Magical 26

225 21 2
                                    

Ito ang pinakamasama at hindi inaasahang mangyari ni Juljen ngayong araw. Nasa mapanganib syang sitwasyon ngayon at lalo pang nadagdagan ng may pumasok sa eksena. Ito na nga ang sinasabi nyang madadamay ang mga taong malalapit sa kanya.

Napatayo si Juljen sa pagka-upo nang may malakas na puwersa ang humili papasok sa kay Teacher James sa loob. Kasunod nito ang malakas na kalabog ng pinto nang sumirado.

Nanatiling nakatayo si Teacher James na pinoproseso pa sa isipan ang nangyayari. "A-Anong?", hindi matatapos tapos ni Teacher James ang tanong dahil sa pagkabigla at hindi alam ang mga salitang idudugtong. Parang nawala lahat ng mga salita sa isipan nya.

"Ang iyo bang ibig sabihin ay kung anong naganap ngayon? Hindi mo na dapat iyon isipin pa ang isipin mo ngayon ay kung papaano mo iwasan ang iyong kamatayan", .

Mabilis ang sumunod na nangyari. Tumilapon ang kalaban sa pader at si Juljen ay nasa mismong harapan na ni Teacher James at nakahanda na sa susunod na hakbang.

"Interesante", natatawa nitong sabi kay Juljen sabay pagpag sa alikabok na dumikit sa suot na balabal galing sa wasak na pader dahil sa pagkasalpok nya dito. Dahil sa naging mabilis na kilos ni Juljen kanina na hindi agad naagapan nang kalaban ay tuluyan na syang tumilapon papunta sa pader. Huli nang malaman nito kung anong nangyari nang maramdaman ang pader sa likod nya.

"Kailangan ko munang umatras ngayon. Hindi pa ito ang tamang oras para magkaharap tayo sa seryosong laban pero wag mong kakalimutan ang babala ko sayo. Stay away of this matter, White magic User.", huli nitong sabi bago unti-unting naging itim na usok ang buo nitong anyo at tinangay nang hangin.

Napabuga nang hangin si Juljen nang tuluyan nang hindi maramdaman ang presensya ng kalaban. Lumingon sya kay Teacher James na ngayo'y nakatulala sa kanya.

"S-Sino b-ba ta-talaga kayo?! Ano ka ba talaga?!", kitang-kita sa mukha nito ang pagkalito sa nangyayari. Tinitigan si Juljen ni Teacher James sa mga mata nito at nabigla si Juljen nang mabasa kung anong laman nang tingin ni Teacher James sa kanya. Mga tinging HINDI SYA NITO KILALA. Para bang isa syang estranghero at higit sa lahat mga tinging nagpapahiwatig na isa syang HALIMAW.

Bago pa makapagsalita o makagalaw si Juljen ay tuluyan na syang tinalikuran ni Teacher James. Narinig nalang nya ang papalayo nitong hakbang. Napasandal si Juljen sa pader at napayuko. At dahang-dahang nalaglag sa mga mata nya ang mga luha. Naranasan nya na lahat nang pang-aasar at pang-aapi. Narinig nya na ang lahat nang masasakit na salita dahil sa pagiging kakaiba. Pero hindi pa naranasan ni Juljen ang mga tinging nagpapahiwatig na isa syang halimaw. Alam ni Juljen na kakaiba sya. Palaging syang nag-iisa at mabibilang lang ang pagkakataon na may kasama sya at nakakausap. Hindi pa nya naranasang magkaroon nang kaibigan dahil ang tanging naranasan lang nya ay kung paano sya  gamitin ng mga ito.

Kahit kaylan hindi nya pa naramdaman ang magiging normal. Yung walang responsibilidad na dapat isipin. Dahil simula bata pa sya ay nakatali na sya sa responsibilidad na protektahan ang mahihina at mga tao laban sa mga Black magic User.

Kaya palaging napapatanong si Juljen sa kanyang isipan sa tuwing makakasalamuha nya ang mga taong gumagawa ng kasamaan. Napapatanong  kung "Ito ba yung mga taong protektahan ko? Mga taong walang ginawa kundi gumawa rin nang mga bagay na kinakasama sa kanilang sarili',. Alam ni Juljen na walang perpekto. Alam nyang bawat isa ay nagkakamali kahit sila nga ay minsan nagkakamali pero sana man lang natuto sila sa pagkakamaling nagawa nila. Hindi yung paulit-ulit nalang.

Pinahid ni Juljen ang sariling luha at inayos ang sarili at sirang pader bago lumabas. Nadaanan ni Juljen ang office ni Teacher James. Sirado ang pinto nito pero nakabukas ang ilaw sa loob.

Nagdadalawang isip si Juljen kung kakausapin nya ba ito pero sa huli ay napagpasyahan nalang nyang hindi ito kausapin.

7: 00 Pm in the evening

Magical TeacherWhere stories live. Discover now