CHAPTER 05

1.2K 28 0
                                    


MARA

Kanina pa ako binabalot ng kaba habang pinagmamasdan ko si Liam na nagmamaneho ngayon patungong restaurant na sinasabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Masyado siyang maarte dahil dinamdam niya talaga kanina ang pagtampal ko sa pwet niya.

Shock!

Nag-init ang pisnge ko nang maalala ko ang nangyare kanina sa Canteen. Naiinis kasi ako sa paghila niya sakin! Ni hindi pa ako nakakain ng maayos dahil sa kaniya.

At aaminin kong nahihiya ako sa ginawa ko kanina dahil talagang pinagtitinginan kami ng tao nung pinalo ko siya sa pwetan niya.

Shocks! Nakakahiya pala talaga ng ginawa ko!

Mag-sosorry ba ako sa kaniya?

Tinjngnan ko ulit siya. Nagtatagis ang bagang niya at madilim ang mukha habang nasa labas ang tingin.

Huhu.

Umiwas ako ng tingin at napanguso.

"Don't pout me, Ramos." Napaigtad ako at napatingin kay Liam nang magsalita ito. Nasa daan parin ang tingin nito. Nangunot ang noo ko.

Nakita niya pa iyon?

"I saw you're pouting in my side-eye, Ramos."

Pati isip ko nabasa niya?

"Of course. Your expression is so damn obvious."

Napasimangot ako.

"Liam--"

"Shut up."

Mas lalong bumaba ang labi ko.

"Alam ko namang---"

Nagulat ako nang hinampas niya ang manibela pero nasa daan parin ang tingin.

"I said shut up." Matigas niyang pigil.

Umikot ang mata ko at tumalikod sa kaniya.

Ang sungit sungit. Mas maaga siyang tayanda niyan at hindi makakapag-asawa. Bakit ko ba pinatulan ang isang 'to?

Hindi ako makapaniwalang may nangyare samin. Talagang hindi ako makapaniwalang natalik ko ang boss ko sa isang gabe.

Napaigtad aking kinauupuan nang may nag-vibrate sa bag ko. Kinuha ko iyon at nang makita ang pangalan ni Jojo sa screen ay umikot ang mata ko at hindi nalang pinansin ang kung ano man ang nasa isip ko ngayon.

Sinagot ko ang tawag at hindi pinansin ang titig na nasa gilid ko.

"Oh?" Bungad ko.

Rinig ko ang singhap sa kabilang linya.
"Amara! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Nung isang araw pa kita hinahanap. Hayaan mo akong mag-explain, babe. 'Yung nakita mo sa bar. Misinterpretation lang iyon, Amara. Please.. "

Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. Para kasing may bumara na naman sa lalamunan ko at biglang sumikip ang dibdib ko.

"Sige nga. Explain mo sakin yung nakita ko, Joseph? 'Yung pagkandong sayo nang babaeng yon at ang paghalik niya sayo. Explain mo nga iyon kasi baka namisinterpret ko lang din iyon." Sakastiko kong sabi. Pinigilan ko talaga ang bugso ng damdamin ko.

Pero biglang nag init ang gilid ng mata ko.
"Ano? Hindi ka ba magsasalita diyan? Ibaba ko na ito."

"Amara. Magkita tayo. Gusto kung i-explain sayo nang personal. Gusto kong maayos ang lahat ng to please."

"Sige."

Rinig ko naman ang maluwag niyang paghinga.
"Salamat. Magkita tayo sa park. Doon malapit sa bar na pinagtratrabuhan ko."

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon