"Say present if you're here, Boy's", sabi nya sa estudyante nyang hindi man lang sya pinansin.
"Nito Azarcon", walang sumagot.
"Kether Gamana", nagtaas ng kamay pero nakasimangot. Ngitian ito ni Juljen pero isang nakakamatay na titig lang ang binigay sa kanya.
"Allan Luthsiera", wala ulit. Beware this person dahil kahit wala kang ginagawa ay aasarin ka nya at sasaktan. Kapag gusto kang nyang pagtripan ay magagawa nya. Wala syang pinipili ma babae man O malalaki. In short he's a Bully.
"Dhevis Orion", kung rule breaker ang pag-uusapan. Ang isang ito ang mahilig dyan. Walang sinusunod na rules. Walang sinusunod na batas. Kung may bago mang pinapatupad na rules sa loob ng school ay hindi sya natatakot na sirain yun ng harap-harapan. May isa ngang pagkakataon na binangga nya ang school gate gamit ang kotse nya. Tinanong sya kung bakit nya iyon ginawa ang sagot nya'Wala lang'.
"Rhenz Tecson", Kung may estudyante mang maraming bisyo ay si Rhenz na ang hahapin nyo. Mayabang at mahilig sa mga babae. Kahit nakasandal lang sya sa labas ng bar ay babae na ang lumalapit sa kanya. Hindi mapagkakailang may maganda syang pangangatawan na nagdadala sa kakisigan nya. Malakas rin humithit ng sigarilyo. Kung maghahanap ka ng taong hahamunin sa inuman, ito ang mahilig dyan. Hindi sya madaling malasing.
"Say present if you're here, Girl's",pambabalewala nya sa mga lalaking hindi sumagot kanina sa kanya. Titingnan nya kasi kung sino ang lumiban sa klase.
"Jolly Jungco", walang sumagot.
"Gerlie Lincoln", nagtaas ng kamay at tumayo kaya tumingin sa kanya si Juljen.
"Bakit kailangan pang mag say Present? So, Nakakapagod kaya", simangot nito kay Juljen kaya binaba muna nya ang class attendance na hawak.
"Dahil Ms. Lincoln, kailangang ito para malaman ko na hindi kayo lumiban sa klase", simpleng sagot nya.
"Pwede mo namang tingnan sa every designated seat namin, Ugly Teacher", pagsisimula ng panlalait at pambabara ni Kether.
"Your Genius! You have a smart brain. bakit ko pa sasagutin ang tanong mong alam mo na ang sagot", pambabara rin pabalik sa kanya ni Juljen.
"Because you're a Teacher! Ano ba ang trabaho mo diba sasagutin ang tanong ng estudyante kung naguguluhan sila", papalusot ni Kether at umupo pa ito sa mesa nya na parang model habang sa kay Juljen nakatingin ng diretso.
"Ang tanong naguguluhan kaba, Mr. Gamana?" Taas kilay na wika ni Juljen sa estudyante nyang matalino.
"Hindi ako naguguluhan pero-----", hindi na pinatapos ni Juljen ang pampalusot ni Kether ng sumabat sya dito.
"Iyon naman pala e.Hindi ka naguguluhan at saka akala ko ba Brainy ka e parang pinapasikot sikot mo lang ang tanong. Akala mo ba, Mr. Gamana hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin. Hmm? Hindi ako kasing bobo ng akala mo. Kahit elementary students nga alam ang sagot sa tanong mo", mataas nalitanya ni Juljen. Padabog namang umupo si Kether. Dahil wala naman syang lusot dahil gaya nga ng sinabi ni Juljen alam na nito kung saan patungo ang usapan.
"Let's continue checking the attendance", pagpatuloy ni Juljen kahit walang gustong makinig at kumausap dito.
"Nessa Macline", isang tsk ang sinagot nito habang masama ang tingin sa guro. Hindi kasi nito matanggap na palaban rin ang bagong guro at misteryoso para sa kanya.
