Magical 31

103 9 0
                                    


"Calling the attention of Ms. Gerlie, Mr. Dhevis, Mr. Rhenz, and Mr. Nito. Please proceed to Principal office. ASAP", maririnig sa buong campus ang pangalan ng apat na estudyante na binanggit sa speaker. Hindi na iyon pinagtataka ng lahat dahil balitang-balita na ang ginawa ng mga ito.

May plano pa sanang hindi pumunta ang apat pero hindi pa nga sila nakakalabas sa pinto ay ramdam na nila ang madilim na aura mula sa guro nilang hinihintay sila sa labas.

"Wag nang matigas ang ulo kung ayaw nyong gagamit pa ako ng pwersa para dalhin kayo doon.", matigas na banta ni Juljen sa kanila. Gustuhin man nilang umayaw pero hindi nila magawa dahil alam nilang totohanin ng kanilang guro ang banta nito.

Naglakad sila papunta sa principal office ng walang umimik sa kanilang lima. Pagpasok nilang lima sa loob ay sumalubong sa kanila ang mabigat na tension. Mga matatalas na tingin galing sa magulang at mga nakaaway ng mga ito.

Hindi pa nga nakaupo si Gerlie ay mabilis syang sinugod ng sampal ng isa sa mga magulang ng nakaaway nito sa drama club. Tumabingi ang ulo ni Gerlie sa kabila dahil sa lakas ng sampal na natanggap nito. Agad namang pumagitna si Juljen na nabigla rin sa nangyari.

" Huminahon po muna kayo Ma'am", napatayong sabi ni Principal William.

"Huminahon?! Tingnan mo ang ginawa ng babaeng iyan sa nag-iisang babaeng anak ko!", galit nitong sabi sa Principal.

"At wala man lang kayo ginawa?! Anong klaseng paaralan to?!", sigaw rin ng isang magulang.

"Umuwi ang anak kung may kalmot sa mukha nya at leeg. Inaalagaan namin ng mabuti ang balat ng anak namin kahit nga lamok ay hindi namin pinapadapuan tapos kakalmutin lang ng ganon-ganon?!", inis ring reklamo ng isa sa mga magulang.

"Principal William gusto namin ngayon din mabigyan mo ng parusa sila. Walang ginawa ang anak kung lalaki pero tingnan mo kung anong inabot nya sa kamay ng gagong to!", reklamo rin ng ama ng estudyanteng sinugod ni Nito.

"Hindi lang yan masama rin ang dala nilang empluwensya sa mga anak namin. Pinaaral ko ang anak ko dito sa paaralang ito para mag-aral dahil may tiwala ako sa paaralang ito. Akala ba namin mahigpit ang mga patakaran nyo dito pero bakit nasilihan kayo?!", malakas na reklamo ng isa sa estudyanteng nakasama nila Dhevis at Rhenz sa inoman.

Maririnig sa buong sulok ng opisina ang bawat reklamo tungkol sa naganap. Alam naman nila Rhenz na ang gusto lang ng mga ito ay paalisin sila sa paaralan. Iyan lang naman talaga ang gusto ng mga ito noon pa man.

Pero biglang napatigil ang lahat at tumahimik ang paligid ng marinig mula sa isang sulok ang isang halakhak. Napatingin ang lahat doon at napagtanto nila na nanggaling ang halakhak na iyon mula sa isang estudyanteng nireklamo. Si Dhevis.

"Anong  nakakatawa?!", magkasalubong ang kilay na tanong ng isa sa mga magulang.

"Are you complaining about what we did? But you don't complain about what other students did to your child? So, did you unite just to get us out?, napanganga at hindi nakasabat ang mga taong naroroon sa loob ng opisina."Are you complaining Mister about school policy? It is easy for you to forget that you also ruined the policy", seryoso at buo ang loob na sabi ni Dhevis sa lahat.

"Anong gusto mong palabasin, bata?!", agad kinuwelyuhan ng isang magulang si Dhevis pero hindi nagpatinag ang binata.

"Ang patakarang sinabi nyo ay matagal ng Wala. Matagal ng bumagsak kaya wag nyo kaming pagsalitaan na para bang alam na alam nyo kung anong merong klaseng patakaran ang paaralang ito", mabilis tinanggal ni Dhevis ang kamay na nakakapit sa kwelyo nya.

"Hindi nyo ba naalala ang mga mukhang pinagkaisahan nyo? O baka nagkunwari lang kayo?", nakangising  tinitigan ni Rhenz sila. Hindi naman makatingin sa kanya ang mga ito.

"Nakapagdesisyon na ako", singit ni Principal William. Nabaling naman sa kanya ang tingin ng lahat. " Gerlie, Dhevis, Nito at Rhenz, kayong apat ay may 1 week suspension at may detention kayo ngayong Saturday at may kasama pa yang parusa. Okay na ba ito sa inyo Mr. and Mrs. ?", Sabay napatango ang mga magulang bago nasipag-alisan ang mga ito habang may mga ngisi sa labi.

Ilang sandali pa ay mabilis ring lumabas ang apat na makikita sa buong mukha ang galit. Hindi naman pinalagpas ni Dhevis ang trash bin sa gilid dahil mabilis nya itong pinagsisipa. Tumigil lang ito ng kapusin sya ng hininga. Ang kaninang maayos na basurahan ay tuluyan ng hindi makilala dahil sa pagkayupi nito.

"Pagod na akung makinig sa mga paratang nila! Naiinis na ako!", sigaw ni Dhevis na umalingawngaw sa buong hallway ang boses nya.

"You are not the only one who gets tired. We too, Dhevis but what can we do? ",mapabuntong hininga ring komento ni Gerlie.

"Minsan naiisip ko na ngang sumuko sa pagtatanggol sa sarili ko.", madamdaming ani Rhenz.

"Sinong susuko?", Nalipat ang atensyon ng apat na estudyante sa taong nagtanong na walang iba kundi si Juljen.

"Sabihin mo agad kung anong kailangan mo? Bigla ka nalang sumusulpot kung saan", walang ganang tanong ni Nito sa guro.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na wag kayong gagawa ng gulo na lalo nyong ikakapahamak at ikakabagsak. Mas lalo lang kayong madidiin sa bagay na hindi nyo ginawa kung magpapatuloy ang ganitong pakulo nyo", paalala ni Juljen bago tumalikod sa kanila.

Nakakailang hakbang pa lang si Juljen ng magsalita si Dhevis. "Anong ibig mong sabihin? Wala ka namang alam sa nangyayari pero nagmamagaling ka!",

"Wag kayong gagawa ng gulo kung hindi nyo kayang solusyonan", At nagpatuloy sa paglalakad palayo si Juljen sa kanila.

"Ako lang ba O imahinasyon ko lang na nagmamalasakit sya sa atin. ", makahulugang ani Rhenz.

"Wag mo nalang isipin yan. Mas lalo mo lang pinapaasa ang sarili mo sa isiping iyan. Masasaktan ka lang pag malaman mong wala talaga yang pakialam sa atin",  Dhevis.

"Tama. Isa lamang syang weirdong guro. At peste sa buhay natin. Wala namang kakaiba sa kanya. Imahinasyon mo lang yan", komento rin ni Gerlie.

"Hangover ka lang, Rhenz at saka kailan kapa nagkaroon ng pakialam sa ginagawa nya.", sulsol rin ni Nito sa kaibigan.

"Sabi ko nga", sang-ayon rin nito sa lahat.


Please:

⭐- VOTE

And

💬- COMMENT

Magical TeacherWhere stories live. Discover now