Ring~~~~
Ring~~~~
Ring~~~~Maririnig sa buong kwarto ang malakas na ingay. Nagmumula ang ingay na iyon sa cellphone. Paulit-ulit ang pagtunog nito. Hihinto sandali ng ilang segundo at magsimulang tumunog ulit.
Isang kamay ang hublot ng cellphone mula sa kumot. Nalaglag ang kumot sa sahig dahil sa pagbangon ng taong nasa loob ng kumot.
"Sino ba to? Pwede bang patulugin mo ako!", Sigaw nya sa kabilang linya. Hindi nya tiningnan kung sino ang tumawag, ang alam lang nya ay ginambala sya sa pagtulog nito.
"RHENZ! Brother! Gising! 6:00 PM palang ng gabi! Ang aga mo namang matulog", Reklamo naman ng kabilang linya.
"Ano ngayon kung maaga ako matulog?! Gusto ko matulog at saka kung wala kayong ibang sasabihin pa, papatayin ko na itong tawag", Reklamo rin pabalik sa kaibigang tumawag sa kanya.
"Wait-May bagong bar kaming na natuklasan at balak naming pumunta ngayon. Sasama ka ba?", Tanong nito.
"Sige..Sasama ako. Ibigay mo sa akin ang address at pupuntahan ko kayo", Sagot agad ni Rhenz. Hindi nya na hinintay ang sagot sa kabilang linya, pinatay nya na tawag.
Tumalon si Rhenz mula sa kanyang kama. Mabilis syang naligo at nagbihis. Excited sya sa sinasabing bagong bar na tagpuan ng kaibigan nya.
Nagwisik sya ng pabango sa kanyang paligid at nagsuot ng sapatos. Muli nyang inayos ng kunti ang kwelyong nagusot. Tinitigan nya ang kanyang sarili sa whole body Mirror.
Umikot sya ng ilang beses bago nya makitang maayos at masiyahan sa kanyang sinuot.
Inabot ni Rhenz ang susi ng kotse nya at cellphone. Bumaba agad sya ng hagdan at mabilis na umalis ng bahay.
**
Sinabayan ni Rhenz ng pagkanta ang musika habang nag drive ng kotse. Masaya at talagang nakakaindak ang musika na pinakinggan ni Rhenz.
Si Rhenz bilang isang kabataan ay mapusok hindi dahil sa babae kundi dahil sa pagiging malakas nitong uminom kahit anong klase ng alak.
Sya yung kabataan na hindi ka uurungan pagdating sa inuman. Gusto nya lahat ng alak, mahal man O mumurahin ay hindi nya pinalagpas. Sa tuwing nasa inuman si Rhenz ay hindi titigil hangga't hindi sya lumagapak sa kalasingan.
Minsan rin ay natuto rin syang mag sigarilyo pero hindi gaanong ka addicted pagdating sa pag inom. Kaya minsan napapasama sa rambulan si Rhenz dahil sa kalasingan nya.
Pagdating ni Rhenz sa sinabing bar sa address ng kanyang kaibigan ay agad nyang nakita ang mga ito sa labas ng bar. Bumaba sya ng kotse pagkatapos nyang iparada ang kotseng ginamit.
"Oh, bakit hindi pa kayo pumasok?", Agad tanong ni Rhenz ng makalapit sya sa dalawa nyang kaibigan.
"Hinihintay ka namin. Alam kasi naming dalawa kung gaano ka adventurous pagdating sa alak.", Sagot agad ng isa nyang kaibigan.
"Saka ka namin sinabihan dahil narinig naming may laro palang magaganap ngayon.", Sabat naman ng pangalawa.
Naunang naglakad si Rhenz sa loob ng bar, nakasunod naman ang dalawa sa kanya at binabanggit ang klase ng larong tinutukoy nila.
"Ano bang laro ang tinutukoy mo?", Tanong ng nasa kaliwa ni Rhenz, Ang unang sumagot kay Rhenz kanina.
Pagpasok nila sa loob ng bar ay sumalubong sa kanila ang amoy na pinaghalo ng pawis at alak. Hindi rin matukoy kung ano pa ang merong amoy na kanilang nalanghap sa buong bar. Halo-halo ang amoy sa paligid. May nakakasukang asim at matapang sa ilong na pabango at inomin.
Napakagulo ng lugar napasukan nilang magkaibigan. Hindi maiwasan ni Rhenz na takpan ang kanyang ilong dahil sa amoy ng paligid.
"Ito ba yung bar na natagpuan mo? Wala na bang iba?!", Sarkastikong sabi ni Rhenz sa kaibigang nagdala sa kanila sa lugar nito.
YOU ARE READING
Magical Teacher
De TodoMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...