xi.
Sa mahigit isang buwan na nagiging so called utusan, puppet, o kung ano man, ngayom palang ako nainis ng sobra kay Jay. Siguro naman may karapatan akong magalit dahil ipinilit niyang sumama ako? Sabagay may kasalanan din ako sa puntong sumama pa ako sakaniya.
Napakagulo, hindi ko man malaman kung saan ako pupunta at anong sasakyan ko.
Napatingin ako sa kabilang daanan kung saan nakita ko ang pormadong si Benjamin sa may tapat ng isang drug store, naka lean ito sa kaniyang Mercedes benz habang nagtitipa sa kanyang cellphone.
Tumawid ako para sana makiusap na ihatid ako sa amin o di kaya'y umutang. Mukhang galing sya sa isang shoot dahil napaka ayos ng pananamit nito, when I saw his Michael Korrs watch, he looks more attractive to me. Napatingin siya sa akin at nagulat,
"Ay pusa ng inaanak! Karen?!" aniya.
Napataas ang kilay ko dahil sinenyasan niya akong sandali lang at saka tinapos ang kausap nito.
"B-Bakit ka nandito?" he said. "Kanina ka...pa ba dito?" he sounds nervous.
Umiling ako, "Halos kararating ko lang, nakita kasi kita galing akong parking ng mall, iniwan ko si Jay."
Tumango siya sa akin, "I-Iniwan mo si Jay?" he asked again.
"What's wrong with you? Para kang nakakita ng multo ah? May tinatago ka ba Benjamin Park?" I grinned.
Umiling ito, "Nagulat lang talaga ako promise." aniya. "By the way, I gotta go dahil may pupuntahan pako-"
"Sandali!" Harang ko sakaniya nang maglakad na ito palapit sa driver's seat. "B-Baka pwedeng pakihatid mo muna ako...usapan kasi namin ni Jay ihahatid nya ako right after nung practice kaya lang nasira usapan namin eh." I pouted
He's just staring at me, "Gusto mo bang tawagan natin si Jay?" he said and start dialing Jay's number.
"Hinde!" Sigaw ko kaya napatigil ito.
He sighed, "Hindi kita maipagmaneho kung babalik pa ako, someone's waiting for me." he calmly said.
Ayokong mamilit pero hindi ko naman kayang maligaw sa may kalayuang lugar sa amin, kaya pinilit ko si Benjamin hanggang sa pumayag na ito.
"Saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka?" I asked habang nakatingin sa harapan kung saan siya na d-drive.
I'm on the passenger seat, he didn't allowed me to seat on the front seat dahil basta daw. Magulo din ang isang to eh, pero hindi naman ako makapagreklamo dahil nakikisakay lang ako.
"Hospital." maikli niyabg tugon.
I wanna ask if sino pero mukhang I'm crossing the line na if nangyari iyon, iniliko niya ang kotse saka ako naupo ng maayos.
"You know on monday, it's my birthday. Sambit ko, baka hindi ako makapasok." tawa ko. "Tulungan ko sina Nanay na maghanda ng mga pagkain para saming magpapamilya. I wanna invite you guys kaya lang, no offense ha...baka hindi niyo magustuhan iyon eh."
Benjamin chuckled, "Ano ka ba, nakakahiya nga eh kung makikikain pa kami sainyo. It's fine, Karen. Just enjoy your day on Monday. Gusto mo ng excuse ba? Si Jake at William na ang bahala sa excuse mo." Tawa niya.
Bumaba ako sa may poste ng kanto saka nagpasalamat kay Benjamin, he said to me na 'take care' before driving back sa pinanggalingan namin. Naglakad pako sa eskinita bago makarating sa daanan ng bahay namin. Ayokong dito kami dumaan dahil baka ma issue nanaman ako, lalo na't iba ang mga tao ngayon.
Dumiretso ako ng kwarto at nagpalit ng damit bago mahiga, it's a very tired and exhausting day for me. Dumating na si Tatay at Nanay galigng palengke at agad na nagluto ang mga ito para sa miryenda.
