaya kinuha ko nanaman ito.
Jay Manloloko:
I thought you're already sleeping? Why are you still awake huh?
Napairap ako sa hangin,
Me:
Pakialam mo ba?
We talked after a few minutes, mag alas dos na ng madaling araw nang magtext ulit siya sa akin. Doon ko na naramdaman ang antok,
Jay Manloloko:
This is enough for today, I told you ayaw kitang napupuyat. You should sleep to have some rest. Good night, Karen. Don't reply to this text for now, sleep.
Tulad ng sinabi niya, pagtapos kong nabasa ang mensahe na iyon ay nakatulog na ako. Sobra sa pagod at puyat na rin ay mabilis akong dinalaw ng antok.
Even in my dreams, it still hunting me. Is this a kind of trauma? Anxiety? Gusto kong magpatawad pero nauunahan ako ng takot baka maloko akong muli.
"Karen." tawag ni Nanay.
Nagmadali akong mag toothbrush at magpulbos. Maagang dumating si Yeonjun sa bahay dahil sabi niya ay ihahatid niya ako sa Enhyfun bago siya pumasok ng Toduro. Kanina rin ako tinatawag ni Nanay kaya panigurado masesermunan nanaman ako nito dahil sa bagal kong kumilos.
"Karen! Anak ka ng pagong, aba'y kay bagal mo kumilos!"
Hinalikan kona sa pisngi si Nanay saka yinakap bago kumaway sakaniya paalis ng bahay, tatawa tawa si kalbo kaya umirap ako sakaniya.
"Hoy kalbo, kinis, kintab! Anong tinatawa tawa mo jan ha?" taas kilay ko.
Natigil siya sa pagtawa, "Aba ginamit mo ang kalbo card huh." aniya kaya ako naman ang natawa.
Nagtawanan kaming dalawa not until may tumigil na kotse sa gilid ko di kalayuan sa bahay.
"Karen." baba ni Jay sa bintana ng kotse niya. "Isasabay na kita." aniya saka sumulyap saglit kay Yeonjun.
Umiling ako, "Sabay na kami ni Yeonjun besides mas gusto kong naglalakad para makapag exercise." sambit ko saka hinila si Junjun. "Tara na."
Nakasunod parin sa amin ang kotse ni Jay kaya hindi kami nakapag usap ni Yeonjun. Bumuntong hininga ako saka nalang tumingin sa dinadaanan ko,
"Isn't is weird? I mean, hindi kaba nawe-weirduhan?" tanong niya. "It feels like may nakatingin sayo 24/7, may nakabantay." aniya.
Tumawa ako, "I have no pake, okay? Let him do whatever he wants, mapapagod din iyan." sambit ko.
Humiwalay ang kotse ni Jay sa amin nang makarating na kami ng school, malamang ay nag park na iyon kung saan.
"Mauuna na ako, see you later?" Yeonjun smiled.
Tumango ako at ngumiti, "Sige, text nalang kita."
Kumaway siya sa akin saka na naglakad, hindi rin kalayuan ang Toduro University sa Enhyfun Academy kaya nilalakad nalang din niya. May motor naman siya kaya lang ay nasa amin dahil gusto niya sabay kami maglakad.
Pumasok na ako sa may gate at doon ko nakita ang nandidilim na aura ni Jay, pero agad na nawala iyon nang makita ako. Ngumiti siya sa akin saka ako sinabayan sa paglalakad, I kept my poker face at hindi umiimik sakaniya.
"Susuduin kaba ni Yeonjun bukas? Ako naman sana." aniya.
Umirap ako, "Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa akin? Hindi mo ba nararamdaman na ayoko sayo?"
"Karen, I told you I'll make you fall in love with me-"
"Tapos sa huli pustahan nanaman? Ako nanaman ang kawawa? Tigilan mo na ako pwede ba?" naiinis kong sabi.
Bumuntong hininga siya, "Look, I want you to give me a second chance para patunayan ang sarili ko. You might never know, but I like you. So please let me prove myself to you."
"Tigilan mo na ako, Jay!" naiiyak kong sabi. Sawa na ako, sawa na akong maapi, sawa nakong paglaruan. "Leave me alone." humihikbi kong sabi.
Hinawakan niya ang mukha ko at sinimulang punasan ang mga luha ko, "Sshh, don't cry. Napaiyak nanaman kita." aniya at bumuntong hininga. "I'll promise this to you, if you give me second chance, hindi na kita lolokohin at sasaktan. Please, just please give me a chance." pagmamakaawa niya.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko bang magbigay ng chance, natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw, maulit muli na napaglaruan ako. Natatakot ako na kung kailan ako nahulog sakaniya ay iiwan niya lang ako at lokohin. Naguguluhan ako, Jay. Pakiusap tama na.
BINABASA MO ANG
Possessive You (Enhypen Series #2)
FanfictionJay Solarez Park, or Jongseong Park is a half Korean, half Filipino. He's the youngest son of the famous travel agency CEO, and the grandson of the CEO in an Entertainment Company in Seoul. Despite of being rich, Jay stayed humble and selfless. Alwa...