Unknown
"Walang kwenta kayong lahat!!! Paanong naglaho ang kasamahan nyo?!", sigaw nito dahilan ng pagsabog ng mga bintanang salamin at ng mga vase sa piligid.
"Master, Huminahon po kayo", nakayukong ani ng kanang kamay nya pero pinandilatan lang nya ito ng mga mata.
"Huminahon?! Sinong maghinahon ngayong wala na ang magaling sa paggawa ng potion, ha! Demetri! Sagutin mo ako?!", malakas nitong tanong sa nangangalang Demetri ang kaliwang kamay nya. Hindi ito kumibo at nanatiling nakayuko sa gilid nya."Sino ang pumaslang sa kanya?", huminahon sya kaunti habang hinihintay ang sagot ng tatlong kasamahan ng babaeng natalo ni Juljen sa hospital.
"Hindi po namin sya kilala, Master. Masyado syang maingat.", nakayukong nitong sabi at nagulantang nalang ng biglang syang sakalin ng Master nila. Hindi sya makahinga dahil sa higpit ng pagkasakal nito sa kanya. Halos mabali na ang leeg nya ng pakawalan sya nito ng Master nila.
"You are worthless! Addle-brained! Weak!", Binato nya ng Black magic ang sinakal nya at hindi ito nakaiwas. Nalusaw ang katawan nito at sumabog. Nanginginig naman ang dalawa nitong kasama habang sinusulyapan ang sumabog na katawan. Bumalik sya sa trono nya at pinag-iisipan ang susunod na hakbang.
"Demetri, Samahan mo ang dalawang inutil na iyan at ng iba pa at alamin mo kung sino ang sumisira sa plano natin", binalingan nya ng tingin si Demetri na tumango at yumuko muna sa kanya bago umalis.
"You will pay for the interference you made! I swear in the name of Black magic!", at umalingawngaw sa buong mansion ang nakakatakot nitong tawa. Gagawin nya ang lahat para manalo sya sa laban. Hindi sya papayag na matalo. Tinaas nya ang manggas at makikita roon sa braso nya ang sunog na balat nya. Ito ang maging epekto sakaling may mangyari sa alagad nya. His is skin will burn all over his body when white magic users continue to interfere in his plan.
Muling bumalik sa nakakakilabot na titig ang mga mata nya. Muling bumalik ang mapanganib nitong awra dahil sa muling pag-usbong ng galit at poot ng makitang nadagdagan ang pagkasunog ng balat nya. Kung magpapatuloy ito ay siguradong maglalaho sya kasama ang lahat ng sinalinan nya ng Black magic.
Kung gusto nya pang manatili kailangan matalo nya ang White magic user na kumakalaban sa kanya. Kailangan nya ang sampong estudyanteng iyon para patuloy syang mabubuhay sa mundong ito. At ang sampong iyon ang gagawa ng kasamaan. Maliit man O malaki. Ito ang nagsisilbing enerhiya nya upang hindi maglaho at lalo pang lumakas.
"I will not lose on this battle!", halakhak nya.
Juljen
Napatigil si juljen sa pagsusulat ng lesson plan nya ng makaramdam ng malakas na pwersa mula sa black magic. Imposibleng mapasok ng isang mahinang black magic user ang barrier na ginawa nya para maprotektahan ang school. Kaya sa pagkakataong ito naisip na ni Juljen na malakas na ang kalabang kinakaharap nya.
Dahil nahulog sa malalim na pag-iisip si Juljen ay nagulat na lamang sya ng may tumapik sa braso nya. Dahil sa gulat ay mabilis na bumuo sa kamay nya ang magic at aakma sanang ibabato sa taong gumulat sa kanya. Mabuti nalang at nakita nya ang mukha nito kaya napigilan nya ang sarili. Isa lang pala sa kasamahan nyang Teacher.
"Pasensya na at ginulat kita. I just want to let you know what one of your students did", napatayo sya ng sabihin iyon sa kanya ni Teacher James. Ang gurong gumulat at malapit mabato ni Juljen ng White magic.
"Bakit? Ano bang nangyayari?", tanong nya dito.
"May binully naman si Allan sa hallway. Pinigilan namin pero hindi nag paawat kaya kinonsulta agad kita.", napatango sya at mabilis na lumabas sa Teacher department. Sumunod naman sa kanya ang lalaking guro.
YOU ARE READING
Magical Teacher
De TodoMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...