CHAPTER 08

1K 23 0
                                    

MARA

"Are you fucking kidding me, Ramos?"

Sumingkit ang mata ko at namewang sa harapan niya.

"At minumura mo na ako ngayon?" In is kong sabi dito. Namula naman ang mukha niya at hinilamos ang palad sa mukha. He looked pissed.

"Shit--sorry." Bulong niya. "I don't like that gay, Amara. Wala sa isip ko na magkakagusto ako sa bakla for pete's sake, okay?" Sabi nito at kinakalma ang sarili.

Bumuga ako ng hangin at gumaan ang pakiramdam.

"Okay. Bakit kaba nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"You surely asked that, huh?" May panunuya niyang sabi. "Of course, someone left me confused in that situation in restaurant and never comeback. Pinag-alala mo ako sa mga nangyayare sayo. What's wrong with you anyway?"

I shrugged and titled my head dahil inaantok na talaga ako.

"Sorry kung umalis ako. Nakakainis ka kasi." Maliit na boses kung sabi habang naglalakad patungong sofa at inihiga ang sarili don.

"What? I didn't know you're pissed just because of that food. Wala akong nakikitang nakakainis don. I'm just pertaining that it's not stin--"

"Oo na! Paulit ulit? Baka naninibaguhan lang ako. Nakakasuka kasi ang amoy e. Masisisi mo ba ako?" Putol ko dito at hinilata ang ulo sa headrest ng sofa.

Nakakapagod pala ang araw na to. Para akong nagtrabaho buong araw e, hindi naman.

Maya maya ay biglang tumunog ang tiyan ko na ikinapikit ko. Hindi pa pala ako kumain mula kanina. Nakakainis kasi itong hudyo e.

"You're starving now. Do you want something? I'll order." Sabi ng hudyo na nakatayo parin sa harap ko.

Bigla akong natikim sa pagkaing nasa isip ko.

Nagtagis ang bagang ko.
"Gusto ko ng mangga na hilaw na may bagoong. Yung pula. At saka mayonnaise at patatas na may sili at grapes na rin. Hmm.."

Napaawang naman ang bibig ni Liam.
"What the..."

"Iyon ang gusto mong kainin sa gabing to, Ramos? Are you kidding me? It's already 6 in the evening!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"E gusto ko yun e! Ano bang pakialam mo? Kung ayaw mo, edi mag sabi ka! Hindi yung puro ka reklamo. Makaalis na nga." Akmang tatayo na ako ng bigla niya ako hinawakan sa braso.

"Fuck. Okay. I'll buy what you want." Sabi nito at tumalikod na. "I can't believe I'll buy this fucking things for that woman." Dinig kong bulong niya na rinig ko naman.

I hissed and take a nap. Hindi ko alam na maya maya lang ay nahila na pala ako ng antok kakahintay sa hudyo nayon.

Sobrang nakakapagod na talaga.

"Baby...."

Nagising ako sa marahan na haplos sa buhok ko. Naimulat ko ang mata at bumungad naman sakin si Liam. Nakangiti ito. Umupo ako ng maayos at doon ko nalang napansin na nasa kama ko na pala ako.

"Hindi ko alam na mas maganda ka pala kapag tulog." Sabi nito na ikinaikot ng mata ko. Pero napansin ko ang mga paru-paru sa tiyan ko na naghahatid ng kiliti sa buong sistema ko.

Shit. Ano yun?

"Tsk. Bolero." Iwas ko dito. At napasulyap sa lamp table ko na hindi ko alam na may tray na pala na nakalagay doon.

Napangiti ako sa isipan ko dahil tinupad niya talaga ang gusto ko.

"I'm sorry at natagalan ako sa pag-uwi. Hinanap ko pa kasi kung saan pa bibilhin ang mga gusto mo. Halos maikot ko na ang buong manila." Sabi ni Liam at kinuha ang tray at saka dinala iyon sa kama.

"Salamat. At sorry din dahil nakatulog ako. Nakakapagod kasi e. Anong oras na pala?"

Tumingin siya sa wrist watch niya bago tumingin sakin.

"Ten-thirty."

Lumuwa ang mata ko.
"Ano?!" Tumango siya.

"A-at ganon ako katagal natulog?"

"Hmmm. Natagalan din naman ako sa pagbili ng gusto mo. At pag-uwi ko, nakita nalang kita na nakatulog sa sofa kaya binuhat nalang kita at dinala rito sa kwarto mo. I'm sorry about that." Agad akong umiling.

"No. Okay lang. Salamat pala." Ngumiti na ako.

"Why'd your mood suddenly change?" Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ha?"

He shook.
"Nothing."

"Kain kana." At miniwestra niya ang tray.

Nakangiti naman akong kinuha ang mangga. Talagang nakahanda na ah.

"What are you doing?" Taka niyang tanong na ikinatigil ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Kita ko ang laki ng mata niya. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang doon sa iginawa ko.

Tiningnan ko ang gawa ko. Wala namang mali ah.

Inilagay ko lang naman ang mangga sa mayonnaise na may sili at pati narin ang patatas at grapes.

"Isasaw-saw mo yan diyan?" May pandidiri niyang tanong.

Tumango ako.
"Hmmm. Masarap kaya. Gusto mo?"

Agad naman siya umiwas at ngumiwi.

"Shit. No way."

I rolled my eyes.
"Arte."

"You sure na hindi sasakit ng tiyan mo diyan?" Maya maya ay tanong niya.

Nilunok ko ang kinain ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Bakit naman sasakit ang tiyan ko? Masarap kaya to!"

Umiwas siya ng tingin.
"This is bad." Mahina niyang bulong.

Itutuloy...

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon