Magical 24

220 26 1
                                    

Binalik naman ng lahat ang paningin nila sa  test paper. Mahahalata sa kilos at expression nila na nahihirapan sila sa pagsagot sa bawat katanongang nakapaloob sa test paper. 'Iyan kasi hindi nag-aral! Hindi nag seseryoso!', pailing-iling ni Juljen sa isip habang nakatingin sa mga estudyante nya.

Juljen stopped behind them and watched them. Juljen didn't know why he suddenly stared at where kether was sitting. She feels there is something wrong with Kether's actions. She is anxious.

Pinanliitan nya ng mata si kether at sinusundan ang bawat kilos nito. Nakaramdam naman si Kether na parang pinagmamasdan sya kaya inangat nya ang tingin nya at hindi nga sya nagkamali. Their ugly teacher was watching him intently so he could do nothing but ignore his gaze.

"Stop staring at me. I'm disgusted by the way you look", hindi nakayanan ni Kether ang titig nito dahilan para pag sungitan nya si Juljen.

"Wag kang gagawa ng katangahan Kether", banta ni Juljen sa kanya bago inalis ang titig sa kanya.

Nang maramdaman ni Juljen na hindi na sya napapansin ni Kether ay muli nyang binalik ang tingin dito. Dahil sa ginawang iyon ni Juljen ay napansin nya ang ginawa nitong pandaraya o sabihin nalang nating pagtulong sa kaklase nito.

Sa unang tingin ay simpleng pagsulat O pagbilog lang ang ginawa ni Kether pero kung pagmasdan mo ito ay nagbibigay na ito ng sagot o palatandaan. Ngayon lang rin napansin ni Juljen na tanging si Kether lamang ang may gamit ng lapis pangsulat at pang sagot sa test paper. Ang karamihan sa kanila ay ballpen ang gamit. Pinagmasdang muli ni Juljen si Kether ng magsimulang sumagot ito sa test paper. Binaling nya ang tingin sa lahat ng estudyante at nagulat ng makitang magkasabay silang magsagot sa test paper.

Pasimple syang humakbang palapit kay Jolly kung saan malapit lang sa kinaroroonan nya. Hindi sya napansin nito dahil nasa harapan lang ito nakatingin. Ilang segundo pa ang nagdaan bago napagtanto ni Juljen na hindi sa harapan mismo si Jolly nakatingin kundi sa lapis na gamit ni Kether. Binalik nya ang tingin sa kay Kether at nakita nyang pinahiga ni Kether ang lapis na gamit sa mesa at ang eraser ng lapis ay nasa kanan. Binalingan nya nang tingin ang test paper ni Jolly at nakita nyang binilugan nito ang letter A. Sa pangalawang pagmamasid ni Juljen mula sa kay Kether ay kaliwang kamay na ni kether ang ginamit nya sa pagsagot o pagbilog sa test paper. Binalingan nya agad si Jolly na nagbilog sa test paper ng letrang D. Sa pangatlo ay ang kanan na ni Kether ang ginamit sa pagbilog ng letra sa test paper. At ang letra namang binilugan ni Jolly ay ang letrang C. Sa pang-apat ay pinahiga nyang muli ang lapis ngunit naiiba sa nauna dahil kung kanina ang eraser nito ay sa kanan, ngayon ay nasa kaliwa na at iyon ang nagbibigay tanda kay Juljen na hindi lang iyon simpleng pagsagot kundi isa na iyong pagdaya at mas lalong na suportahan na hindi lang iyon basta pagkakataon ng mag tugma ang naiisip nyang sagot at sa naging sagot ni Jolly sa test paper ang Letrang B. Simple ngunit nakakamangha. Pero isa parin itong pandadaraya. At isa ito sa pinaka-ayaw ni Juljen.  Ngayon pa lamang nya napagtagpi-tagpi ang lahat. Ang kaninang nakitang pag-uusap ng dalawa nina Nessa at Nito ng palihim. Ang pagpasahan  ng sagot ng dalawa ni Dhevis at Allan. Ang dalawang bagay na ginawa nila ay isa lamang palilinlang para mahati ang atensyon ni Juljen.

'You all underestimate my ability and ignored my warning', Ang kaninang maaliwalas na aura ni Juljen ay napalitan ng pagbabanta.

Dahil sa pagbabago ng aura na lumabas mula Juljen ay  naramdaman rin ito ng lahat. Napatigil sila mula sa pagsagot ng test paper at napatingin kung saan nakatayo si Juljen sa gilid ni Jolly. Hindi rin mapaliwanag ni Jolly kung bakit nanlamig sya ng makita ang expression ng guro nila.

"Muling paalala wag na wag kayong magpapahuli kung mandaraya kayo. Pagkayo nahuli ko dalawang bagay ang ipaparusa ko. I will deduct the first half of the points you get in the exam at pangalawa ay subukan nyong magpahuli malalaman nyo.", malamig na tugon nito sa kanila na kinagulat nila.

Kether

Hindi lang si Kether ang nakaramdam ng katakut-takot mula sa aura ni Juljen kundi lahat sila. Napatigil sila at nanginig ang mga kamay at nagdalawang isip kung bibilugan ba ang binigay na letra ni Kether na maging sagot sa katanungan nila O hindi dahil pakiramdam nila ay nahuli sila sa akto na nandaraya.

Ang iba naman sa kanila ay napapasinghap na animo'y nawalan ng hangin dahil sa bigat ng pakiramdam nila. Takot, kaba, panginginig at pagpipigil hininga ang nangyari sa estudyante ng Section Marcos. Nagdadasal ang karamihan sa mga isip nila  na sana matapos na ang nangyayari O sana may taong nakakarinig sa pakiusap nila at magliligtas sa nakapanindig balahibong pakiramdam.

"Morning, Teacher Juljen!!", dahil sa biglaang pagdungaw at boses na iyon ni Teacher James mula sa pintuan ay parang nabuhayan sila. Nawala na rin ang nakakatakot na pakiramdam na iyon ng magsimulang maglakad ang guro nilang si Juljen papunta sa pintuan."May emergency meeting sa conference. ASAP!", ngiting sabi nito na kinatango lang ni Juljen bago sila binalingan lahat ng may seryosong mukha.

Tinitigan sila bawat isa hangang sa huminto ang seryosong mukha at paningin nito sa nakakunot noo man pero kinakabahang si Kether. Hindi man sabihin nang guro nila ay alam nyang ang tingin na pinukol sa kanila ay isa nang babala.

Pagkalabas ni Juljen sa pinto ay napasinghap silang lahat na akala mo ay umahon sila mula sa tubig at ilang minutong pinipigilan ang hininga sa ilalim ng tubig. Ang iba ay namawis ang noo at hindi mapalagay sa kinauupuan.

"Bakit parang kinapos ako ng hininga habang nararamdaman ang presensya ni Teacher Ugly?!", hindi makapaniwalang bulalas ni Nito sa lahat.

"Creepy", ani Gerlie habang pinapakita ang nanginginig na binti at kamay.

"Intimidating presence", wala sa sariling bulalas ni Allan.

"Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama natin dito sa loob. I'm scared", mahinang bulong ni Jolly.







Please:



⭐- VOTE


And



💬- COMMENT

Magical TeacherWhere stories live. Discover now