CHAPTER 06

1K 23 0
                                    


MARA

Ngumiti ako sa waiter nang inabot nito sakin ang menu. Sinulyapan ko naman si Liam at nahuli ko itong nakatingin sakin ng seryoso.

Shit.

Napalunok ako na iniwas ang tingin at tinuon nalang ang atensiyon sa menu. Nang may mapili na ako ay sinabi ko kaagad ito sa waiter at ganun din si Liam.

Walang nagsalita samin ng umalis ang waiter at kumalumbaba nalang din ako.

Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kaya hindi ko maiwasang mailang.

Wala akong lakas ng loob ngayon dahil naghihina ako at wala sa mood.

Itong isa naman. Nag abala pa at dinala pa ako dito sa resto ng kaibigan niya.

"Amara." Napasulyap ako kay Liam ng tawagin ako nito.

"Oh?" Taas noo kong sabi.

"About the offer. Would you mind if I open that topic? If that doesn't bother you." Kalmado pa niyang sabi.

Ngumiti ako dito. Hindi peke ah. Wala ako sa mood makipagtaray e.

Kita ko naman siyang napalunok dahil sa ngiti ko. "Ayos lang. Sa totoo nga, gusto rin kitang kausapin tungkol don." Nakangiti ko paring sabi. Siya naman ay parang hindi makapaniwala sa inakto ko.

Natawa ako.

"D-did you just smile at me?" He stuttered.

I arched my brows. Ang arte ng reaksiyon niya, para talaga siyang bakla.

"Bakit? Is my smile bother you?" Natatawa kong sabi. "Masaya lang ang pakiramdam ko sa hindi malamang kadahilanan." Dagdag ko pa. Kita ko naman siyang napailing at ngumiti kalaunan.

"Yeah. Sorry about that." Paumanhin niya.

Saktong dumating na ang order namin kaya nagpasalamat ito dito ay inihanda sa hapag.

Hindi ko alam pero magaan talaga ang pakiramdam ko ngayon kahit parang naghihina ang katawan ko. Para kasi akong lalagnatin.

"Here. Taste this. Ito ang specialty na recipe ni Carlos dito sa resto niya." Inabot niya sakin ang adobong manok. Ngumiti ako at lalanghapin na sana iyon nang biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Napatakip ako sa ilong ko.
"Ang baho niyan, Liam! Ilayo mo nga yan!"

Para akong nasusuka sa baho ng adobo na iyon! Ano bang klaseng recipe'ng iyan?

Kumunot naman ang noo ni Liam at nilanghap ang adobo kaya napangiwi ako.

"Its not, Mara." Nakakunot niyang sabi at tinikman pa iyon. "It's so delicious. Here taste it--"

"No! Ayoko, mabaho nga! Ayoko ng amoy nayan!" Pilit kong tinataboy iyon kaya wala naring magawa si Liam at nag tawag pa ng waiter.

"Change it with macaroni." Rinig kong sabi niya sa waiter. Tumango ang waiter.

"Yes sir. Wait for two minutes." Ngumiti dito si Liam at tumango bago ito tumalikod.

Nang magbaling ng tingin si Liam sakin ay nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng kunot noo.

"What happened, Mara? That food is not stink as i smell it." May bahid na inis niyang sabi. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita ko ang inis sa mukha niya. Gumagalaw din ang perkpektong panga niya na para bang nagpipigil ng inis.

Nag-init naman ang mata ko.

"So, you're telling me that I'm lying?" Naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Then what happened? Bakit ka nababahoan sa adobong iyon e, hindi naman mabaho iyon. I'm not saying that your lying. I'm just saying that, that food is not stink." Naiinis niya paring sabi. Nanikip naman ang dibdib ko at nainis bigla.

Padabog akong tumayo na ikinaigtad niya. Tinapon ko sa mukha niya ang handkerchief at suminghot.

"Edi, kumain ka mag-isa mo!" Sigaw ko sa kaniya at nag-martsa palabas.

Bahala siya sa buhay niya! Siya pa ang may ganang mainis huh?

"Mara! Come back here!"

LIAM

Gusto kong murahin ang sarili dahil sa ginawa. I feel so dumb because Mara is now out of nowhere. Hindi ko na siya mahanap sa buong mall.

Shit.

I confused what she act today. Kahit gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa inakto kanina sa harap niya ay hindi ko ring maiwasang magtaka sa inakto niya. Lalo na 'yung sa food. She's so damn confusing.

Hindi ko sinasadiyang mainis sa kaniya kanina, it's just. It's just I can't help but to act like that. Hindi naman talaga mabaho ang adobo. Hindi naman ganon magluto si Insan e. It's their specialty, of course.

Come to think. Nag-iiba ang mood niya, i noticed it. When we're at the canteen and the car, she's so surly. Ang sungit sungit. Pero nang madala ko siya dito sa resto, she become so adorable. Smiling and giggling. Just what the hell?

Is she a bipolar person?

Ipinilig ko ang ulo at tinuloy ang paghahanap sa kaniya. Damn, woman. Where are you?

MARA

"Akala ko hindi mo na ako sisiputin." Bungad na sabi ni Jojo nang makalapit ako sa kaniya.

Hindi ko siya sinagot dahil masama parin ang loob ko. Hindi ko alam pero naiinis ako minsan kinikikig. Ewan ko ba! Basta naiinis ako sa pagmumukha ni Liam.

Nakakainis siya dahil hindi man lang niya ako hinabol! At ang mas malala doon, ginawa niya pa akong sinungaling.

Mabaho naman talaga ang adobong iyon. Ayaw ko sa amoy na yon, para akong masusuka dahil sa baho. Hindi ba nalulugi ang resto nayon?

"Nakikinig kaba sakin, Mara?" Nagulat ako nang makita ko sa harap si Jojo na naiinis na nakatingin sakin.

Ang lutang ko naman ata para hindi siya mapansin.

"H-ha?" Maang-maangan kong sabi.

Umismid siya at hinawakan ang balikat ko.

"Sorry na. Patawarin moko sa nagawa ko sayo. H-hindi ko uulitin iyon." Mahina niyang sabi sakin. Bakit ba ganito? Parang wala na akong nararamdaman sayo, Jojo?

"Sorry rin, Jojo. P-pero.." Nagbaba ako ng tingin.

"Pero? Ano?"

Tumulo ang luha ko.
"Hindi ko na maipaglaban ang relasyon natin. Ayoko na." Deritso kong sabi at tumayo na saka siya iniwan na mag-isa ng nakatulala doon.

Sorry, Jojo. Pero parang alam ko na ang sagot sa mga katanongan ko.

May iba nang tinitibok ng puso ko.

Itutuloy...

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon