PROLOGUE

3.3K 46 1
                                    

PROLOGUE

Napadaing ako dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Lasing ako kagabi kaya aware na ako na kikirot na naman ang ulo ko tapos magsusuka. Argh. Parang morning routine ko na ata ito.

Kahit nakapikit ay tinukod ko ang isa kong kamay habang ang isa ay hawak-hawak ang ulo ko at bumangon sa kama. Bigla akong nakaramdam ng gaan sa katawan.

Para bang ang gaan sa pakiramdam ko ngayon? Pero may mali.

Alam kong mali, eh.

Dahan-dahan kung ibinuka ang mata ko at muling na naman pumikit. Ang sinag ng araw tumama mismo mata ko! Putik!

Kinusot ko iyon at itinagilid ng katawan. At doon na talaga ako natigilan! Minulat ko ang mata at kinapa ang katawan.

"Arggh!!" Namimilipit kong sigaw at agad bumaba sa kama. At sa hindi inaasahan. Nahulog yung kumot sa baba at ngayon kitang kita ko na talaga ang hubad na hubad kong katawan.

As in, hubad talaga! Bwesit!

Kinuha ko ang kumot na nahulog at pinulopot iyon sa katawan ko.

"Why are you shouting?" Napaigtad ako nang biglang may nagsalita. Nag-angat ako nang tingin at doon na tumama ang mata ko sa dalawang berdeng pares na mata.

"Ahhhhhh!" Malakas akong tumili at agad tumakbo palabas sa kwartong iyon. Hindi pwede! Hindi ito totoo!

Pinihit ko ang doorknob pero malas! Nakalock iyon! Arggh! Bakit ang malas malas ko naman? Kailangan ko ng makaalis sa lugar na to! At baka maabutan pa niya ako, ahhh!

Hindi, hinding hindi pwede.

Pinilit kong pihitin pa iyon, nagbabasakaling mabukas iyon pero hindi.
Ang tanga tanga ko!

"Mas lalong hindi ka makakalabas dito pag pinilit mo pa iyan." Napahinto ako at napapikit ng mariin. Bakit? Bakit siya pa Lord? Parusa ba ito? Hindi ito pwede. May nangyare, alam ko iyon. May nangyare samin!

Humigpit pa ang hawak ko at nagtaas at baba ang dibdib dahil sa hingal. Tahimik na ang paligid at tanging ang paghinga ko nalang ang maririnig.

"Tatakas ka pa sa lagay mo na iyan? Seriously, Mara?" Bakas ang inis sa boses nito. Nagbuga ako ng hininga at pumihit paharap dito.

"Bakit? Ano bang pakealam mo? Wala namang masama kung ganito ang suot ko kapag lumabas. May takip, oh. Mas nakakahiya kong nakahubad akong lumabas, diba?" Mataray kong tanong dito at napatiim-bagang naman siya.

"Ofcourse! And you think I'll let you go after we made love last night? Kahit ano pa ang suot mo, hinding hindi kita hayaan na makalabas kung hindi mo ako kasama." Nalaglag ang panga ko.

"A-anong...anong made love ang pinagsasabi mo diyan? Masiyado ka namang assuming! Kahit boss kita at gwapo ka. Hinding hindi kita papatulan." Pangbabara ko dito at natawa naman siya.

"Oww. How lovely you are, huh? Sino ba satin ang unang nanghalik ah? As much as i remember. Youre enjoying what we've shared last night. You, screaming, while moanin--"

Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ang bibig mo, S-sir!"

Hindi niya ako pinansin at tumalikod siya at tinuro ang likod niya. Nagulat naman ako nang may makita akong scratches at bakas padin ang dugo doon.

"You see? You made that. Nasobrahan ata ang pagpapaligiya ko sayo kagabi dahil grabe din ang tinamo ko sayo. You even bite my shoulder."

Nalukot naman ang mukha ko. Humarap siya ulit at sa pagkakataong iyon humakbang na siya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging shorts lang ang nasa ibaba niya.

Hinarang ko ang dalawa kong kamay sa harapan ko.

"Wag kang lumapit! Diyang kalang--Ahh!" Napatili ako nang hawakan nito ang balikat ko at sinandal ako sa pinto.

Sumigaw ako. Sigaw ako ng sigaw at pilit kumakawala sa hawak niya pero mas lumala iyon! Kinuha niya ang pulsuhan ko at itinaas iyon. At doon inilapat niya ang labi niya sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw. Nang matauhan ay buong lakas ko siyang sinipa sa gitna ng hita niya.

Uh-oh...

"Fuck!! Argggghh!" Napaupo siya sa sahig habang hawak ang gitnang bahagi at namimilipit sa sakit. Namumula pa ang mukha niya. Napalakas ata ang sipa ko, hehe.

Habang nagsisigaw siya sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataon na hanapin ang susi at nagtagumpay naman ako. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamp table. Nang makuha ay agad kong tinakbo ang pinto binuksan iyon.

"AMARAAA!!" Dinig ko pang sigaw nang makalabas ako. Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas. Makakatakas narin ako.

Phew.

Hahakbang na sana ako nang may bigla akong maalala...

Napapikit ako.

Wala pa pala akong suot na damit!

bebewithu

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon