"Bakit?", nakangisi nitong tanong at rumampa pabalik sa kay Juljen. Base sa parampa nito mukhang inaasar pa sya ni Gerlie.
"May nakalimutan ka atang sabihin sa akin",
Napakunot ang noo ni Gerlie at tumingala at umarteng nag-iisip. Kahit ano pang gawing pag-arte ni Gerlie sa harapan ni Juljen ay hindi nito maitatago ang binabalak na inisin sya.
"Huh, Wala naman akung na remember. ", sagot nito habang sinasalubong ang tingin ni Juljen.
Siguro kung isa lamang ordinaryong babae at hindi marunong magbasa ng kilos at expression ang tulad ni Juljen ay talagang hindi nya malalaman ang tunay na pinapakitang kilos ni Gerlie.
Magaling si Gerlie sa pag-arte dahil palagi itong nakakatanggap ng ibitasyon mula sa isang direktor ng theater sa paaralan. Pero sa kaso nya ngayon ay hindi nya matatakasan ang magaling na pagbasa ni Juljen sa ginagawa nyang pag-arte.
"What I mean is hindi ka lang ba hihingi ng despensa, pasensya at tawad sa pagbangga mo sa kotse ko. ", diretsong sabi ni Juljen at pinatiling seryoso ang mukha.
"Why me?! Its not my fault naman because you lagay-lagay that ugly car in my parking space! It's your fault not me!", maldita nitong sabi habang nakatingin ang mata nitong handang makipagsukatan ng tingin kay Juljen.
" Kahit na, kasalanan mo man O hindi ay kailangan mo paring humingi ng pasensya. Sa katunayan nga sa nangyayari ngayon ay alam kung sinadya mong banggain ang kotse ko.",
Napasinghal si Gerlie. Ang kaninang inosenteng mukha ay napalitan ng inis. Inisang hakbang ni Juljen ang pagitan nila ni Gerlie. Pinatong nya ang kamay sa balikat nito at nilapit ang bibig sa tenga ni Gerlie.
"Hindi pa talaga kayo nagtanda, ano?!. Wag kayong mag-alala hindi ko kayo pipilitin mag take ng Quiz but always remember that I'm your teacher at wala kayong magagawa kung ibabagsak ko kayo.", Matapos sabihin iyon ni Juljen ay mabilis namang tinapik ni Gerlie ang kamay na nakahawak sa balikat nito.
Wala namang nakitang kahit kaunting pagbabago sa seryosong mukha ni Juljen ng titigan sya ng matalim ni Gerlie habang papaalis.
Pagdating ni Juljen sa loob ng classroom ay magkasabay na tiningnan sya ng estudyante nya ng matatalim na mga mata. Batid ni Juljen kung bakit matatalim ang mga tingin ng mga ito sa kanya dahil sa planong hindi nagtagumpay laban sa kanya. Hindi nalang iyon pinansin ni Juljen at hinarap ang klase.
"Get 1 whole sheet of paper. Magsisimula na tayo sa Quiz. Lahat ng itatanong ko ay baka lalabas sa Examination nyo. Alam nyo naman sa isang taong pag-aaral nyo ay may apat na exam na magaganap at sa susunod na thrusday at friday ay ang una nyong examination.", pagtatapos ni Juljen sa dapat sabihin.
Nabaling ang atensyon ng lahat ng may pumasok. Isang matalim na tingin ang natanggap naman ni Juljen kay Gerlie. Sya ang pumasok sa classroom. Diretso itong umupo at tinitigan sya. Iniwas nya ang tingin kay Gerlie at binalewala ang titig nito.
"Magsimula na tayo",
Mabilis lumipas ang sampung minuto. At marami sa estudyante ni Juljen ang nagreklamo kasi 'Daw wala ito sa leksyon'. 'Wala daw sa topic'. 'Hindi daw napag-aralan'. Imbes pansinin ang mga reklamo nito ay tuloy-tuloy lang si Juljen sa pagbibigay ng tanong.
"Sandali lang. Wag mo namang bilisan!", reklamo ni Rhenz.
"Naiinis na ako! Ano bang sagot nito! Wala naman akung naalala tungkol sa tanong na ito", segunda pa ng isa.
"Ano naman ba to ang hirap ng tanong! Wala ba dyang madali?!", inis na turan ni Nito habang sinisipa ang upuang harapan.
"Anong klaseng tanong ang mga ito?! Pang higher level na ito e!", inis na binato ni Nessa ang ballpen sa sahig.
Napabuntong hininga si Juljen at napahawak sa sentido ng sumakit ang ulo nya sa ingay at reklamo ng klase. Kahit pala sampo lang ang mga ito ay hindi parin maiwasan ni Juljen na magkaroon ng problema sa mga ito. Sa bagay noon pa man talaga ay problema na ang mga ito.
Kringgggg!!!
"Sa wakas at tapos na rin!", magkasabay na sigaw ng lahat. Pati si Juljen ay nakikisigaw narin sa isip.
"Pag-aralan nyo ang susunod na aralin para wala ng lumalabas na reklamo galing sa inyo. Nahiya naman ako sa inyo", huling sabi ni Juljen bago lumabas.
Kether
Nanatiling nakaupo si Kether sa upuan nya at hinayaang maunang umalis ang kaklase.
"Kether wala kabang balak lumabas?", tawag pansin sa kanya ni Allan.
"Mamaya na ako", sagot nya at hinayaang lumabas ang lahat. Hindi nya alam pero pakiramdam nya lahat ng nangyayari sa loob ng classroom at labas ay may kinalaman doon ang guro nila.
Ngayon lang muling gumana ang pagkamausisa nya. At sa ganitong kalagayan ng pag-iisip ni Kether ay hindi nya madaling makalimutan ang pakiramdam na may kakaiba. Hindi mo matatakasan kung umabot nasa punto ang kuryusidad ni Kether. Dahil gagawin nya ang lahat mapatunayan lang ang mga naiisip nya.
Sa ngayon isang imbestiga ang nabuo ni Kether para malaman kung talagang may kakaiba sa guro nila. Ilang beses nyang pinag-iisipan ito at ilang linggong kinukumpirma ang hinala ngunit sa kasamaang palad ay wala syang nakitang kakaiba sa kilos ng bago nilang guro.
"Masyado syang maingat O di kaya masyado lang akung nag-iisip", napasabunot sya sa sariling buhok. Kailangan nyang makumbinsi ang sarili na walang nangyaring kakaiba ngunit kahit anong gawin nya ay hindi madaling mawala ang paghihinala sa isipan kaya pumasok sa isip nyang mag-imbestiga sa guro nila.
"Kahit anong mangyayari ay gagawin ko ang lahat mapatunayan lang ang hinala ko", wala sa sariling sambit ni Kether. Wala syang pakialam kung napalakas ang pagkasabi nya total nag-iisa naman sya ngayon sa loob ng classroom.
"Bakit ano bang hinala mo?", biglang may nagtanong kay Kether.
"Ang hinala ko kasi ay may kakaiba sa bagong guro natin", sambit ni Kether na may pagmamalaki sa boses nya.
"Talaga?", tanong nito ulit..
"Talagang talaga! Humanda yang pangit nating titser!",
"Sige! Aasahan ko yan",
"Makakaasa ka. Teka nga lang kanina ka pa-----", hindi na natapos ni Kether ang dapat kasunod na sasabihin ng lumingon sya sa likuran at malaman kung sino ang kausap nya." T-eacher U-Ugly?!", naiwang nakabukas ang bibig nya habang sinusundan ng tingin ang guro nilang papunta sa harapan. Napapalunok sya at naglaglagan ang pawis nya sa noo kahit nakabukas ang aircon ng classroom. Ganoon nalang ang kaba nyang nararamdaman habang tinatanaw ang guro nila sa harapan.
"Bakit parang nakakita ka ng multo dyan?", tanong ni Juljen habang hindi parin nakabawi si Kether.
"Ha ha ha", pekeng tawa nito at mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ni Kether palabas ng classroom. Nabangga pa nga nya ang kaklase nyang papasok sa loob.
Naiwan namang naka-smirk si Juljen sa classroom at hindi mapigilang magkaroon ng pagkawili sa plano ng batang estudyante.
"Let's see Kether, kung magagawa mo bang alamin ang tunay kung pagkatao", isang interesanteng ngiti ang nabuo sa labi ni Juljen habang nakatingin sa upuan ni Kether.
Magagawa kaya ni Kether? Makakaya kaya nya? Hanggang saan?

YOU ARE READING
Magical Teacher
RandomMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...