Magical 29

199 21 2
                                    

Mas humigpit ang pag-iingat ni Juljen mula ng malaman nyang may kaugnayan si Teacher James sa Black Magic. Hindi na sya nagpadalosdalos sa bawat hakbang nya. Pinaimbestigahan rin nya ang tunay na pagkatao ng binatang guro.

"Malapit na ang November 25. May balak ba kayong sumali sa contest sa School natin?", tanong nya sa lahat ng naroroon.

"Sa tingin mo may balak ang Principal na pasalihin kami sa Intramurals? ", bored na sagot sa kanya ni Gerlie.

"Himala atang sumagot kayo ngayon. Ilang linggo nyo na akung hindi pinapansin at kinikibuan. Pero bago nyo isipin ang Intramurals, unahin nyo munang maghanda para sa Halloween party.", suggestion nya sa mga ito dahil sa November 3 ay may magaganap na Halloween party kung saan magpagalingan sa kani-kanilang Booth and Costume ang lahat ng estudyante.

" Ayyy! Perfect! Para saiyo talaga to Teacher Ugly dahil hindi kana kailangan pang bihisan dahil araw-araw ka namang nagmumulto dito.", natatawang saad ni Rhenz.

"Sigurado akung tayo na ang mananalo sa overall Championship.", asar rin ni Nessa.

"Pasensya na kung sisirain ko ang kasiyahan nyo dahil hindi ako pupunta sa party. May importante akung gagawin na inutos sa akin.", sabay halakhak ni Juljen sa lahat para mas lalong asarin ang mga estudyante nyang ngayon ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaasar. "But-- may pupunta na substitution sa akin",.

"Hindi mo naman kailangan ng substitution at lalong hindi ka naman kailangan sa party.", inis na turan ni Jolly.

May gusto pa sanang sabihin si Juljen pero pinigilan nya na lang ang sarili at tinikom na lang ang bibig  para hindi mabulalas ang plano sa isip nya. Hindi naman talaga nya iiwan ang mga ito, maghahanda lang syang mabuti pagdating sa gabing iyon. Kailangan nyang paghandaan iyon para walang mapahamak sa mga taong prinoprotektahan nya.

Halloween Party-----

Nagsimula ang Halloween party at tanging si Juljen ang hindi dumalo sa party. Nababalisa rin ang buong estudyante ng section Marcos, hindi man nila aaminin ay umaasa silang makakadalo ang guro nila dahil isa sa criteria ng booth contest ay completo dapat ang bawat isa.

"Wag na kayong umasa hindi na iyon dadating! Wala naman talaga iyon pakialam sa atin!", pambabasag ni Nito sa katahimikang pumapagitna sa kanila. Kanina pa kasi sila tahimik tanging ang musika at mga ingay ng ibang section ang maririnig sa paligid.

"Tama. Bakit pa ba tayo aasa sa kanya! Sinabi nya naman iyon sa atin na hindi sya makakadalo!", iritang turan ni Gerlie. Hindi sya makapaniwalang pati sya umaasa at nagnanais na makarating ito.

"Akala ko pa naman may pakialam talaga sya sa atin. Wala naman pala! Tsk!", ani rin ni Nessa.

"Kaylan pa ba may taong may pakialam sa atin?!", matigas na saad ni Merry Rose habang inaayos ang suot na costume nya bilang bampira.

"Tanging si Sir Edward lang naman ang may pakialam at nagmamalasakit sa atin. Nangyari rin to noon, walang gurong gustong humawak sa atin mabuti nalang talaga nandyan si Sir Edward nagboluntaryo para maging adviser natin.", malungkot ang boses ni Mary Rose habang nakatingin sa booth nilang nakahanda na para sa contest. Ang booth na ginawa nila ay kasing laki lang ng classroom nila na kung saan kinabitan nila ng itim na kandila sa buong paligid, lumulutang na pumpkin at higit sa lahat mga maskarang nakakatakot. Ang paligsahang ito ay tinutukoy kung sino ang may nakakatakot.

"Sana nandito si Sir Edward.", naiiyak na sambit ni Gerlie ng maalala ang isang buwan nilang Adviser na pumunta sa ibang bansa para sa six months seminar.

"Hindi naman talaga tayo magkakaganito kung hindi lang dahil sa kanila. Lahat tayong nasa Section Marcos ay may natatanging talento at natatanging bagay na tayo lang ang makakagawa. Ako bilang matalino kung saan-saan ay pinanglaban sa iba't-ibang paligsahan. Ang magkakambal naman ay magaling sa sports na Tennis. Si Nito bilang Ace ng Basketball team. Si Rhenz Captain ng Baseball. Si Allan Role model sa mga estudyante at Vice president ng SSG. Si Dhevis naman ay nabansagang Panuntunan ng pagkakasunod-sunod dahil sya ang tagapangasiwa ng batas dito sa paaralan at wala man sinong makakalusot pag ikaw ay mahuli nyang lumalabag sa kahit anong batas. Si Nessa naman ay ang Queen bee ng School kung saan palaging panalo sa pageant. Si Gerlie ay sikat sa buong campus dahil sa pagiging magaling sa larangan ng pag-arte. Si Jolly naman ang cheering squad at dancer natin. Tapos, dumating ang mga pangyayaring iyon sa bawat buhay natin na naging dahilan ng paglugmok at simula ng ating pagbabago", Hindi mapigilang maalala ng bawat-isa ang mga nangyari sa nakaraan nila. Si Jolly, Nessa at Gerlie ay hindi mapigilang humikbi. Ang magkambal naman ay agad pinunasan ang sunod-sunod na tumutulong luha.

"Sa tingin nyo kung hindi iyon nangyari sa atin. Gaya parin ba tayo dati?", garalgal ang boses ni Nessa ng tinanong nya iyon sa lahat.

"Siguro.Hindi ko alam", sagot ni Dhevis habang nakatingin sa kalangitang nababalutan ng mga ulap. Pinipigilan nitong tumulo ang luha sa pamamagitan ng pagtingala rito.

"At baka hanggang ngayon ang tingin natin sa isa't- isa ay mga karibal at estranghero kahit nasa iisa lang tayong kampus", mapait na ngumiti si Allan.

"Kahit pa ano sabihin natin hindi na maibabalik ang dati. Kahit ano pang dahilan natin at pagtatanggol sa ating sarili walang maniniwala sa atin kahit pamilya natin. Kahit iba-iba ang nangyari sa atin ay pareho lang tayong na set-up ng mga taong inaakala nating mga kaibigan. Iisang pinagtaksilan at iniwan sa ere. At nagkasabay nagbago.", natatawang ani Jolly.

"Nakakalito lang isipin na hanggang ngayon hindi pa natin alam kung ano at paano nangyari ang bagay na iyon.", sambit rin ni Nito.

"Kaya nga! Kahit si Kether ay hindi rin alam ang mga pangyayari para bang nanaginip tayo at pagkagising natin ay sumalubong sa atin ang realidad.", natatawang ani ni Merry Rose habang pabalik-balik sa isipan nya ang  masamang pangyayari.

"Bakit ang lumbay ata nyo? Ganyan ba dapat ang reaksyon ng mga mukha para manalo sa contest?", Mabilis pinunasan ng iba ang mga luha nila habang ang iba ay tumalikod sa kadarating nilang gurong kanina pa nila hinihintay.

"Akala ba namin hindi ka darating?", matigas na tanong ni Merry Rose dito para alisin ang malungkot na paligid na ginawa nila.

"Wala naman akung magagawa kung talagang mapilit kayo na papuntahin ako dito", dumabog pa si Juljen na parang bata. Habang nagpapacute ng expression sa harapan ng estudyante nya.

"Huh? Anong sinasabi nito? Sinong pumilit dito?", nagtatakang tanong ni Kether sa lahat.

"Walang pumilit dyan. Iwan lang namin kung saan nya nakuha ang ganyang ideya", pinasadahan agad sya ng tingin ni Gerlie mula ulo hanggang paa.

"Wag naman k-ayong tumingin ng ganyan. Alam ko namang nagandahan kayo sa akin pero ano kasi..Ahm..nakakahiya sa nakakakita", ngumiti pa sya sa estudyante nya habang may nahihiyang expression.

"Mukhang nabaliw na ata to e! Hindi na matinong kausap!", nandidiring sabi ni Nessa habang nakatingin parin sa guro nilang namumula dahil sa hiya na sinasabi nito.

"Iwan na nga lang natin.", suggest ni Dhevis  na sinang-ayunan ng lahat at iniwan ang guro nilang hanggang ngayon ay nasa ibang dimension ang pag-iisip.

Nang makaalis na sila ay biglang bumalik sa  normal na expression ang mukha ni Juljen. Napapailing sya at natawa sa reaction ng estudyante nyang nandiri sa ginawa nya kanina. Kahit sya ay tumaas ang balahibo sa batok dahil sa ginawa nyang pagpapacute sa mga ito na alam nyang hindi babagay sa kanya.

Gusto lang talaga nyang asarin ang mga ito ng makitang malungkot ang mga mukha nito ng dumating sya. Hindi nya alam kung anong pinag-usapan kung bakit ganon nalang sila kalungkot at hindi rin nakatakas sa paningin nya ang pamumula ng mga mata ng iba. Nagising tuloy ang pagkamausisa nya sa pinag-usapan ng mga ito. At sa takdang panahon malalaman nya kung ano iyon. Ang simula kung bakit nagkaganun ang sampong estudyante.


Please:

⭐- VOTE

And

💬- COMMENT

Magical TeacherWhere stories live. Discover now