A red sports car speeds up on a highway. Following its fast running was the rumor of a Siren. A sound that came from the law. The police car. It chases ahead a fast red sports car. He exceeded the speed limit and the police also suspect that he was drunk because he was not afraid to break the law and had an accident.
Nilabas ng driver ng sports car ang kaliwa nitong kamay sa bintana ng sasakyan nito at isang middle finger ang pinakita sa humahabol na Police. Nainis naman ang police sa ginawa nito kaya tumawag ito ng isa pang back up para harangin ang lapastangan na driver na lumabag sa batas.
"Yohoooo!", isang sigaw at halakhak ng driver ang narinig pa ng mga ito. Natutuwa ito dahil sa nararamdamang excitement na hatid ng mga pulis na humahabol. Mas lalo itong ginanahan sa pagmamaneho sa ganung ka bilis ng makitang desidido ang mga pulis na mahuli sya.
Isang ngisi ang kumawala sa labi ng driver ng sports car ng makita sa unahan ang isang daan napapaliko. Isang mabilis at halos umangat na ang kabilang gilid ng sport car nito dahil sa biglaang pagliko nito. Sinundan naman sya ng pulis kaya humalakhak syang muli. Hindi na sya natatakot sa aksidenteng mangyayari. Wala rin syang balak magpahuli sa mga parak.He's really drunk. Namamawis na rin sya sa init at hilo na hatid ng dalang bote ng alcohol na nasa passenger seat. Inabot nya ito at kahit sa huling patak nito ay sinuyod nya.
Wala naman syang problemang kinakaraharap mas gusto nya lang maghanap ng pagkaabalahan at exciting. Kanina pa nya ito pinag-iisipan kung anong gawin para mawala ang boredom nya. Hindi sya sanay na walang ginagawa. At lalong hindi sya sanay gawin ang bagay na walang ka excite-excite.
He continue drive fast ngunit bigla nyang inapakan ang break ng biglang isang liwanag mula sa isang sasakyan ang bigla na lamang nag-ilaw sa unahan. Mahigpit at halos lumabas na ang ugat sa braso at leeg nya para pigilan ang pagsadsad patungo sa sasakyang nasa unahan. Napahilamos sya sa mukha ng makitang isang metro nalang ang layo ng unahan ng kotse nya at ng sasakyang nasa unahan.Malakas nyang hinampas ang manobela nya sa inis. Napakagat sya sa ibabang labi nya dahil sa napagtantong wala na talagang syang kawala ng makita ang nasa unahang kotse. Napahilamos syang muli dahil sa frustration.
Napalingon sya ng makita ang papalapit na police car na kanina'y nagkiki-pagkarerahan sa kanya.Nang makahinto ito sa likod ng kotse nya ay bumaba ang isa sa kanila at kinatok ang bintana at senenyasan syang bumaba. Inayos nya ang sarili at binuksan ang pinto ng kotse bago bumaba.
Nilapitan sya ng pulis at pailing-iling ito. "I'm chief Ramirez.", nilahad nito ang kamay pero tiningnan nya lang ito at hindi tinanggap. Mukhang napansin ng pulis na wala syang balak tanggapin iyon kaya binawi ang kamay mula sa pagkalahad. "Hindi ko akalaing ganito ka bata ang nagmamaneho nito", binalingan ang loob ng sasakyan nya na ngayon ay ininpeksyon ng kasamahan nito."Bata ilang taon kana? At anong pangalan mo?", napaikot sya sa mata nya dahil sa pagtawag sa kanya ng bata.
"Dhevis Orion, 19", inis nyang turan kahit kinakabahan na sya sa mangyayari. He knows the law and the punishment if he is caught, especially since he is driving drunk.
Hindi lang talaga nya inaasahang mahuli sya ngayon. Patay sya sa parents nya lalong-lalo nasa Daddy nya kung sakaling malaman ang nangyari ayaw pa naman nitong mabahidan ang pangalan dahil may plano itong pumasok sa politika."Oh..So You're the Son of Mr.Orion. Tsk! Sigurado akung papagalitan ka ng magulang mo dahil sa nangyaring ito. Pasensya na bata kahit kilala ko ang ama mo hindi parin kita maaaring pakawalan Because you break the laws. Sumama ka sa amin sa presento", bilang pagkilala sa ama nya ay minabuting hindi na sya lagyan ng posas sa mga kamay.
Pasakay na sila sa police car ng biglang may mabilis na huminto sa gilid nila na isang kulay blue na Ferrari. Nagtataka syang nakatingin dito dahil sa pagkakatanda nya wala syang tinawagang kaibigan O kamag-anak para ipaalam ang nangyari at lalong hindi nya nakita ang pulis na kaharap kanina na nag-utos para tawagan ang magulang nya. So, Sino ang taong nakasakay sa Ferrari?...
Kung tutuusin rin kung magulang nya man nakasakay dito ay imposibleng Ferrari ang dadalhin nito. At lalong imposible dahil wala syang kakilalang may kulay Blue na Ferrari at take note na itong Ferrari sa harapan nya ay ang newest edition. Kalalabas palang nito sa shipping nationwide. Kaya mas lalong nangunot ang noo ni Dhevis ng bumakas ang pintuan ng Ferrari. Napatitig sya dito ng lumabas ang maputi at makinis na binti na nakasuot ng white stilettos. Nang tuluyang lumabas ang babae ay napalunok si Dhevis ng tatlong beses habang nakatingin sa babae. Nasa 20's na ito at hindi mapakailang dyosa na ang kaharap nila. Nakasuot ito ng kulay puting damit na lumagpas sa tuhod nito. Hindi kahapitan pero masasabi mong sexy ito.
He turned to his fellow policemen as they fell silent. Like him, it also shocked the woman who got out of the Ferrari. An unknown woman but with a goddess face.
"Ahem!", napatikhim ang babae kaya nabalik sa ulirat ang lahat. Napatikhim rin ang ibang mga pulis at inayos ang sarili. Mahinhing ngumiti ang babae sa kanila kaya halos atakihin na sa puso ang mga ito ng makita ang nakakalusaw na ngiti nito.
"Excuse me po..Pwede ko bang makausap ang brother ko?", nakangiti nitong tanong sa kanila. Pati boses nito ay masarap sa pandinig.Chief Ramirez tapped Dhevis on the back that he agreed to talk to the woman who introduced herself as his sister.Kumalabog ang puso ni Dhevis habang nakatitig lamang sa mukha ng babae. Pero na disappoint sya ng pinakilala ng babae ay kapatid sya nito. Ano ba dapat ang ipakilala ng babae sa kanya?. Winaksi ni Dhevis ang naiisip.
Hinila sya ng babae palayo ng kaunti sa mga pulis na nakatitig sa kanila. Mukhang nawala ang pagkalasing nya ng hawakan sya ng babae sa braso ng hinila sya nito.
"Okay..Mr. Dhevis, nandito ako para iligtas sa kahihiyan ang pamilya mo. Masyadong mabait ang Mommy mo kaya tutulungan kita", diretsong sabi nito at titig na titig sya sa mukha nito na agad namang napansin ng babae. He's back in reality when the girl snap her finger in front of his face. Napailing sya at naiisip na nahihibang na sya.
"Like What I have said while ago, I help you dahil gusto ko lang ibalik ang kabutihang tinulong nya kaya wag kanang magtanong kung kailan Or Whatsoever. Just Drink it", inabot sa kanya ng babae ang isang kulay asul na nasa loob ng maliit na bote. Nagliliwanag ito.
"Ano to? Wait nga lang.. Sino ka ba?----", magsasalita pa sana sya ng hinarangan ng babae ang labi nya ng daliri nito. Iba talaga ang epekto sa kanya ang bawat galaw ng babae. Pero para sa babae ay walang malisya ang ginagawa nya. Gusto lang nya talagang tulungan ito.
"Stop asking! Just drink it!", naiiritang turan ng babae sa kanya. Hinablot ng babae ang glass tube na kasing laki lang ng daliri. Binuksan nya ang takip ng glass tube at binalik sa kay Dhevis. Dhevis smelled it and without hesitation drank it because it smelled like candy. Kung ang amoy nito ay parang candy, kabaliktaran naman ang lasa nito.Mapait ito kasing pait ng katas ng pinigang ampalaya.
Napaubo-ubo si Dhevis sa pait. Umalis sa harapan nya ang babae at lumapit sa mga pulis. Nilingon nya ito habang napapalonok dahil parin sa pait.
"Sleep", narinig nyang mahinhin nitong bulong sa hangin. He was shocked when the policemen suddenly fell to their feet. The woman returned in front of him."Umalis kana. Wag kang mag-alala natutulog lang sila , magigising rin sila mamaya, And yang pinainom ko sayo ay para yan makalimutan ka nila at mawala ang lasing mo", sumakay na ang babae sa kotse nito at mabilis na pinaharorot ang kotse palayo sa lugar na iyon. Natulala at hindi nag sink in sa utak nya ang sinabi ng babae.
Maya-maya pa ay napansin ni Dhevis na gumaan ang pakiramdam nya. Parang nanumbalik ang lakas nya at nawala ng tuluyan ang pagkalasing at pagkahilo. He immediately got in his sports car and left the place despite the weird things happening. Kinumbinsi nalang nya ang sarili na dala lang siguro ng kalasingan nya ang mga nangyayari.
A/N: Asahan nyong malimit na akung magpost.. Magsusulat pa Author nyo..
YOU ARE READING
Magical Teacher
RandomMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...