CHAPTER 14

1K 15 0
                                    

NAMUMULANG tumingin muli si Amara sa lobby kung saan naroon si Liam kausap ang binabaeng si Avyanna.

Kaya pala ang ganda ganda! Binabae pala!

Nakakahiya talaga ang inakto nitong pagseselos sa binabaeng iyon.

Nagseselos sa bakla? Ano iyon, Amara!?

Napasapo siya sa noo at frustrated na bumuga ng hangin saka napahagikhik mag-isa.

Yung mata niya at yung maamong mukha na ikinaiingit niya kanina. Fake!

Natawa siya sa sarili.

Hindi naman kasi ako nainform na kaliwa pala iyan! Hindi halata sa mukha e! Sobrang ganda non. Makinis ang balat. Sexing-sexy sa suot na dress. At ang genuine pa!

Pero ang totoo. Peke lahat ng iyon. Plastic surgery!

Sinabi kanina ni Liam sa kaniya na kaibigan niya pala iyon si Avyanna. Simula nung elementary pala ay kaibigan na niya ito.

Hindi naman daw ito bakla noon kasi lalaking lalaki ito. Simula sa pananamit. Sa pananalita. Pero noong nag college daw sila ay nawala daw ito at doon niya nalaman na bakla daw at naroon na naninirahan sa Florida. At ang nakakatawa pa. Noong bumalik ito sa pilipinas. Hindi na niya ito nakilala at napagkalaman pang baliw.

Pero nang makita niya itong kasama ang ina. Doon siya parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Nahimatay daw ito ng  sampung minuto. Hindi makapaniwala.

Natawa siya sa isiping nagulat talaga ang binata. Sino naman hindi magugulat. Kaibigan mo ng ilang taon at hindi mo alam na may hide agenda pala iyon. Tapos magugulat ka nalang isang araw. Ang kaibigan mong akala mo straight.

Kaliwa pala.

"Hey.." Napatigil siya at nawala ang ngiti sa labi ng marinig niya ang boses ng binata. Napalingon siya sa gilid at doon nakita si Liam na nakangiti sa kaniya.

"Oh? Tapos na kayo mag-usap?" Taka niyang tanong. Nakita niya kasi sa likod ang kaibigan na nakatayo at may kausap sa telepono.

Nang magtama ang paningin nila ay bigla siyang napangiti dito ng nakahihiya.

Nagkibit-balikat si Liam.
"Oo, may iniintay lang siya pero mamaya mawawala din iyan." At umoing-iling ito.

Napatango naman siya. Hindi na makapagsalita. Simula noong kanina ay naiilang na siyang makipag-usap dito.

"Are you okay?" Tanong nito sa kaniya nang mapansin nito ang pananahimik niya.

Umiling siya dito pero pareho silang natigilang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa niya.

Agad niyang kinuha ang cellphone at tiningnan ang screen. May nagtext sa kaniya. At nakita niya ang pangalan ng kapatid niya kaya kaagad niya iyong binuksan.

From: Maru

Mara, si mama.

Agad naman siyang kinabahan sa text nang kapatid kaya kaagad niyang tinawagan ito.

"Hello, Maru?" Nagpapanic niyang bungad dito. Hindi niya pinansin si Liam na nakakunot na ang noo na nakatitig sa kaniya.

Napakagat siya ng labi.
"Maru, anong nangyare kay mama?" Mali ang iniisip ko. Please, mali 'to.

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon