CHAPTER 01

2.2K 32 0
                                    

MARA

"HOY, bakla ka, hinagilap kita kagabe. Bakit nawala ka nalang bigla, ah? Nashuhunga ako sa 'yung babaeta ka! Si Mamshie, ayun nagtampo sa'yo dahil nawala ka nalang daw bigla! Naku, at ang isa namang baklalush, nakita ka! Hinila ng Fafa! Sino yarn? Hindi mo man lang sinabing nakatuhog kana! Ano? Nakachuk--" Tinakpan ko kaagad ang bibig ng bakla at inikotan ng mata.

Kung hindi ko tatakpan ang bibig nito. Hindi rin ito titigil!

"Pwede ba bakla mamaya nalang yan. Ang sakit ng ulo ko e. Hilotin mo nga." Tinaas naman niya ang kilay at wala nalang nagawa. Pinaupo niya ako at pumunta naman siya sa likod at sinimulang hinilot ang sintido ko.

Nasa parlor niya ako ngayon. Byernes ngayon kaya may duty siya. Hinanap ko pa nga ito sa bahay niya e pero hindi ko alam na magtratrabaho pala ang baklang to ngayon. Sariling parlor shop niya ito. Ang BK Parlor And Beauty Shop. BK stands for Benidicto Kristen. Ayaw niya sa name niyang Benidicto dahil masyado daw pangalaki kaya gumawa siya ng palaway na Bena.

Nagkakilala kami noon sa pageant na sinalihan ko noon. Naging make-up ko kasi ito kaya simula noon, bumuo kami ng friendship at yon umabot na ng limang taon ang pagkakaibigan namin.

"Mara, tumawag sakin si Jojo kagabe at hinanap ka niya." Umikot ang mata ko at bored na bumuga ng hangin.

"Bakit, ano na naman ang kailangan ng manlolokong 'yun?"

"Ay ang harsh? Kung makaloko, may ebidensiya? Nanghihingi ng tawad ang tao, bakla."

"Psh! Kahit na. Kung ano ang nakita yon ang paniniwalaan ko! Nakita ko mismo sa dalawang mata ko bakla! Nakapatong ang tanlanding ahas na iyon sa boyfriend ko! At ni hindi niya talaga tinulak? Ano siya 'no choice'? tsk."

"Kahit na din. Sana man lang pinakinggan mo 'yung tao. Aba! Magpaka-martir karin paminsan-minsan, no! Naku, sa panahon ngayon bakla! Dapat ang babae na ang maghahabol sa mga lalaki! Ugh!"

Hindi ako sumagot pero hindi dahil sa wala akong maisagot. Kundi dahil may nakita akong isang pigurang tao sa labas ng parlor shop! Isang pamilyar na tao! Isang taong ayaw na ayaw kong makita ngayon!

Nakatayo siya sa labas ng parlor shop at madilim ang mukhang nakatitig sakin. Uminit ang pisnge ko nang maalala ang nangyare kanina. Sinipa ko siya sa ka gitna niya! Shuta! Patay pala ako nito.

"B-bakla.." Tawag ko kay Bena.

"Oh?"

"Tumingin ka sa labas."  Tumingin naman kaagad siya sa labas at namilog ang mata. Napapikit pa ako ng tumili ito.

"Uy! Si Fafa Liam andito! Naku! Naku!" Tiling tili niyang sabi at kumekendeng na nilkad ang pinto. Napapikit ako muli. Tumayo ako sa upuan.

Wala na. Defeat na, huhu.

Wala na akong magagawa. Andito na e. E, ayoko ring mapahiya at makaeskandalo din ako dito sa shop ng bakla.

"Welcome, Liam! Magpapagupit kaba? Naku, sobrang sara--gwapo mo pala sa personal." Nanggigil na sabi ng higad at inalalayan pa ang hudyo papasok sa loob.

Tiningnan ko ang hudyo na umupo sa isang silya habang hindi hinigiwalayan ang masamang titig sakin. Napalunok ako at nilapitan ang bakla na busy sa pag-aayos ng mga pangpagupit.

"Hoy." Tawag pansin ko dito at napatigil naman siya at nakapamewang na humarap sakin.

"Oh, ano na naman?"

Ngumuso ako at inabot ang kamay niya.
"A-ano kasi.."

Tumaas ang kilay niya.
"Oh? Ano?"

"A-ahh...pwede bang makisuyo, bakla?"

"Hmp. Ano naman?"

"Pwede bang paalisin mo ang hudyong yan? Sabihin mo, sarado na kayo." Namilog naman ang mata niya.

"Uh! Aba, bakit?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinulyalan ang hudyong nakatingin sa labas.

"A-ahh basta. Please lang, bakla? Promise! Bar tayo mamaya. Libre ko." Ngiti kong sabi dito upang magningning ang mata niya.

"Talaga? Sure na sure?"

Bibo akong tumango at ngumisi.
"Sure na sure."

Lumakad naman kagaad ito sa hudyo. Pinagkrus ko ang braso ko at tiningnan sila.

"Oo, e. Atsaka bumalik ka nalang sa susunod. Alam mo na..." Pilyong ngumiti ang bakla na ikinaikot ng mata ko. Humahaplos pa ito sa braso ni Liam--pwee hudyo pala.

Tuumango tango ang hudyo.
"O--kay, oh right. Yeah, maybe next time. Pero nadiyan ba si....si Mara? Pwede ba siyang makausap?" Nanlaki ang mata ko at kinakabahan. Hindi pwede!

"Ha? Si Mara? Oo, andito naman? Bakit, may kailangan ka?" Tanong ng bakla. Nataranta ako at hindi na alam ang gagawin. Uuwi! Tama! Uuwi na ko!

"Yeah. Where is she?"

Nahagilap ng mata ko ang isang pinto na sa pagkakaalam ko ito ang Exit. Dali-dali akong humakbang pero may biglang humatak sa braso ko paharap!

"Where do you think you're going?" Baritonong tanong ni Liam na nagtatagis ang bagang. Nanlambot ang mga tuhod ko. Talagang affected sa presensiya niya!

"Uuwi. Saan pa nga ba?" Pilit kong tarayin siya. Tingnan natin ang amats mo.

Umigting naman ang panga niya at hinagilap ang braso ko bago inilapit ang katawan niya sa katawan ko. Ramdam ko na ang init sa paligid upang uminit din ang  katawan ko.

Putik!

"B-bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko pero nginisihan niya lang ako.

"Do you think I'm stupid to do that? After you left me with blue ball, huh? You kick my little friend, Mara! And you think papalagpasin ko yon? Now you're trap." Galit na sabi niya at agad akong hinila palabas ng shop. Sigaw ako ng sigaw sabay piglas pero mukhang walang gana iyon. Hindi ko rin siya masipa dahil nung tangkain ko siya ay bigla niya nalang akong binuhat na parang bigas!

"Rapist! Harassment! Tulongggg!! Please!" Sigaw parin ako ng sigaw pero wala talagang epekto. Hanggang sa marating namin ang kotse niya. Hingal na hingal na ako na tumingin sa kaniya na nasa driver seat.

Tinuro ko siya.
"Ikaw. Sisiguradohin kong mababaog ka dahil sa ginagawa mo sakin." Tumawa naman siya habang umiiling.

"Nah-uh. That's not gonna happen."

"At paano ka naman nakasisiguro?"

Pilyo siyang ngumisi na ikinalunok ko.

"We will continue what we made last night."

No... 

bebewithu

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon