CHAPTER 03

1.6K 23 0
                                    


MARA

"I want you to be my wife, Ms. Ramos."

Napanganga ako sa sinabi ni Liam sa harapan ko. Seryoso ang mukha niya at wala ka talagang makikitang bahid na pagbibiro sa mukha nito.

Nangtritrip ba ito? Ang galing umakteng!

Kabado ako ngayon at nanginginig pa ang kamay. Ano ba ang nangyayare sakin?

Tumawa ako ng pagak at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Trip ba iyan? Bakit mo naman ako aasawahin? E, nitong mga araw lang tayo nagkakilala. Tsk, amats mo talaga, boss. Iba nalang lokohin mo!"

Napaawang bibig niya.
"W-what!? Hey, I'm not kidding here! I am f'cking serious, Mara! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"E, sa ayaw ko! Wala akong pakealam, okay? Ayokong maging asawa mo! Tapos!"

Hilaw siyang tumawa.
"Godness! Listen, lady. Dad, tell me yesterday. Magbibigay na siya ng mana at gusto niya mag-asawa na daw muna ako bago niya ibigay sakin ang mana at ang Alister! So, please? Tulungan moko."

Inikot ko ang mata at tiningnan siya sa mata.

"Makinig kadin sakin, Lalaki. I am the secretary of the CEO in your father's company. Dalawang taon akong nagsilbi sa kompanya ninyo at tapat din ako sa responsibilidad ko. Pinagkakatiwalaan rin ako ng ama mo at ayaw ko ring madismaya siya sakin. Anak ka niya kaya responsibilidad rin na sundin ka." Nagliwanag naman ang mukha niya.

"P-pero....alam mo iyon? Hindi pwede eh. Kung aasawahin moko para makuha mo ang mana mo. Hindi kapani-paniwalaan yon, g'go! Hello? Sekretarya ako ng daddy mo! Kilala na niya ako kahit sa mga naging boyfriend ko! A-at saka, hindi niya aakalaim na, a-ano...maglilive-in tayo."

Mukhang naintindihan na niya dahil kita ko ang paglukot ng mukha niya at sinabunutan pa niya ang sarili.

"Right. Arghhh. So what should i do? Kailanagn ko ng makuha iyong mana at yung kompanya. I've waited this for so long. D'mn it." Sabi niya sa mababang boses.

Tinaasan ko siya ng kilay.
"May utak kaba? Syempre ang gawin mo, humanap ka ng true love mo! Chukchakan mo tapos buntisin! At tapos! Wala ka nang problema!" Sermon ko pa sa kanya. Para na akong tanga sa lagay ko ngayon.

"At saka, kalagan mo na ako!" Agad niya akong kinalag at napahinga ako ng maluwag.

"Sa wakas! Sige, isipin mo na ang problema mo ngayon. At pwede ba? Wag mo na akong idamay ah? Sige, alis na ako." At tumalikod na ako pero akmang hahawakan ko na ang siradora nang biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko ang lalaki sa likod ko na naka-pout.

"Ano?" Bored kong tanong dito.

"Uhm, pwedeng ikaw nalang? I mean, may nangyare naman satin and there's possible na may mabuo diyan. I'm begging you, Mara. Pero kung ayaw mo naman sa ganitong set up. I'll make you fall in love with me and same as yours. Kaya ko namang maghintay. Hindi kita mamadiliin." Aniya. Bakit pa niya ginagawa to? May ibang babae naman na mas deserve siya ah? Hindi ko talaga siya maintindihan. Nakakagulo siya.

Bumuntong hininga ako.

HINDI. Hindi ang isinagot ko sa kaniya at umalis na ako sa lugar na iyon. Hindi ko siya makuha sa punto niya. Desperado siya na makuha ang mana at kompanya ng kaniyang ama pero bakit hindi siya humanap ng mas madaling babaeng makukuha niya? Bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sakin? E, ayokong magkaroon ng kasalanan. Ang magpanggap? Kasalanan na iyon sakin. Pagdating kasi sakin, ayaw ko ng maling desisyon kaya ako nagiging mataray.

Isa iyon sa talento ko. Sa pamamagitan ng pagtataray nakukuha ko agad ang gusto ko. Sa pamamagitan ng pagtataray ko, walang nagtangkang basagin ang image ko.

"Have a mercy on your chicken, R." Nagulat ako sa pagsulpot ni Hira sa harapan ko. Nasa building ako ngayon ng mga Alister at nakaduty. Kahit masakit ang ulo ko ay pumasok parin ako kasi kailangan na kailangan ako dito sa kompanya. Kasalukuyan lang akong naglu-lunch sa canteen pero sa tingin ko pinapatay ko na ang sarili ko. Kasi imbes na kumain. Tinitigan ko lang ang pinggan ko at at ngayon gutay-gutay na ang manok sa plato ko.

I sighed once again and rested my head on the table.

"Five, ika limang buntong hininga mo nayan, R. Should I call a person to Cpr you and gain some more air on your body? Baka mamaya mahimatay ka na diyan." Panunuya pa nito. Katrabaho si Hira at ito ang naging kaibigan ko dito sa building. Nasa engineering department building siya at ako naman ay nasa Design & Magazine's Building.

Sabay kami nitong nag-apply noon kaya ganun narin katagal ang pagkakaibigan namin. 'R' ang tawag niya sakin dahil nahahabaan daw siya sa pangalan ko. Tamad yang taong yan e. Actually, 'R' stands for Ramos. At ang tawag ko naman sa kaniya ay 'G' stands of her surname. Gomos.

"May tanong ako, G."

"Hmm?" She hummed and sipped on her coffee.

"Kapag may nagyaya sayo na magpakasal at maging asawa. Papayag ka?" Tanong ko dito. Tumaas noo niya at inikot ang mata.

"Of course. Mahal ko 'yung tao eh."

I shook my head.
"No. You don't understand. What I mean is. Hindi mo boyfriend or suitor, yung kakilala niyo lang ng ilang araw at in-offeran ka niya na maging asawa niya just because of a lame reason."

She nodded, understand what I said.
"Okay. So, just like a novel? May lalaking nakilala mo ilang araw na ang nakalipas and, he offer you to pretend to be his wife? Or something like that? Kasi nga diba, may reason siya kung bakit ka niya inalok ganyang kabigat na rule. P-pero, R. Ang gulo..."

Kumunot ang noo ko. May point siya sa sinabi niya. Pero may mali parin akong napapansin.

"Sa mga novel na nababasa ko, R. When a boy offer a girl to be his wife. There's a possibility na magkahulugan kayo sa isat isa. Kung! Papatagalin niyo yan! But, wait. Did he said that this is just pretend or something na, he offer you kasi may something na nangyare sa inyo and he's blackmailing you! Oh no. Ang lame non. Oh, baka naman---uh wait, wait. Para san ba yan, R? Is there something wrong? Ikaw ba ang taong in-offeran ng guy, Mara? Kaya ba kanina ka pa tulala?"

I sighed. Maloloka ako kung hindi ko sasabihin sa babaeng to ang tungkol don. I believes, secret is just nothing kung hindi rin mabubulgar. Walang sekretong hindi mabubunyag.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagsalita.
"Yes. There's a guy who offer me, G."

Namilog naman ang mata ni Hira.
"For real?"

Tumango ako.
"S-sino?" Gulat parin nitong tanong.

"S-si Mr. Liam Alister."

Mas lalong lumaki ang mata niya. Natuptop nito ang bibig at gulat na napatingin sakin.

"Oh. My. God!" Alam siguro nito ang privacy. Tumili ito ng pabulong at kinurot pa ang tagiliran ko. Ouch ang sakit non! Napadaing naman ako at pinalo ang braso niya.

"No way. Totoo talaga? A son of the CEO of this company is offering you to be his wife? Magpre-pretend kayo, ganun?" Umiling ako. Tama naman. Wala itong sinabing magpanggap kami. He said earlier, 'I want you to be my wife'. May laman ang salitang iyon. Sigurado ako. Ang pagkakaintindi ko lang talaga kanina ay ang magpapangga kami pero ngayon naiintindihan ko na.

Should I agree? Matulungin akong tao pero hindi ko naman matatanggap ang offer na iyon. Naguguluhan parin talaga ako.

Siguro kailangan ko lang pag-isipan 'yun.

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon