18

487 34 11
                                    

xviii.

Ipinahatid ako ni Jay sa isa sa mga butler nila kinabukasan, agad akong bumaba nang huminto ang van sa tapat ng bahay namin. Sinalubong ako ni Nanay saka ako kinapa-kapa.

"Ano ba yan! Ayos ka lang ba? Nilalagnat ka pa ba? Sobrang nag aalala ako sa'yo!" sambit ni Nanay.

"Ayos lang po ako, sinat nalang po mayroon ako."

Pumasok na kami sa loob saka ako pinaghain ni Nanay ng mainit na sabaw ng sinigang. Humigop ako roon saka na nahiga, hindi ako nakapasok ngayong araw.

"Dadaan ako sa faculty later para ipagpaalam ka sa mga teachers mo." aniya habang ipinagtitimpla ako ng gatas. Sabi ko sakaniya na huwag na tutal ay uuwi na rin naman ako, but he still insisted.

"Okay." tanging nasagot ko.

Ininom ko ang gatas, he's just watching me kaya nabulunan ako. Mabilis niyang iniabot ang tissue saka pinunasan ang bibig ko.

Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ang banayad na pagpunas nito, nahihirapan akong lumunok kaya nang tignan niya ako sa mata ay umiwas ako ng tingin at ibinalik ang tasa sa lababo.

"Ipapahatid kita sa butler ko. You should rest, saka kana pumasok kapag ayos ka na." aniya pa.

Umiiling ako habang naiisip ang mga ginawa niya para sakin, nagma magandang loob lang naman siya kaya niya ginawa ang lahat ng 'yon hindi ba? O dahil nga daw he likes me?

Sumakit ang ulo ko kaya napadaing ako ng mahina, lagi nalang siya ang nakakapagpabagabag sa akin. Itinulog ko nalang ang lahat.

Nagising nalang ako sa ingay mula sa labas, pumunta ako ng sala at nakita ko ang nagtatawanang si Tatay at Jay habang hindi naman maipinta ang mukha ni Nanay.

"Anong meron?" Tanong ko nang makita ang sitwasyon.

"Ah Kamille anak, dinadalaw ka ni Jay. Punta muna kami jan sa may bakery ha, usap muna kayo." sabi ni Tatay saka siya tumayo.

Tumayo na rin si Nanay saka sumunod kay Tatay, "Nakikita ko kayo ha." aniya saka nag I am watching you gestures pa ito sa amin.

Umupo ako sa harapan niya, nakapang Enhyfun uniform pa siya nguni't bahagyang nakaluwag ang necktie nito. Nagtaas ako ng kilay, "Nagkita palang tayo kaninang pinahatid mo ako, miss mo agad ako?" biro ko.

"Oo." mabilis niyang sagot. Matamis siyang ngumiti sa akin saka bahagyang yumuko.

Hindi ko inaasahan ang sagot niya, nagulat ako kaya nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin. Hindi ko alam ano ang susunod na sasabihin.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "Masama pa ba pakiramdam mo? Musta kana? Magaling ka naba?" sunod sunod niyang tanong, inawat ko siya.

"Maayos lang ako, kaya sshh ka nalang okay? Ano ka ba, ako lang 'to." mayabang kong tugon.

He smiled again, umiwas ako ng tingin. Why do I feel melting kapag ngumingiti siya? Maybe it's just too sweet kaya ganon.

Nagulat kami nang pumasok sa bahay si Jake, may dala itong pizza. Nagkagulatan kaming tatlo nguni't tumawa lang si Jake at nagpunta sa tabi ko.

"I heard na nilalagnat ka raw, nagdala ako ng miryenda after class." aniya saka sumilip kay Jay.

"Ano ba yan! Hindi mo ako hinintay, Jakey! Natapon tuloy-" pumikit pikit pa si Benjamin nang makapasok. "Jay?! Aba hindi ka nagsabing pupunta ka dito ah?"

Umingay ang bahay dahil sa tatlo, nagdala ng miryenda sina Jake at Benjie kaya kumain na kami. Panay ang tawa at palitan ng tingin ni Benjamin at ni Jay.

Bumalik na rin si Tatay at Nanay, laking tuwa naman ni Nanay nang makita si Jake. Samantalang si Benjamin nama ay ginawang baby ni Nanay.

"Naku! Ka gwapo talaga nitong batang 'to, ampunin na kaya kita't may kapatid na lalaki itong si Kamille?" tawa niya kay Benjamin.

"Naku nay, kung magiging kapatid ni Kamille walang makakapanligaw jan, dadaan muna sila sa akin." saka niya binigyan ng pang aasar na tingin ang dalawang kaibigan.

Pumasok sa bahay si Scarlette saka agad na dumiretso kay Jake, binigyan naman ni Jake si Scarlette ng pizza.

Ilang oras na din silang nakikipag kwentuhan, kaya nang medyo inaantok ako ay iniwan ko na sila sa sala. Naalala ko ang mga regalong isasauli ko sakanila.

"Bakit mo sino-soli?" tanong ni Benjamin nang siya ang una kong lapitan. "Gumastos ako para bilhan ka ng regalo, palagay mo may warranty yan? Wala. Kaya huwag mo na isoli, same with the others. Baka akalain nila di mo naa-appreciate ang effort nila para sa iyo." aniya.

"Eh kasi, feeling ko hindi ko deserve ang mamahaling mga ganito." sambit ko.

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay, "Kung hindi mo deserve yan, edi sana hindi ka na namin binigyan in the first place. Nai-stress ako sayo Oh my goodness ka."

Ginabi sina Jay, Jake, at Benjamin dito sa amin, magluluto sana ng marami si Nanay for dinner pero ang sabi ni Jay ay umorder na daw sya ng Chooks to Go.

"Tita!" rinig kong sigaw ni Yeonjun sa labas. May kasama siyang isa pang matangkad na lalaki.

"Kuya?" si Benjamin.

"Oh? Bakit ka nandito, Benj?" tanong noong matangkad na lalaki.

Nagtatakhang tumingin si Yeonjun kay Steve. "Magkapatid kayo?"

Tumango iyong Steve, "Oo, hindi ko naman alam na magkikita kami sa iisang bahay." aniya. "Oh hello! Ikaw si Karen hindi ba? Lagi kang kinukwento ni Yeonjun sa akin- aray!" daing niya nang itulak ni Yeonjun sakaniya ang bolang hawak nito.

"Naku, Yeonjun anak! Dito na kayo kumain."

"Taga toduro ka?" tanong ko kay Steve.

Tumango siya, "Oo, kaklase ko itong balik diktoryan mong kaibigan." pang aasar niya, bumaling ito ng tingin kay Benjamin. "Lagot ka kay ate Mina hindi ka yata nagpaalam."

"Nagpaalam naman ako kay Kuya!" parang batang nagsusumbong si Benjamin.

Tumawa lang si Steve saka tumingin kay Jay, "Kailan balik ng pinsan mo? Yung ate mo laging bumibirit sa mga singing contest hindi man kami nananalo." aniya.

Madaldal.

Tumawa si Jay, "Wala eh, competitive silang dalawa ni Kuya ko."

"Ahhh kaya pala competitive ka din?" banat ni Benjamin sa kaibigan.

Tumawa si Yeonjun, "Magkapatid nga kayo!" turo niya kay Steve at kay Benjie. "Parehong mahilig mang asar."

Lalong umingay ang bahay dahil sa pagdating ng dalawa, nakipag shake hands sa akin si Steve habang ngumunguya pauwi saka nagpasalamat sa dinner. Kumaway si Nanay sakanila saka na pumasok sa loob, naiwan si Jay dahil sa bagal niyang maglakad.

"Bakit hindi kapa sumabay sakanila?" tanong ko. "Ikaw unang pumunta dito tapos ikaw din huling aalis?" tawa ko.

Ngumiti siya ng bahagya, "Benjamin might be right, Karen." sabi niya. "Baka nga competitive ako, lalo na sa iyo." aniya. "I'll do whatever it takes to win you. Just let me show you my love."

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon