CHAPTER 12

1K 21 0
                                    

UMIRAP SA HANGIN si Amara nang makita niya sa di kalayuan ang binata na kanina pa hinahanap ng mga mata niya.

Naglalakad ito patungo sa kaniya. May kislap ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya kaya hindi niya maiwasang pamulahan ng pisnge.

Bakit may nakikita akong kislap na pagnanasa sa mga mata niya?

Napamulat siya sa naisip. Anong tanong iyon ha, Mara? Ang sagwa!

Tinuloy niya ang pagtingin kay Liam na ngayo'y hindi niya pala napansin na nakalapit na pala ito sa kubo. May mga ngiti ito sa labi. At mukhang masaya ang mukha niya.

Siguro masaya makipaglandian no?

Napairap siya ulit. Sumimsim siya sa lemon juice na nasa kamay niya na nakapatong sa hubad na hita niya at tumingin tingin sa dalampasigan.

"Sir, nakita ko si Ma'am Lily doon sa may lobby, naghahanap ata sa inyo." Nadinig niya sa gilid ng tenga ang boses ni Hira na ngayo'y busy sa paglalagay ng sunblock sa makinis niyang binti.

Nakita niya naman sa gilid ng mata ang pagsilay ng ngiti nang binata. May kumirot sa puso niya.

So may something pala talaga sila? Hmp! Lagot ka talaga sakin lalaki ka! Sa isip ay minumura na niya si Liam.

"Yeah. I actually saw her. We just talk a little." May lamyos sa boses nito. Nagsalubong ang kilay ng dalaga. A little, huh? E halos dumikit na ang katawan ng jihad na iyon sa katawan ng binata!

May talk ba na naglulumpungan? Sarkastiko siyang tumawa sa isip.

"Ano mo iyon, sir? Mukhang close na close kayo ha?" Nagtaka si Mara kasi parang may iba sa boses ni Hira. Iba sa pandinig niya. Para bang..... nanunudyo ang boses nito.

Umirap siya sa hangin at naiinis na sumimsim ulit ng juice.

Tumawa lang ang hudyo at agad naglakad palapit sa pwesto niya. Hindi niya pinansin ang presensiya nito at pinagkrus ang braso saa dibdib habang ang tingin ay nasa malayo.

Narinig niya ang higikhikan ng mga kaibigan niya. Pero hindi niya pinansin iyon hanggang sa may bigla siyang naramdaman na dumampi sa balikat niya na ikinaigtad niya.

Nanlaki ang mata niya na humarap sa likod niya. Agad siyang namula nang ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nila ng binata.

"L-liam.." Utal niya ng dumampi ang mabango nitong hininga sa mukha niya.

Tumitig sa kaniya ang binata na ikinalambot ng katawan niya. Nakakalaglag ng panty ang titig niya! Jusko!

Umangat ang kamay ng binata upang abutin ang pisnge niya. At tumibok agad ang puso niya dahil sa daloy ng kuryente na nalalatay sa buong katawan niya sa pagdampi nito sa mukha niya.

"I'm sorry, hindi na kita hinintay sa labas. Nabagot kasi ako e." Ani nito sa mababang boses. At ang sexy ng dating niyon sa kaniya!

"A-ahh.."

"You look so beautiful in your two piece. But it makes me pissed off dahil makukuha mo ang atensiyon ng mga lalaki. You know I can't share what's mine. Right, my fiance?" Tanong nito na ikinatanga niya.

Pero wala sa sariling napatango siya.

"Don't just nod, hon. Say it."

Naiilang siya sa lalim ng titig ni Liam. "I-im yours, h-hon." Usal niya na nauutal.

Napangiti ng malapad si Liam at agad siyang hinalikan sa nuo na ikinaigtad niya.

"And I'm yours too, hon." Wika nito at agad sumiksik sa leeg nito.

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon