∆ This chapter dedicated to: AthenaAngelKateSmith and Janine0506 for being my active readers..Enjoy Reading ❣Sa unang ginawa pa lamang ni Juljen bilang guro sa mga estudyante nya ay nagsisimula na syang ipakita ang pagkakamali ng mga ito.
Gusto nyang turuan ito ng mga leksyon. Simula palang ay ito na talaga ang gusto nyang mangyari. Tuturuan nya ng sampong Moral lesson ang Sampong estudyante. Gusto nyang alisin ang galit at kasamaang nasa puso ng mga ito. Hindi lang yun dahil may iba pa syang dahilan O mission.
"Good Morning Class!! How's your day?", tanong nya pagpasok palang. Hindi sya sinagot ng mga ito kaya nagkibit balikat lamang sya. "Our lesson for today is..", nagsimula syang mag discuss pero walang kahit isa ang nakinig sa kanya imbes ay nagbatuhan pa ito ng mga papel na ginawang bilog.
Huminga sya ng malalim at hinayaang magbatuhan at magkatuwaan ang mga ito. Hindi nya maitago ang disappointment sa mukha habang binabasa at pinapaliwanag ang topic. Napatigil sya ng may tumamang ball of paper sa mukha nya.
Umangat sya ng tingin at isang dosenang papel ang sumalobong dito. Sinangga nya ang mga ito gamit ang braso at mga kamay ngunit pinagbabato parin sya ng mga estudyante.
"Enough!", hindi nya napigilang sigawan ang mga estudyante. Napatigil at nagkatinginan ang mga ito ngunit pinagtatawanan lamang sya.
"Batuhin sya!", hinarang nya ang braso sa mukha nya para hindi tamaan. Patuloy syang pinagbabato hanggang sa mapagod ang mga ito. Tiningnan nya ng masama ang mga estudyante pero isang malaking bola ng papel ang tumama sa noo nya kaya napaupo si Juljen.
"Nice shots!!", tawanan nila. Tumayo sya at pinagpagan ang paldang suot habang walang emosyong nakatingin sa estudyante nya.
"Moral Values # 3: Respect Others", pagkatapos nya iyong sabihin ay pinitik nya ang daliri at tumigil ang takbo ng oras sa loob ng classroom. Kung ano ang huling pwesto ng mga ito ganun rin ng tumigil ang oras. Si Juljen lamang ang nakagalaw sa loob ng classroom.
Inayos nya ang sarili at huminga ng maraming beses para pakalmahin ang sarili. Hindi nya dapat hinahayaang magalit at ma stress sa mga estudyante nya.
Sumandal sya sa lamesa nya paharap sa klase. Pinitik nyang muli ang daliri at dumaloy muli ang takbo ng oras. Narinig nyang muli ang tawanan ng mga ito.
"Class I have 10 moral values that you need to learn..", natahimik ang klase ng magsalita sya. Natigil sila sa kakatawa.
"Why do we need to learned about your 10 Moral Values?", natatawang komento ni Jolly sa kanya. Napayuko si Juljen at tinantya kung ano ang sunod na sasabihin.
"Because You need to Learn it. Bar. Lalaki. Pocket knife. Mystery girl. Do you know about that, Jolly? Do you remember it?", nanlaki ang mata ni Jolly. Nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Sa isip ni Jolly ay parang naulit ang nangyari sa nakaraang gabi. Nanlamig sya at pakiramdam nya ay muli syang bumalik sa lugar na iyon at pangyayari. Naguguluhan rin sya kung bakit alam ito ng guro nila pero mas naguguluhan ang kaklase nyang walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Hey! Jolly Girl!", tinapik sya ni Kether kaya napapitlag sya at napatingin sa buong klase at huminto ang tingin nya sa kay Juljen. "Alam mo ba kung ano ang sinasabi nya?", hindi pinansin ni Jolly ang tanong ni Kether. Tumayo sya na pinagtataka ng kaklase nya.
"How did you know that?!", hindi nya pinansin ang pagtawag sa kanya ng classmate nya. Nakatuon lamang kay Juljen ang paningin nya. Hinila sya ni Gerlie paupo ngunit tinabig nya lang ang kamay nito. Nanginginig sya habang nakatingin sa kay Juljen. Nanginginig sya dahil sa takot na mangyari ulit iyon at galit para sa guro na pinaalala ang nangyari. Inaamin nyang kasalanan nya parin kung bakit yun nangyari sa kanya. She's being careless that time pero hindi ba pwedeng wag ng ipaalala sa kanya ang nangyari?.
"Hey, Bitch! Anong pinagsasabi mo? Anong ginawa mo sa kanya?", hindi mapigilang tumayo ni Nessa at makisali. Aakma nyang susugurin ang guro nila ng maramdaman nyang hindi na sila makagalaw tanging si Juljen lamang at Jolly.
"Like what I have said: 10 Moral Values ang kailangan nyong malaman. 10 Moral Values
Moral Values # 1: Unconditional Love and Kindness
Moral Values # 2: Honesty
Moral Values # 3: Respect Others
Moral Values # 4: Forgiveness
Moral Values # 5: Adjusting and Compromising
Moral Values # 6: Helping Mentality
Moral Values # 7: Cultivate Love for Education.
Moral Values #8 : Hard Work
Moral Values # 9: Cooperation
Moral Values # 10: Family ", umabante si Juljen at naglakad sa harapan ng bawat isa sa kanila.
"If you learned that 10 Moral Values pwede nyo na akung paalisin. Nandito ako hangga't kailangan nyo, Aalis ako kapag hindi nyo na ako kailangan. For Jolly my answer to your Question, alam ko ang lahat ng nangyayari sa inyo", makahulugang wika nya sa estudyante nyang naguguluhan.
Pinitik nya ang daliri sa ere. Lumukob ang tunog nito sa buong katahimikan. Muling sinubukang humakbang ni Nessa at hindi sya makapaniwalang nakagalaw na syang muli. Napatingin sya sa guro nila. Tinitigan nya ito sa mga mata pero hindi nya makita kung anong hinahanap nya. Hindi rin nya alam kung ano ang hinahanap nya. She feel uneasy.
"Oh shit! Feeling ko hindi ako gumagalaw kanina", napalingon si Nessa kay Rhenz. Napagtanto nyang lahat sila ay hindi makagalaw maliban sa kay Jolly at Teacher nila.
"Ako rin", sabay sigaw ng iba. Napatingin sila sa guro nilang sinusubaybayan ang bawat galaw nila. Hindi ito umimik kaya nahihiyang bumalik sa upuan si Nessa at hinila si Jolly paupo.
Hindi mapigilang mapaluha si Jolly ng maalala iyon. Naisip nyang kung hindi dahil sa babaeng iyon ay baka kung anong nangyari sa kanya na masama. Napaangat sya ng tingin sa guro habang pinupunasan ang sariling luha. Nagtama ang mata nila at iisa lang ang nasa isip nya.. Sino ang gurong ito?.
"Who are you?", nabaling ang lahat nilang atensyon kay kether. Seryoso itong nakatingin sa guro nila. Mukhang ito na ang nagsabi kung ano ang tanong naiisip ni Jolly kanina lang.
"Remember the day that I warned you? 'Be kind to me if you don't want to know what I'm capable of", misteryosong sagot ni Juljen kay Kether na seryoso ring nakatingin sa kanya."Class Dismiss", kinuha nya ang aklat na ginamit at nilisan ang classroom.
Sinundan naman nila ng tingin ang guro nilang papalabas. Natahimik sila at hindi makapaniwala sa misteryong nababalot sa Teacher nila.
Unknown..
"Anong balitang dala mo?", tanong nito habang nakatingin sa babaeng nasa harapan nya at nakaluhod. Sumimsim sya ng alak sa kopitang hawak.
"Master..Ang sampong mga batang nasa Central high ay unti-unting nabawasan ang spell na nakabalot sa puso nila. Unti-unting silang nahihila sa liwanag", agad nabasag ang kopita nitong hawak dahil sa narinig. Binalingan nya ng masamang tingin ang nasa harapan. Yumuko ito upang hindi magtama ang nakakatakot nitong titig.
"Ayusin nyo ang trabahong pinapagawa ko!!! Kailangan ko ang galit nila sa puso! Kailangan ko ang kasamaan nila! Gawan mo ito ng paraan!! Wag kang tutunganga lang dyan!", hindi nya mapigilang lumabas ang itim nyang mahika. Binalutan ang katawan nya ng itim na usok. Naipon ito sa kamay nya at binato sa kawawang nilalang sa harap nya. Tumilapon ito sa pader at napasuka ng dugo.
"Master! Patawad! Gagawa ako ng paraan para muli silang lukubin ng galit. Papalabasin ko ang kasamaan sa puso nila", yumuko at lumuhod itong muli at ininda ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkatama ng likod sa pader.
"Umalis kana baka mapatay pa kita!", agad itong naging usok at lumabas sa bintana ng kwartong pinanggalingan.
Nangitngit naman ang ngipin sa galit ang kausap. Hindi nya alam kung sinong lapastangan ang sumisira sa plano nya.
Comment , Vote and Share..😇

YOU ARE READING
Magical Teacher
LosoweMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...