Magical 28

189 23 0
                                    

Walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Juljen kundi ang pagtataka kung bakit puro may pasa at galos ang estudyante nya. Isang araw lang sya nawala ay may kakaiba nang ginawa ang mga ito.

Nabalitaan kasi nya kaninang umaga ang pagtakas nitong nakaraang araw. Kaya nagtaka sya kung anong nangyari sa pagtakas ng mga ito.

"Anong nangyari sa inyo? ", tanong nya dito ngunit hindi sya pinansin ng mga ito.

Natapos ang klase nya sa mga ito na hindi sinasagot ang tanong nya. Pinabayaan nya lang ito. Habang nasa daanan si Juljen ay nakatagpo nya si Teacher James. Hindi nya pa ito nakakausap simula ng makita nito ang mga pangyayaring iyon.

Alam nyang naguguluhan ang lalaking guro sa mga nakita nito but kailangan nyang burahin ang alaala sa mga nakita nito gaya ng ginawa nyang pagbura sa mga nakita ng bata noong araw na nakasagupa nya ang kalaban.

Huminto sya sa mismong harapan nito kaya napahinto rin ito at dahan-dahang tumingin sa kanya. Hindi nya mabasa kung anong nilalaman ng isip nito. At alam ni Juljen na may takot parin itong nararamdaman. Lahat naman nakakita ng bagay na hindi ordinaryo ay may takot na mararamdaman. Juljen sighed before meeting Teacher James gaze.

"Pwede bang mag-usap tayo sandali?", walang pag-alinlangan nyang tanong dito.

Napalunok ito bago sumagot "M-May klase pa ako, pa-pasensya na", mabilis itong lumihis ng daanan pero bago sya tuluyang makalayo ay mabilis syang naharangan ni Juljen.

"Pagpasensyahan mo narin ang gagawin ko pero kailangan ko tong gawin. Patawad", mabilis nyang hinarap sa kanya ang binata at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilaan nitong ulo. At walang pagdadalawang isip nitong hinalikan sa mga labi.

Teacher James was surprised at what the young teacher did . Hindi nya alam ang gagawin. Itutulak nya ba palayo ang guro O hahayaan ito?.

Uminit ang buong pisngi ni Teacher James at alam nyang pulang-pula ang mukha nya ngayon. Lumakas ang bawat pintig ng puso nya. Para bang nagdiwang ito sa bilis ng pagtibok. Sa totoo lang hindi alam ni Teacher James kung bakit maganda sa kanyang paningin ang dalaga. Kahit pa sinasabi O naririnig nya sa ibang mga kasamahan kung paano laitin ang itsura nito.

Hindi alam ni Teacher James kung ilang segundo na sila sa ganoong posisyon. Kinakabahan sya dahil baka may makakita sa kanila sa hallway pero nanatiling nakahalik si Juljen sa kanya at nanatiling nakapikit. Para bang may hinahanap ito at tinatanaw. Pinigilan rin nya ang sariling gumanti ng halik dito dahil baka lalo syang mahuhulog sa dalagang guro. So he did nothing but let it go and just stared at the teacher's whole face even though he was overwhelmed.

Kahit anong tingin ni Teacher James ay hindi nya nakikita ang hindi kaaya-ayang mukha nito. Para bang may nakatago itong ganda at habang tumatagal siya sa pagtitig nito ay ibang tao ang nakikita nya.

"Ahh!", Naputol ang mga naiisip ni Teacher James ng marinig nya ang daing ni Juljen. Hindi narin nakahawak ang dalaga sa kanya at nakahiwalay na ito sa kanya. Dumadaing sa sakit si Juljen at nagsimula na ring pagpawisan ito.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?", nag-alala nyang tanong dito. Pero mahina lamang itong dumaing at tinitiis ang sakit na hindi nya alam kung saan nanggaling. Nag-alala nya itong nilapitan at hinawakan sa braso. Napahawak rin sa kanya si Juljen hangang matapos ang daing nito sa sakit.

Tumingala si Juljen at tinitigan si Teacher James sa mukha nito. "Salamat. Okay---",.  Hindi natapos ni Juljen ang sasabihin ng makita nya ang pag-alala at gulat sa mukha at mata ng binata.

"Y-Your nose is bleeding", sambit ni Teacher James bago naramdaman ni Juljen ang basang likido na umaagos palabas sa ilong nya. Hinawakan nya ito at tama nga ito dumudugo ang ilong nya.

Agad namang may inabot sa kanya si Teacher James. Isang kulay puti at malinis na panyo. Kukunin nya sana ito ng biglang umikot ang paningin nya hanggang tuluyan na syang nawalan ng balanse.

TEACHER James

   
    "Heyyy!", sigaw nya bago mabilis na dinaluhan ang dalaga at binuhat ito patakbo sa klinika.

Hindi nya alam ang nangyari at dahilan kung bakit nagdurugo ang ilong ng dalaga kanina pati ang pagkahilo nito. Lalo syang nag-alala ng patuloy ang pag-agos ng dugo nito sa ilong ng dalaga.

"Tulong!", sigaw nya. Mabilis naman syang dinaluhan ng doktor sa clinic ng makita si Juljen na walang malay. Hiniga ang dalaga sa kama at sinimulang sinuri.

Napahawak naman si Teacher James sa sariling buhok habang nakatingin kay Juljen na sinusuri parin ng doktor. Sobra syang nag-alala sa dalaga kaya hindi sya mapakali. Palakadlakad sa buong clinic.

Napatingin agad sya likuran ng marinig ang pagbukas ng kurtina mula sa kamang kinalalagyan ni Juljen. Lumapit sya dito.

"Pasensya na Teacher James pero kahit anong pag-susuri ang ginawa ko, wala akung nakitang sintomas ng pagdugo ng ilong nya at pagkahilo pero wag kayong mag-alala, tumigil na ang pagdugo ng ilong nya at magigising na sya mamaya",

"Salamat Doc.", Pumasok agad si Teacher James sa loob at tinitigan ang dalagang mapayapang natutulog.

  

Juljen

     Agad napatingin si Juljen sa gilid nya ng magising sya. Tinitigan nya si Teacher James na natutulog sa gilid nya. Habang tinitigan nya ito ay lalo nyang naalala ang nangyari bago sya nawalan ng malay kanina.

Pumapasok sa isipan nya ang kakaibang pagkatao nito. Hindi lang sya isang ordinaryong tao, may kakaiba sa kanya. Hindi matukoy ni Juljen kung nagkukunwari ito O talagang wala itong alam sa  tunay nyang pagkatao.

Hindi naman sya madaling mahilo gaya ng nangyari sa kanya kundi dahil sa isang bagay na nakita nya. Isang bagay kung bakit nasa klinika sya ngayon. Kaya sa mga oras na ito ay nagdadalawang isip na sya sa pagkatao ni Teacher James.

Madali lang nyang mabura ang mga parteng gustong nyang burahin sa isipan ng tao pero kung sangkot na ang isang bagay na pinaka-ayaw nya ay ibang usapan na iyon para kay Juljen. At dahil padalosdalos sya sa paghahanap sa parteng gusto nyang  burahin sa isipan ng guro ay hindi nya naisip ang posible o ang isang imposibleng bagay na makakasagupa.

Because this person has a connection to BLACK MAGIC .....

Isang Black magic na tanging  trabaho lang ay protektahan ang alaala o isipan ni Teacher James. Isang barrier magic.

Nakatitig parin si Juljen sa binata hanggang ngayon at naiisip nya na habang lumilipas ang araw sa pananatili nya sa kanyang misyon ay lalong humihirap ito. Lalong lumalalim ang ugnayan nya sa mga estudyante nya at sa binatang guro.

Ayaw nyang may madawit  sa mga problemang kinakaharap nya pero talaga ngang mapaglaro ang tadhana dahil hindi nya na maiiwasan iyon dahil simula sa oras na ito ay nalagay na sa panganib ang bawat buhay nila.

Please:

⭐- VOTE

And

💬- COMMENT

Magical TeacherWhere stories live. Discover now