Dedicated to: angelclaire0604 , Ms_Oreader and lastly, Princessmay134Nagsigawan at nagtakbuhan ang lahat ng estudyante papunta sa iisang building. Nagtataka at napailing si Juljen ng makita ang mga ito. Biglang may bumangga sa kanyang estudyante kaya nalaglag ang aklat nyang dala. Hindi naman nya kailangang magdala ng mga aklat. 'Props' nga lang ang maitatawag nya sa aklat nyang dala.
"Pasensya na po kayo ma'am", tinulungan sya ng estudyanteng nakabangga sa kanya sa pagpulot ng nalaglag na libro. "Hindi ko po sinasadya", paghihingi nito ng tawad habang binibigay sa kanya ang aklat.
"It's okay..Ano bang nangyayari bakit kayo nagtatakbuhan?", nagtataka rin kasi sya dahil sa kinikilos ng lahat. Biglang lumakas ang pintig ng puso ni Juljen dahilan para pasimple nyang hinimas ito. Bakit bigla atang syang kinabahan? Pakiramdam nya may naganap na may kaugnayan sa kanya.
"May sinapian daw na sampong estudyante sa isang section", saad nya na kinakunot ng noo ni Juljen.
"Sinapian? Nang ano? Multo?", Actually ang babaeng tulad ni Juljen ay naniniwala sa kababalaghan, mahika at ganyang paranormal activity dahil kahit sya mismo ay magagawa ang bagay na hindi magagawa ng normal na tao.
"Iyon po ang sabi nila kaya nga po nabangga ko kayo ma'am kasi nga gusto kung alamin kung totoo ang sinasabi nila..Malay mo Fake News pala yun", nakakamot na sabi ng estudyante. Napailing si Juljen at tumayo mula sa pagkayuko matapos pulutin ang mga aklat at papel na nagkalat. Pagtayo ni Juljen ay napalingon-lingon sya sa paligid at ngayon nya lang napansin na wala ng ibang estudyante maliban sa kanila. Tahimik ang buong hallway.
"Saan nga pala ang seksyong sinasabi nyong sinaniban?", tanong nya at nagsimulang maglakad sa hallway kasabay ang estudyanteng nakabangga sa kanya.
"Ayon sa kanila sa Section po raw kung saan ang mga estudyanteng matitigas ang ulo", agad napatigil si Juljen mula sa paglalakad kaya napalingong napatigil rin ang estudyante habang nakatingin sa kanya na may pagtataka sa mukha."okay lang po kayo Ma'am? Bakit kayo namumutla?", natarantang tanong nito kay Juljen ngunit hindi nya pinansin ang tanong nito dahil sa naiisip. Wala namang ibang estudyante O section kung saan may matitigas na ulo na estudyante. Walang iba kundi ang Section Marcos na advisory nya.
'Holy shit!' Hindi napigilang napamura sa isip si Juljen at walang pagdalawang isip na tumakbo kahit nakasuot sya ng itim na sandal na may 3 inches heels.
"Ma'am! Wait for me!", Narinig nyang sigaw ng estudyante ngunit hindi nya na ito pinansin dahil masyadong akupado ang isip nya para sa Section Marcos Or those hardheaded students.
"Excuse me?", usal ni Juljen sa mga estudyanteng nagkumpulan sa labas ng Section Marcos ngunit walang nakinig sa kanya dahil sa maingay na bulungan ng mga ito. Nakita rin nya sa unahan ang ibang guro habang hinaharangan ang mga estudyanteng nakikiusyo sa naganap sa loob.
"Paraanin nyo si Ma'am!!!!!", napalingon ang lahat ng may sumigaw sa likod ni Juljen. Pati si Juljen ay napalingon rin sa likod nya. Nakita nyang hinihingal pa ang estudyanteng sumigaw.
"Thank you", pagpapasalamat nya dito bago tumalikod at naglakad sa nasipagtabi na mga estudyante.
"Your Welcome Ma'am", saad ng babaeng estudyante na nakabangga sa kanya kanina lang at ang sumigaw na paraanin sya.
Pumasok sya sa loob at nanlaki ang mga mata ng makita ang nanlilisik na mga mata ng isa nyang estudyante. Si Nito. Itim na itim ang mga mata nito at walang makikitang puti. Malalaki rin ang eye bags nito na mapagkamalan mong nagpupuyat. Akala ni Juljen ay doon lamang sya nagulat pero nagulat sya ng makitang nakahandusay ang siyam nyang estudyante sa sahig ng classroom.
"What's Happening here?", bulalas ni Juljen at napatingin sa kay Mr. William sa tabi habang hindi inaalis ang titig ni Nito sa kay Mr. William. Nakatitig rin si Mr. William kay Nito habang napapalunok.
"M-s. Gloria! I'm glad that you're already here", dahang-dahang lumapit sa kanya si Mr.William at ang kaninang nanlilisik at nakatitig na itim na mga mata ni Nito kay Mr.William ay nalipat sa kanya. 'This is not Good!' sa isip-isip ni Juljen habang nakatingin sa kay Nito na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
"What's really happening here, Mr. William?", hindi inalis ni Juljen ang paningin kay Nito at ganun rin si Nito sa kanya. Wala na sa katinoan si Nito. Hindi nya na alam ang nangyayari sa paligid nya.
"I don't know.. Basta ang alam ko lang ay nakarinig ako ng sigawan dito mismo sa loob ng classroom nila. Pinuntahan ko sila para sana suwayin pero ito na yung nadatnan ko..Those nine students was in the floor lying down unconsciousness and only Nito who's standing in the center..", Mr. William explain.
"Wag po kayong mag-alala dahil-----", her word cut off when she sense a black magic coming from Nito. "Now, Im really in Trouble", Agad namang tinulak ni Juljen si Mr. William habang papunta sa kanila ang Black magic ball. Napahiga naman at napahawak si Mr. William sa likod dahil sa lakas ng pagkabagsak nya. Galit naman syang tumingin kay Juljen na nakatayo.
Hindi naman pinansin ni Juljen ang galit na mga mata ni Mr. William dahil kitang-kita nya ang pagdaan ng black magic sa gilid ng mukha nya at pagputol sa ilang hibla ng precious hair nya. Pinitik ni Juljen ng isang beses ang daliri para sanggain ang Black Magic dahilan para malusaw ito.
Nalusaw ang Black magic na tanging ang tulad nyang may taglay na White Magic ang makakagawa nun.
"Anong nangyayari sayo? Bakit mo ako tinulak?", napalingon sya sa kay Mr. William na hindi parin naka- get over sa nangyaring pagtulak ni Juljen. Hawak-hawak nito ang balakang.
"Pasensya na Mr. William. Nabigla lang ako sa nakita at nangyayari", she said even if It's a lie-- a half lie actually pero kailangan nyang magsinungaling dahil sya lamang ang makakita ng Black magic sa kanilang lahat na naroroon. Hindi ito kasi makikita ng ordinaryong tao dahil tanging sya O ang mga taong may mga magic ang makakita ng mga ito.
Nawalan naman ng malay si Nito at bumagsak ito sa sahig matapos makapagpalabas ng isang mahinang Black Magic. Na consume ang lakas nito dahil sa Black magic. Kahit mahina lamang ang Black magic na binato ni Nito hindi parin makapag-ilang titilapon ang ordinaryong tao kapag matamaan nito.
*******
E spoiled ko kayo kasi marami na akung nasulat na Chapter. Actually iyang dedication sa itaas ang tangi kung magagawa para mag pasalamat sa inyo dahil sa pagsuporta nyo sa Magical Teacher. I hope patuloy nyo itong suportahan hanggang dulo/ wakas..Wag nyong kalimutang
Mag- Comment , Vote and Share..
YOU ARE READING
Magical Teacher
DiversosMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...