Magical 1

700 34 2
                                        

Mabibilis at malalaking hakbang ang ginawa ni Mr. William papunta sa Section Marcos. Nagbabatuhan ng mga papel at nagchismisan ang lahat na parang walang nangyari kanina lang. Hindi pinansin ang Principal.

"Section Marcos!", nangangalaiting sigaw ng Principal nila ngunit hindi sya pinansin ng mga ito. Busy ito sa kani-kanilang ginagawa. Mga ginagawang walang kwenta. Trip to be exact.

"Section Marcos! Listen!", ulit nitong sigaw kaya inosenteng tumingin ang estudyanteng nasa loob ng section Marcos. Pero sa kabila ng pagiging inosente nilang tingin ay naroon sa isip ang pang-aasar.

"Principal William..What are you doing here?", may halong maang-maangan sa boses nito. Kalauna'y ngumiti ito ng pang-aasar sa Principal na halatang asar na asar na rin at pinipigilang sumabog ang sarili. Hindi alam ni Principal William kung anong gagawin O sasabihin, kung papatulan ba O saktan ang estudyante.

"Ano naman ba ang ginawa nyo?", pigil nyang hindi tumaas ang galit na kanina pa nya kinikimkim. Napataas naman ang kilay ng grupo ng kababaihan at nasipagtawanan naman ang kalalakihan.

"Bakit anong ginawa ba namin, William?", inosenteng tanong ng isa na sinang-ayonan rin ng nakakarami.

"Alam nyo ba kung anong ginawa nyo? Ilan pa bang titser ang gusto nyong paalisin? Baka hindi nyo napapansin na in one week there are three teacher na nag resign dahil sa hindi nakayanan ang pang trip nyo! At ang kaninang bagong titser ay ang ika-siyam na. Ano ba ang gagawin ko sa inyo para tumino kayo, Section Marcos?", hindi na maitatago ng Principal ang galit nito. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa galit. Alam nya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang Section Marcos pero hindi rin nya pwedeng gawin ang naiisip na sulosyon dahil alam nyang hindi pwede.

Binalewala ng mga estudyante ang litanya nya dahil gaya nga ng sinabi ng Principal nila ay hindi na ito unang beses. Marami na silang ginawa at marami ng nangyari. Tulad nitong last week. May bago silang guro Or should I say Substitute Adviser nila. Dinala ito sa Hospital dahil tumaas ang dugo nito. Sino bang hindi tataas ang dugo? Kung pagpasok palang ay nadulas kana sa harapan nila. Hindi man lang tinulungan bagkus ay pinagtawanan pa. Hindi pa doon nagtapos dahil pagtayo nito mula sa pagkahiga ay may basura namang bumuhos na nilagay sa taas para sa kanya.

"Pag-uusapan na naman ba natin ito ulit, William? Alam mo kung anong sagot dyan. Alam mo kung ano ang gusto namin..Diba guy's?", nakataas pa ang kamay nito sa ere sabay kibit balikat ng sumigaw ang mga kaklase nya.

"Yeah!", maarteng saad rin babaeng busy sa pag-nguya at pagpaputok ng bubble gum na pinalobo nito.

"Napag-usapan at naipaliwanag ko na sa inyo iyan. Students, Just in six months please cooperate", ilang ulit nabang humingi ng ganitong kooperasyon ang Principal kasama ang ibang guro pero hindi parin mababago ang pakikitungo sa baguhang guro O pasamantalang adviser nila. "Nakakapagod na kayo at isang beses nalang na gagawa kayo ng hindi ko ulit magugustuhan. Whether You like or not. I'll drop you in this school even if may malaking koneksyon kayo rito. Hindi na makatarungan ang ginagawa nyo sa magiging adviser nyo. Mark my Word, Section Marcos.", pagkuwa'y ay umalis na ang principal. Nag-ingay naman sila ng nakalayo na ang Principal. Hindi man lang sila kinabahan sa banta nito bagku's ay isang iling at tawanan lamang. Naaliw kasi sila sa expression ng Principal.

Problemado namang umupo sa swivel chair ang Principal dahil sigurado syang hindi makikinig ang mga ito sa babala nya. Kilala nya ang mga ito at alam nyang pinagtatawanan lamang sya nito dahil hindi man maitatanggi ay mayayaman at makoneksyon ang pamilya ng sampong estudyanteng nasa Sectiong iyon.

"Margaret!", tawag nya sa pangalan ng Secretary nyang hindi nalalayo sa edad nyang 40 years old. Pumasok ito ng marinig ang tawag nya.

"Yes, Principal William?", batid ng secretarya nya kung ano ang kinakaraharap na problema nito. Hinayaan nalang nya itong magpatuloy at magsabi sa kung anong problema.

"Magpadala ka ng request sa may-ari na may sampo akung estudyanteng e drop at para malaman rin nya ang kalagayan dito sa loob ng School. Kailangan nating makahanap na ng bagong papalit na guro. Yung gurong makakatiis sa mga pilyong estudyante kung sakaling hindi ma-approve ang request natin.", hinilot nito ang sintido habang pinapaalis na ang sekretarya nya. Sinimulan agad ng Sekretarya nya ang pinag-uutos nito.

"Mayaman nga naman" sa isip-isip ng secretarya ng maramdaman rin ang bigat ng problema sa sampong mga batang lumalaki ang ulo sa katigasan.

***

Mr.William was surprised by the sudden opening of his office door. Paano ba kasi ay nakatulala sya at pinag-iisipan ang susunod na hakbang kung sakaling may bago namang guro. At di nga sya nagkamali sa iniisip nya dahil basi sa reaksyon ng Sekretarya nyang si Margaret ay masasabi mong may balita itong dala. Pero ang tanong 'Maganda nga ba?'.

"Mr. William, We have a new Teacher", malapad ang ngiting sabi sa kanya. Napatayo agad sya at walang pag-alinlangang nagtungo kung saan ang lobby ng opisina nya nakaupo ang bagong titser. Sana nga lang ay hindi ito gaya ng iba.

Nakita nya agad ang isang babaeng nakatalikod, kung pagbabasehan ang likuran nitong bahagi ay masasabi nyang bata pa ito. Nasa 20's.

"Excuse me?", tawag pansin nya dito. Napalingon ang babae at halos lumuwa ang mga mata ng Principal dahil sa nakita. Hindi ang pagkamangha ang makikita nito sa itsura nya kundi pandidiri. Hindi naman sya laiterong tao pero sadyang hindi nya mapigilan ang sarili pati ang isip nya na manglait sa babaeng kaharap. Binigyan nya ng pilit na ngiti ang batang guro. Napalunok sya ng maraming beses para alisin ang nasa isip nya. Hindi nya dapat laitin ang kaharap nyang guro dahil kahit sa isip ay wala syang karapatan dito. Inayos nya ang suot na polo at bago umupo at hinarap ang di kagandahang guro.Ugly is the right word for it.








Mashaketttt likod ko! Haahhah..Hello my Magical Readers. Okay lang ba kayo dyan?Relax Dyan..hehehe... By the way, support my others story kagaya ng pag support nyo dito.. Thank you❣

Magical TeacherWhere stories live. Discover now