Nessa
"Daddy?", tawag nito sa ama nya habang ang daddy nya ay busy sa pagbabasa ng newspaper. Nasa likod sila ng bahay kung nasaan ang hardin nila. Umupo si Nessa sa upuang kaharap.
"What is it?", hindi sya binalingan nito. Busy ito sa pagbabasa ng newspaper na hawak. Tanggap na Nessa kung ganito ang galaw ng daddy nya. Wala na syang pakialam kahit malamig ang pakikitungo ng Daddy nya sa kanya. Wala ang ina nya ngayon dahil nagpunta ito sa abroad para asikasuhin ang negosyo nila doon.
"Ahm..Daddy. I want to buy a beach resort. Malapit lang sya dito. Mga tatlong oras lang biyahe.", nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa Daddy nya.
"Why? Aanhin mo naman yun? Papasok ka na ba sa Business?", nag-angat ito ng tingin sa kanya habang nakakunot ang noo. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Di nya lubos maiisip na sa murang edad ng anak nya ay papasok ito sa larangan ng negosyo kung tama ang kutob nya sa sinasabi nitong resort na bibilhin.
"Nope Daddy. I want a private resort. Gusto ko lang gawin iyong-----", tinaas ng Daddy nya ang kanang hintuturo para patigilin sya sa pagsasalita. Tinikom agad nya ang bibig ng makitang nilapag ng Daddy nya ang newspaper na kanina lang ay binabasa nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang naka-cross arm ito sa harap nya.
"You want a resort dahil gusto mo lang iyong gawing vacation place, tama?", tumango syang nakangiti pero unti-unting naglaho ito kasunod ng sinabi ng Daddy nya." No, Nessa and that's final.", seryoso nitong sabi sa kanya.
"What? But Why? Daddy? We can buy a private resort in just a minutes. We have a lot of money.", bakas sa mukha nya ang inis dahil first time syang tanggihan ng Daddy nya. First time itong hindi ibibigay ang gusto nya. Lahat kasi ng gusto nyang bilhin ay pumapayag ito kung hindi ay agad ibibigay. Walang silang problema sa pera kung iyon ang pag-uusapan.
"Yes. We have lot of money but let me tell you Nessa that not every time ay bibilhin namin ang gusto mo. Hindi ka nga nag -aaral ng maayos. Akala mo ba hindi namin alam ang pinaggagawa nyo sa mga Adviser nyo. I'm not tolerate that kind of attitude, Nessa. You know that but you continued.", kita nya ang pagkadismaya sa mukha ng ama nya para dito. Imbes na maintindihan ni Nessa ay sumama ang loob nya para sa ama nya. Tumayo sya mula sa pagkaa-upo nya at tiningnan ng masama ang ama nya.
"I. Want. A. Private. Resort. Dad! Kung hindi nyo ibibigay ay maglalayas ako at sisiguraduhin kung masisira ang pinaghirapan nyong magandang imahe. I swear.", pagbabanta nito sa Daddy nya at nakikipagtagisan ng matalim na titig. Tumayo ang Daddy nya at ngitngit ang ngipin na hinarap si Nessa.
"You Brat! How dare you to threatening me! I'm your Father and I have right to stop your useless move. And this one is Useless!", hindi nagpatinag si Nessa at hindi pinakinggan ang salita ng ama nya. Napahilamos sa mukha ang Daddy nya bago hinagis sa mesa ang isang credit card bago sya nito tinalikuran.
Pinulot ni Nessa ang credit card na may ngiti sa labi. Kahit kaylan hindi mananalo sa kanya ang Daddy nya. Ganyan sya ka desperada at lalong ganyan sya ka spoiled brat. Gusto nyang makuha ang lahat ng gusto nya.
Agad syang sumakay sa kotse nya at pinaharorot ito papunta sa lugar kung saan ang private beach resort na bibilhin nya. Nakangiti syang nagmamaneho at tinigil muna ang sasakyan ng makita ang pulang traffic light.
Juljen
Hindi lubos maisip ng babae na ganyan na lamang kamahal ni Nessa ang pera. Napatanong nga sya sarili nya na 'Is money more important than family?' napapailing sya at nag-isip ng plano para turuan ng leksyon ang estudyante nya. Si Nessa. This behavior that money is more important than his family is what Juljen hates even more. Dahil kahit kaylan ay hindi nya nagawang baliwalain ang pamilya.

YOU ARE READING
Magical Teacher
RandomMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...