Magical 4

399 31 0
                                    

Pangalawang araw na nya ito sa trabaho  sa pagiging isang guro. Bumaba sya sa hagdan matapos makapaghanda para pumasok. Sumalubong sa kanya ang nagliliparang mga fairies. Naglilinis ang mga ito at binabati sya. Hindi naman nila ito inalipin. Sila ang nagpupumilit na gumawa ng gawaing bahay kahit hindi nila kailangan dahil isang pitik lang ng daliri nya ay gagalaw ang mga pang-linis at ito na ang lilinis sa bawat sulok.

Nang dumaan sya sa mga ito ay nakangiti itong bumati sa kanya kahit ang naintindihan lang nya ay ang maliit na tinig nito na kung magsalita ay puro hagikhik lamang. Tumango sya at ginulo ang buhok ng mga ito gamit ang daliri nya.

Umupo na sya sa upuang hinila ng mga ito. Maingat ring nilapag ng mga ito ang pagkain sa harapan nya. Inabutan sya ng kutsara habang natatawa syang nakatitig sa matabang fairies na binuhat ang kutsara nya. Sinamaan sya ng tingin nito pero hindi parin sya tumigil sa katatawa dahil kahit anong sama ang tinging pinakita nito sa kanya ay cute parin ito sa paningin nya. May mapupula kasi silang mga pisngi na natural lang sa kanila plus, ang mga mata nilang malalaki na katulad ng isang barbie doll. Kulay berde rin ang kulay ng mata nila katulad sa suot nito.

Nagsimula na syang kumain at panay tingin nya sa mga fairies na nakatayo ng tuwid sa gilid ng lamesa na parang mga katulong sa royal palace. Hindi nya mapigilang mapangiti kaya sabay syang sinamaan ng mga ito.

Pagpasok nya sa kotse ay kumaway pa ang mga ito sa kanya bago lumisan sa mansion nila.

Taas noong syang naglakad papasok at binuksan ang pinto. Agad nyang binuklat ang dalang payong ng bumuhos ang isang baldeng may tubig. Napanganga ang mga estudyante at napatayo mula sa pagkaupo dahil sa tubig na nagtalsikan.

Ngumiti sya sa mga ito at tiniklop ang hawak na payong. Tinabi nya ito sa gilid. Habang ang mga estudyante nya ay napasimangot sa palpak nilang plano.

"Class, I'm Juljen Gloria. I'm your New Adviser. Don't worry because I'm jut temporary gaya ng relasyon nyong hindi pang matagalan", narinig nya ang pag-tsk ng mga ito pero ngitian lang nya ang buong klase.

Kinuha nya ang chalk sa chalk box nasa mesa at sinimulang isulat ang buong pangalan nya sa blackboard. Ngunit, hindi na matanggal ang chalk sa kamay nya. Winawagaywag nya ang kamay nya pero hindi na ito matanggal. Dumikit na ang dalawa nyang daliring nakahawak sa chalk.

Tinaas nya ang kamay at napabuga ng hangin. What a Childish. Isang hagikgik ang narinig bago sya makalabas.

Tumayo naman ang mga estudyante at simulan ang pangalawang plano.

"Nandito na sya", sigaw ng isang nagbabantay sa pinto. Nagsibalikan naman sila sa kanilang upuan. Tumahimik sila ng pumasok na si Juljen. Napaatras si Juljen ng mapansin ang makintab na sahig na lalakaran nya.

Napataas sya ng kilay sa mga ito at ngumisi at iniwasang daanan ang nilagay na patibong ng pilyo nyang estudyante....

"Sorry Kid's but your plan is failed", wika nya at nilabas ang panyong nasa bulsa ng suot na palda. Nilatag nya ito sa upuan. Sinuot rin nya ang gloves na dala. Narinig nya ang mahinang daing nito dahil sa kapalpakan.

"Ulitin ko ang pagpapakilala ko.",tumikhim muna sya sa harap ng nakasimangot na mga estudyante nya."I'm Juljen Gloria. Your new temporary adviser in just six months. So, Students be kind to me if you don't want to know what I'm capable of", isang makapatay na ngisi ang binigay nya sa mga ito pero imbes na matakot ay isang halakhakan ang narinig nya mula sa mga ito. Halakhakan ng makita ang hindi pantay nyang ngipin at nilagyan pa ng braces.

"You make me laugh!", hindi matapos tapos ang tawa ng mga ito.

"Ew! What kind of teeth is that?!", maarteng saad ng babaeng nag ma- manicure sa kuko nito.

"A shark teeth!", kunwari pa itong takot na sinundan nito ng tawa.

"Ma'am Ugly. Saan po kayo nakatira?", natahimik ang lahat sa tanong ng isa. Napalingon sila sa kay Bad Genius kung kanila'y tawagin.

"Sa triangle132. Street", sagot nya rito.

"Akala ko sa malacañang kasi kayo si President Gloria..", everyone laughed and thought her classmate was right.

"Guy's, Alam nyo bang swerte tayo?", tanong ng isa sa kanila.

"Bakit naman?", tanong nila ng sabay dito. Nakakunot rin ang mga noo na
kunwaring  nag-iisip ang mga ito.

"Because we have two President. President Gloria and President Marcos..Pft hahahaha", isang masigabong tawanan ang maririnig sa classroom.

"President Gloria!", asar nila kay Juljen kaya napailing nalang nito. Hindi nya akalaing hindi ito natakot sa kanya. Akala nya mananalo na sya mula sa patibong nilagay pero nakalimutan ata nyang may matalino sa section Marcos.

Wala na syang magagawa kundi gamitin minsan ang natutunang mahika. Pero naisip nyang hindi pa ito ang tamang oras at mataas pa ang tali ng pasensya nya.

Mga bata pa ito at hindi alam ang minsang ginagawa pero hindi naman makatarungan ang mga pakulo ng mga ito sa tulad nyang guro.

Tama nga ang naririnig nya kahit saan na mahirap pakisamahan ang mga estudyanteng ito. It is difficult because they will not only hurt you physically but also emotionally.Gumagawa sila ng patibong para sa mga bagong guro at kapag nagtagumpay ito masasaktan ka plus, ikaw pa ang dehado dahil pagtatawanan kapa. Sanay naman syang laitin o pagtawanan lalo na sa ganyan nyang itsura pero ngayon lang sya nakatagpo ng ganitong hindi napapagod sa pinangagawa. Isipin mong sya ang ika-sampong pumasok dito at ang unang nagdaang mga guro ay nag resign kung hindi nagpa assign sa ibang lugar dahil sa kapilyohan, katigasan,kaguluhan at pambabastos.

Napailing muli si Juljen habang pinagmamasdan at hinayaan nyang laitin ng mga estudyante at kung anong bansag ang dinudugtong sa apilyedo nya. Natapos ang klase na walang ginawa ang mga ito kundi pagtawanan sya.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now