Sinugod agad sya ng babae kaya mabilis na nilabas ni Juljen ang magic stick nya at hinampas sa hangin dahilan para tumilapon ang babae sa labas ng bintana.
Agad sumampa sa basag na bintana si Juljen at sinundan ang babaeng tumilapon. Sa paglabas ni Juljen sa wasak na bintana ay nagbago ang kanyang wangis . Bumalik sa tunay na anyo. Nakasuot na sya ng mahabang puting damit na may kulay blue na furs. Kung may normal mang taong makakita sa kanila ay baka akalain nilang isa silang white lady at black lady.
"Magbabayad ka!!", rinig nyang sigaw ng babae habang nakalutang sa hangin at nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kanya. May hawak na ring magic stick ito katulad nya.
"You are the one who will pay!", saad ni Juljen at sya ang unang sumugod dito. Di nya hahayaang makuha ng kadiliman ang mga batang pinapangalagaan nya. Isa ito sa dahilan kung bakit sya pinadala ng lola nya. She fight for those students.
"Ahhh!", sigaw ng babae at sinalubong sya. Nagpakawala ng limang Black magic kaya sinalubong nya ito ng white magic nya. Nagpalitan sila ng mga energy ball sa ere. Walang sino dito ang nakakita sa naganap na labanan ng dalawang magkatunggali. Sa banggaan nila ay nagkaroon ng impact. Sa mga mata ng tao ay may malakas na ulan ang dadating. Dumilim ang mga ulap na kanina'y kulay bughaw. Di nagtagal ay bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang mga tao para maghanap ng masisilungan.
Ang malakas na ulan ay may kasama ng malakas na hangin at kidlat. Patuloy parin sa paglaban ang dalawa kahit basa na sila sa ulan.
"Let's end this!", sambit ni Juljen at mabilis na nawala kung saan sya nakalutang. Nagulat at nabahala naman ang babaeng kalaban. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Juljen. Lumitaw si Juljen sa gilid nya at binato sya ng white magic ball dahilan para mahulog ito.
"Ahhhh!", sigaw nito habang nahuhulog. Hindi na sya muling nakabawi dahil pinaulanan sya ng white energy ball ni Juljen. Tanging sangga lamang ang nagawa ng babae. Bago pa tuluyang lumapat sa semento ang katawan ng babae ay ginamit nito ang natirang mahika para hindi sya tuluyang lumagupok sa semento.
Bumaba si Juljen at tinuyukan ang leeg ng babae ng magic stick. Hindi nakagalaw ang babae.
"One more move then you die!", banta ni Juljen ngunit ngumisi lang ang babae at sinipa sya dahilan para mapaatras. Hinablot ng babae ang isang walang kaalam-alam na batang dumaan lang. Gulat,takot at hindi makapaniwala ang makikita sa mukha ng bata. Sino bang hindi matatakot kung nasa bingit ka ng kamatayan? Sino bang hindi magtataka na makakita ka ng bagay na wala kang alam?.
"Pakawalan mo sya!", saad ni Juljen at tinutok muli ang magic stick."Wala syang kinalaman dito, Bruha!", dagdag pa nya pero tinawanan lang sya ng babae.
"Wala nga syang kinalaman dito pero kailangan ko sya. Ngayon, mamili ka? Mamatay ako kasama ang hangal na batang to O Papakawalan ko sya basta pakawalan mo ako? Pumili ka?..", hamon nya kay Juljen habang nakangisi at tinutok ang magic stick nito sa leeg ng bata. Nagpupumiglas naman ang bata kaya lang masyadong malakas ang may hawak sa kanya kaya hindi sya makakatakas. Takot ring tumakas ang bata dahil sa kakaibang mga nilalang ang nasa harapan nya.
"Alam mo sa bawat pakikipaglaban ay dapat ginagamit mo ng utak para manalo ka..", natatawang wika ng babae at diniinan ang magic stick sa leeg ng bata dahilan para masaktan ito at umiyak.
Bumuntong hininga si Juljen. "Ibigay mo sa akin ang bata at pakakawalan na kita", desisyon ni Juljen habang nakatitig sa mga mata ng babae. Binaba nya ang hawak na magic stick mula sa pagkatutok rito.
"Good!", tinulak ng malakas ng babae papunta kay Juljen ang bata at sinalo naman ito ni Juljen at pareho silang napaupo dahil sa lakas ng pagkatulak ng babaeng kalaban.
Ginawang pagkakataon ng babae ang pagkaupo nila Juljen para tumakas. Naging usok sya at lumipad pero bigla syang bumalik sa tunay nyang anyo ng may nabangga sya. Napaupo narin sya sa semento. Ginamit nya ang mahika para makita ang nabangga nya.
"Tama ka. Ginagamit mo dapat ang utak mo", napalingon sya kay Juljen na may nanlilisik na mata. Agad nyang pinaulanan si Juljen ng Black energy ball pero hindi ito umabot sa dalaga dahil sa harang.
"Anong ginawa mo?!", sigaw ng babae at pinaulanan ang buong paligid nya pero ganun parin ang nangyari. Hindi nawasak ang invisible box kung saan nasa loob sya.
"Kahit magwala kapa dyan. Kahit ano pang gawin mo hindi ka makakatakas sa kulungang ginawa ko.", nag hysterical ang babae sa loob ng kulungang ginawa ni Juljen. Pilit syang kumakawala doon pero mas malakas ang mahika ni Juljen kaysa kanya."Sa pagkakataong ito pinatunayan mong mahina ka!", ngumiti si Juljen sa kanya.
"Mananalo kami! Mananalo ang kasamaan! Magtatagumpay kami at kayong mga walang kwentang white magic user ay mamatay! Hahahha!", halakhak nito. Winagawayway ni Juljen ang magic stick sa ere dahilan para mapuno ng nakakasilaw na liwanag ang buong kulungan kung saan nakakulong ang babae.
Pumikit si Juljen at tanging sigaw nalang ng babae ang naririnig nya. Sigaw dahil sa liwanag na unti-unting sumusunog sa balat nya at kaluluwa. Kasabay ng pagkalusaw ng babae na parang abo ay sumabog ang kulungan nito kaya niyakap nya ang bata na tulala sa nasaksihan. Gumawa rin sya ng barrier para protektahan sila.
"Matulog ka at kalimutan ang mga nakita mo ngayon", mahinahon na bulong ni Juljen at unti-unting pumikit ang mga mata ng bata. Bago pa bumagsak ang katawan ng natulog na bata ay nasalo na ito ng mga bisig nya.
Hinatid nya ang bata sa tirahan nito bago bumalik sa Hospital. Gising na ang mga estudyante nya pagdating doon. Binalik nya sa dati ang sarili at nakangiting pumasok sa bawat kwarto ng mga ito para kamustahin.
Ang mga nangyayari sa araw na ito ay naging leksyon para sa kanya. Kailangang pag-igian pa ni Juljen ang pagbabantay sa mga estudyante nya dahil sa bawat oras O araw na nagdaan may pagsubok syang kahaharapin kasama ang estudyante nya.
-----
Mag-Comment, Vote and Share
YOU ARE READING
Magical Teacher
RandomMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...