I laughed when I accidentally poured some icy on Nanay's cheeks, nakisama naman si Tatay sa kalokohan ko kaya naman naiinis na si Nanay dahil puno na ng icing ang mukha nito. Gumanti si Nanay at naglagay sa mukha namin ni tatay. Panay ang tili ko dahil hinabol kami nito. In the end, the three of us have icing on our faces.
Agad kaming naghilamos saka na nagpatuloy sa pagluluto. Lumabas si Tatay saglit saka bumalik, nguni't may kakaiba ng aura ang mukha nito, agad na nagseryoso.
"Kamille!" sigaw niya kaya agad akong lumapit.
"B-Bakit po, tay?"
Napatingin ako sa nasa likuran niya, ang pawisang si Jay, blanko na ang mukha ni Tatay habang nakatingin sa akin.
"May naghahanap sa'yo." aniya.
Nagmano si Jay kay Nanay, "Hello po, ako po si Jay. Schoolmate po kami ni Karen." aniya.
Tumango si Nanay at tumingin sa akin saka kay tatay. "Ah eh, pasok ka hijo." pinatuloy ni Nanay si Jay nguni't hindi pa ito pumapasok. "Hijo, pasok na."
"Ah hindi na po, dito na lang ako ako ma'am." sambit niya saka tumingin kay tatay na pinagmamasdan siya.
Hindi ko maiawat si Tatay lalo na't takot ako sakaniya. He's strict, ayokong maulit ang namgyaring tulad kay Jake-
"Pasok kana, hijo." sambit ni Tatay kaya nagkatinginan kami ni Nanay. Hinawakan pa nito si Jay sa balikat at agad na inalis, "Ay baka bawal kang hawakan?"
Umiling si Jay, "H-Hindi naman po sir."
Iginiya ni Tatay si Jay papasok ng bahay kaya malaking pagtatakha ang meron ako ngayon,
"Pasensya na po pala at hindi ko naihatid ngayong araw si Karen--"
"Ano ka ba, hijo ayos lang!" tawa ni tatay. "Buo pa naman siyang umuwi."
May weird kay tatay ngayon, he even talked a lot to Jay about me when I was a child. At halos naging magka vibes na silang dalawa ngayon. Anong meron sa dalawang ito at parang magtropa nalang ang tratuhan sa isa't isa.
"Ano ka ba! Wag na sir, tito nalang ang itawag mo sa akin."
Inihainan ko silang dalawa ng miryenda saka na lumabas upang pakainin si Scarlette, narinig at napansin kong sumunod sa akin si Jay.
"Paano ka nakauwi?" tanong niya. "I'm contacting you pero hindi mo sinasagot." aniya.
"Syempre may utak ako, Jay. Ginamit ko ang utak ko para makauwi. And sorry kasalanan ng cellphone ko kaya diko masagot calls mo kasi naka mute po." Irap ko sakaniya.
An awkward silence between us. He sighed bago pumasok sa loob at ilang segundo'y lumabas din. "Mauna na po ako."
"Balik ka, hijo." Ngiti sakaniya ni Tatay.
"Opo, tito."
Hinatid ni Tatay si Jay sa may daan saka humahagikgik na bumalik sa bahay, "Gusto ko iyong lalaking iyon, anak. Schoolmates lang ba talaga kayo?" tanong niya.
Dumaan ang linggo at nagsimula ng mag grocery si Nanay at Tatay, we even prepared some of the foods na. And when the night came, hindi agad ako natulog. I waited for twelve midnight, and closed my eyes.
"Happy birthday, Karen."
BINABASA MO ANG
Possessive You (Enhypen Series #2)
FanfictionJay Solarez Park, or Jongseong Park is a half Korean, half Filipino. He's the youngest son of the famous travel agency CEO, and the grandson of the CEO in an Entertainment Company in Seoul. Despite of being rich, Jay stayed humble and selfless. Alwa...