"Mary Rose Salazar and Merry Rose Salazar", hindi sumagot ang kambal ng tawagin ang pangalan ng mga ito. Ang kambal na ito ay binansagang 'Double Trouble' dahil once na magkasama ay dumoble ang ginawang gulo. Makikisali ang isa. Kung may kaaway ang isang kambal ay susuportahan ng isang kambal. They have same face but They have different eyes. Merry rose have blue eyes while, Mary rose have Brownies eyes..
Napailing si Juljen at sya nalang mismo ang tumingin kung naroon ba ang estudyante nya. Tutal alam nya naman ang mga mukha ng mga ito. Alam nya na ang pagkakakilanlan. Dyan naman sya magaling.
"Okay.. Before we started. I want you to clean your room", napanganga ang mga ito ng marinig ang sinabi nya. Actually, hindi naman iyon ang gagawin nila ngayong araw But sinabi nya lang iyon para malinis ang classroom.
"What? No way!", sigaw ni Nessa na hindi makapaniwalang nakatingin sa guro.
"Ayaw ko nga! It's so nakakadiri", sabat naman ni Gerlie habang nakatingin sa kuko nya" And look, Teacher Ugly. Baka masira ang mga magandang Nails ko", sabay pakita sa kandilain nyang kuko na kinulayan ng pula.
"Excuse me! We're not Janitor!", sabay wika ng kambal. Parang nanalamin lang sila sa is'at isa't kung di dahil sa mga mata nila ay siguradong maguguluhan ka kung sino ang hinahanap mo.
"The twin is right!", maarteng komento ni Jolly habang nakatingin pa sa kanya na may maarte ring mukha.
"Teacher ka diba? Ikaw nalang kaya ang gumawa",
"Pwede ba wag mo kaming utos-utusan. Hindi kami mga utusan",
"What the Fuck!", mura ni Rhenz.
"Excuse me, Students! First of all, kailangan nyong linisin ang classroom nyo. Pangalawa baka nakakalimutan nyo na kayo ang gumawa nyan. Yang bookshelf at mga libro nagkalat. Yang mga vandalism na kung ano-ano lang ang sinulat nyo.Ang magulo nyong
upuan at lamesa. Diba kayo ang may gawa nyan? Kaya wag kayong maarte. And lastly, Hindi ko kayo inuutusan at wag nyo rin akung utusan dahil guro nyo ako.. Understood?", isang smirk ang pinakita ni Juljen sa nakanganga at nakatayong estudyante nya."No! This is Unbelievable!", angil ni Nessa. Pinagpapadyak pa nya ang high heels nyang suot.
"Options?", muling nagsalita si Kether matapos ang pakikibangayan sa kay Juljen kanina lang. Hindi kasi nya matanggap na naisahan sya ng guro nila. Akala pa naman nya ay sya ang makaisa dito.
"Options? Ngayon, nanghihingi kayo ng Options. Sige.", tumuwid ng tayo si Juljen at tinitigan sila isa-isa." Option number one ay gagawin nyo ang paglilinis. Option number two, gagawin nyo ang number one sa ayaw at sa gusto nyo.Option number three maglilinis kayo ng buong third floor. And Option number four---", pabitin nya sa mga ito na nakasimangot at naghihintay sa pang-apat nyang option.
"Ano?! Pabitin pa e!", naiiritang ani Mary rose.
"Ang Option number four ay gagawin nyo ang option number one,two,and three", nakangising pahayag na nagpangiwi sa kanila." You can now start cleaning", padabog na kumuha ng panlinis ang lahat. Wala silang nagawa. Pwede naman silang tumakas pero kinakabahan sila pag ginawa nila iyon. Pakiramdam nila ay may hindi magandang gawin ang misteryosong teacher sa kanila.
"Argh! I hate you!", sabay ikot ng mga mata ni Nessa sa kanya ngunit isang ngiting tagumpay lang ang ginanti nya.
Please Comment down....
![](https://img.wattpad.com/cover/256777839-288-k383327.jpg)
YOU ARE READING
Magical Teacher
De TodoMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...